Pikchur yan ng kamatis, kanina sa supermarket, my bumalik lang sa alaala ko kaya napag tripan kong kodakan yan, ang gaganda kasi fresh na fresh.
Nung umalis kami ng Tondo at lumipat kami sa Valenzuela ng pansamantala bago kami tumira sa Sampaloc, yung nalipatan naming bahay e medyo malayo ng konti sa main road mga quarter km tapos lalakarin molang pa main road, puro sya palaisdaan, ang daming palaisdaan.
Mga 8yrs old ako nun, sumama naglipat yung BFF ni mader at nagustuhan din dun sa lugar kaya dina muna bumalik ng Tondo, nagstay at nawili hanggang sa umabot ng mga 2 mos.
Sya si ate Vilma, maganda, seksi, maputi, balingkinitan sya pero grabe ka pilya. Anak sya ng may kaya sa Tondo na kapitbahay namin at mahilig din gumala at sakit ng ulo ng magulang dahil bukod sa laki sa layaw e mahilig mag disco, natigil lang nung maging BFF ni mader kaya labs din ng magulang nya si mader at hinayaang sumama samin.
Yung nalipatan naming sa Valenzuela, My kalapit na kubo, pero malaki at maganda yung kubo, dun nagpapahinga yung mamang bantay ng mga palaisdaan. Ang ganda nung paligid ng kubo ang daming tanim na kamatis, sili, at kalamansi.
Isang gabi hinatak ako ni ate Vi, nagulat ako kasi gagapangin pala namin yung kamatisan, tapos kinaibigan yung matandang bantay ng palaisdaan kaya palagi kaming my libreng isda, talangka, kulang nalang pati lumot na pakain sa isda ibigay samin nung matanda.
Kaya naman kulang nalang lumangoy ako at mangamatis kasi puro isda at kamatis ang palagi naming ulam.
Pero nagtataka ako kahit na palagi naming ginagapang sa gabi yung kamatisan nung matanda e di nagagalit, at nagtanim pa ng talong, okra, upo at kung anu anu pa.
AKO: mang kadyo anu po yang tinatanim nyo?
MANG KADYO: nagtatanim ako ng gagapangin nyo twing gabi
AKO: huh? (nanlaki ang mata ko) alam nyong kami gumagapang sa gabi?
MANG KADYO: oo naman …(tatawa tawa)
AKO: e bakit po?
MANGA KADYO: anung bakit po? para kayo mawiling gumapang palagi
AKO: e bakit di kayo nagagalit? saka bakit kayo nagtatanim ng gagapangin?
hindi sya kumibo, ngumiti lang ng ngiting wala manlang bakas kahit konting galit, nagtaka ngayon ako. Takbo ko pauwi ng bahay humihingal pa lawit dila...
AKO: ate Vi, ate Vi alam pala ni Mang Kadyo na tayo gumagapang sa kamatis pag gabi.
ATE Vi: (medyo nagulat pero di nagpahalata) bayaan mo sya.
Meron pa kaming isang nadiskubre, hindi pala sya bantay, sya pala ang may ari, nagtampo sa anak kaya dun sa kubo tumira.
May anak palang binata si Mang Kadyo at gwapo pa, kaso mahilig sa barkada at ayaw magbantay ng palaisdaan at di mapilit ng matanda na ituloy yung ganung negosyo nila. Mas gusto pang magkumpuni nalang ng relos sa kabayanan. My plano pala ang matanda.
Isang araw hangos paparating yung anak na binata, pinasundo pala ng ama at nagdahilan yung matanda na nirarayuma kaya napilitan yung anak na magpunta sa palaisdaan.
Mula nun palagi na sa palaisdaan yung anak na binata, yun ng ama ang pinauwi at sa bahay nila, nung mga sumunod na gabing nanggagapang si ate Vi ng mga kamatis, talong, okra, dina nya ko sinasama sya nalang,yun pala sila na ang nag gagapangan, santisima!
Ng dahil sa kamatis nagkaron ng biglaang kasalan.
Yun pala ang plano ng matanda, yung mapirmi yung anak nyang binata sa palaisdaan, kami naman di nagtagal bumalik na ulit sa Manila.
Kung bakit kami umalis ng tondo at biglaang natira ng Valenzuela na dirin naman nagtagal, my kwento din yun pero saka ko na ikikwento.
Sa ngayon, dun parin daw nakatira sila ate Vi at ang asawa nya, lahat ng mga anak nila kundi nasa remika e nasa europe na, kung buhay lang si mang kadyo malulungkot yun kasi wala ng magtutuloy ng bisnes nilang palaisdaan.