Friday, November 27, 2009

Turkey... turkey ba yan? turkey ka dyan!

WARNING: Kung kayo po'y may mahinang sikmura, maaari na po kayong mag pass sa post na ito.... at kung kayo naman poy di pa kumakain, hwag muna pong titingin unless mga pasaway kayong talaga... dont tell me diko kayo winarningan ha?


Dalawa ang nararamdaman ko, NAGUGUTOM at NAIINIS.


Sawang sawa na ko kakakain (charing) sawang sawa na rin ako kakaisip kung anung kakainin (etchos). Sa araw araw na ginawa ng pineapple juice, yun nalang ang parating tanong "what to eat today?"

Sa totoo lang ilang araw na kong naglalaway sa turkey, sinimulan ni mam CAT yang post ng kodak ng buhay na turkey, tapos babanatan ng kodak ng post ni lakay DARBS ng luto ng turkey, puro turkey, puro turkey, puro turkey ang laman ng utak ko.

Ayoko naman ng pumunta ng KFC at PIZZAHUT para kumain ng kahit na manok, dahil makita ko palang yung pangalan e naduduwal nako sa pagka hinawa...



Julaylay: madam, der is new restoran awt der, yu can try.

Melaylay: hmmm, any chicken? (obyus bang adik ako sa chicken) roast chicken?

Julaylay: Let see...

Takbo kami ni Julaylay na parang mga patay gutom sa kagutuman.
Wow, ganda naman ng bagong hotel, mura lang daw dito kaya bago pa lang ay pulpak na ng tao.
Hala, ayun my mga kodak yung bawat order, so kita mo kagad kung anung klase yung oorderin mo sa kodak pa lang.

Julaylay: wat the order madam?

Melaylay: Only chicken, chickheeeen (nangangatog pa)

Waitress: hada! (sabay turo ng manok)

Melaylay: EEEeeeeekkkkkkKKKKK!
(konsensyako: arte naman neto my patili tili pa)

Photobucket

Melaylay: Sabihin mo manok pero hindi balbas saradong manok na nagsi swimming, sige na nga kahit dina manok, basta yung di mamantika at ang ubo ko lalala!

Julaylay and waitres: blah blah blah blah

Julaylay: Ok madam, she recommend very good and no oil and very good for your health.

Melaylay: EEEEEEeeeeekkkkkkKKKK!
(konsensya ko: anu nanaman yan, napakaarte naman parang ngayon lang nakakita nun)

Photobucket

Melaylay: de puger, di pa ako ganyan ka gutom, sabihin mong dipa uso samin kumain ng linta mga litsi, hala karne nalang, yung di mamantika, litsi nawawalan nako ng ganang kumain!
(konsensya ko: asuuus, napakaarte naman, pag wala ka ng makakain at mamamatay kana, tingnan ko kung hindi kayo maghabulan nyan para kainin)

Julaylay and waitres: Blah blah blah blaaaaah!

Julaylay: Ok, she say this is very good, no oil, very hot in body, good for sick people for healthy feeling so well.

Melaylay: ok ok, where...

Julaylay: beside you...

Melaylay: EEEEEeeeeekkkkKKKK!
(konsensyako: sisipain ko na to eh, kanina pa to tili ng tili napipika na ko talaga sa arte)

Photobucket


Melaylay: Mga de puger, di pa ko nakarecover sa pagkamatay nung poodle ko etot papakainin nyo ko ng aso?
(konsensyako: pa pudel pudel ka dyan, e askal naman yang ipapakain sayo di naman pudel)

Julayjay: she want to recommend another ......

Melaylay: Stooooop, we go bak to da opis, you just buy nodols, noooow!
(konsensya ko: nyahahaha, ang arte kasi, may pa turkey turkey pa kasi, uubra naman pala nodols lang hmp!)



(lahat po ng mga kodak na nakapaskil ay kinodakan ng kodak ng nokia celphone)


Photobucket

Tuesday, November 24, 2009

Isnak ng Insik na Pasosyal...

Maiba naman po tayo ng usapan.
Siguro naman di bago sa inyo, na sa atin, mapa probinsya o mapa manila e usung uso ang binarbekyung mga kung anu anu, dito din uso yun, pati nga damo binarbekyu.

Pero ang isi share ko sa inyo today ay kakaibang isnak... isnak ng mga pasosyal, oha! tama, mga pasosyal lang (feeling sosyal) ang can afford na mag isnak ng ganito dahil may kamahalan at bukod pa dun e mahal talaga dito ang PATO at iniisnab ang chicken.

Hala sige, suriin natin ang isnak ng mga pasosyal dito, i wish makita nyo kung pano nila ngab-ngabin ang isnak na ito kahit na in public, wa sila care, basta iniisnak nila e isnak ng sosyal.

Hala, pasukin natin ang tindahan at makiusyoso...
Photobucket

Photobucket

Alam ko, di nyo makitang mabuti kung anu yun, mangongolekta tayo ng ilan para makodakan ng close-up.


Photobucket
O ayan, leeg ng pato, makakita ka ng napakagandang babae at napaka disente ng suot at ngumangabngab ng ganyan habang naglalakad o habang nasa kung saan.
6rmb/pc.



Photobucket
Mas lalo naman to, makipag lips to lips ka sa pato in public? yay!
5rmb/pc




Photobucket
Dito, ang mga paa ng manok o pato e naka pedikyur pa tapos ngangatngatin mo, kuko ko nalang kaya ngatngatin ko.
4rmb/2pcs




Photobucket
Ito talaga ang nakakapagpatayo sa lahat ng buhok na pwedeng tumayo sakin, parang isang maliit na alien na nagaabang lumundag sayo, dila po yan ng pato, imaginin mo kung lahat ng pato tinanggalan ng dila, lahat ng pato e pipi. (tinabihan ko ng piso para sa size)
10rmb/7pcs



At ang total po lahat ng iyan ay 25rmb ($1/6.7rmb) o diba sosyal ang makaka afford dahil di naman mura, pero kung ang syota naman nya e galante at mataba ang pitaka, aba e bilmoko na si syota.
Ready na ba kayo magka syota ng pasosyal na insik?

(lahat po ng kodakan na nakapaskil, ay galing po sa aking kodak na sony)


Photobucket

Friday, November 20, 2009

Ibon ba eka mo...?

Herman cartoon Pictures, Images and Photos
(photo credit to jim880 & doggy_daycare, from photobucket)


Yung aking sister, dun na nagdalaga, nagkaasawa't nagkaanak sa baryo, di pa rin masanay sa mga taong baryo...



ALING JULING: (humahangos, humihingal na parang hinahabol ng asong ulul) Naku Neng, ako ngay pahiramin mo muna ng sibuyas dyan, at samahan mo na rin ng bawang hane.

SISTER: Dahan dahan ho't baka yang sibuyas na yan pa ikabangas ng mukha nyo't magkalat pa kayo ng dugo dito... e bat nga ba kayo humahangos?

ALING JULING: Dangkasi e napasarap ako ng huntahan sa kabilang ibayo, e padating na nga pala ang Kakang Juan mo, akoy mapapagalitan nanaman kapagka walang inabot na makakain.

Iiling iling patungong kusina para kumuha ng kailangan ni Aling Juling.

ALING JULING: (my pahabol pang bulong) baka naman my sinaing na kayo dyan e samahan mo na rin at gahol na ko para magsaing.

Habang nagsasandok ng kanin si sister, lumabas ang Aling Juling at humiyaw sa katabing bahay...

ALING JULING: Hoooouuuuuy, Teneeeee! huuuuuuu, Teneeeee, nariyan ka ba?

TENY: Narine hoooo!

ALING JULING: Abutan mo nga ako dine ng dahon nyang malunggay mo, at bigyan mo na rin ako nyang talbos ng kamote.

TENY: Kayo na ho't may tangan akong bata, minamadali ko pa itong tinatahi ko.

ALING JULING: Sus, ikaw na at nagmamadali ako, minsan kalang mapag lambingan e, sige nat parating na Kakang Juan mo.

Minsan nga lang makalambing... minsan lang sa isang araw!

SISTER: Ayan na ho yung sibuyas,bawang at kanin.

ALING JULING: Naku Neng, nasabi ko ba sayong ang Kakang Juan mo ang kakain at hindi ibon.

SISTER: (taka) Oho nga, ang alam ko nag hoy tao kakain nyan, yan nga ho e kanin para sana sa asawa ko mamayang pagdating, e anu naman ho kinalaman ng ibon sa kanin?

ALING JULING: Aba e kakapirangot, e di manlang sasayad sa titilaukan ng Kaka mo itong kanin nato (sabay lingon sa likod at sigaw ulit) Teneeeee! wala pa ba yang hinihingi ko?

TENY: Nandyan na ho kamahal mahalang reyna (bubulung bulong).

ALING JULING: Samahan mo na rin ng bahaw hane, at ang mga tao ditoy parang mga ibon magsikain.

SISTER: (nakanganga, tulala pa rin)fluffy\'s friend bobbo Pictures, Images and Photos



MORAL LESSON: Magsasaing din lang kayo e damihan nyo na at ang kakain e hindi ibon.... ha? ibon? bakit my nakasamang ibon?



Photobucket

Tuesday, November 17, 2009

Winter Madness

Ang hirap ng ganitong season, diko malaman kung san ako susuot at susuling sa sobrang lamig.
Aminado naman ako na hate ko ang sobrang init, pero mas hate ko yung ganitong season na para akong inarmirolan sa gawgaw sa tigas dahil sa sobrang ginaw, at para akong pinagsasampal twing lalabas sa hapdi ng dapo ng lamig sa mukha.
Kapagka ganitong winter, gusto kong sumigaw at magtatalon, pakiramdam ko kasi pag diko yun ginawa, e ganito magiging itchura ko....

Frozen People... Pictures, Images and Photos
(photo credit to calvindool, from photobucket)



At kung minamalas malas e ganito....

Frozen Man 2 Pictures, Images and Photos
(photo credit to brentandval, from photobucket)



At habang tumatakbo e ganito....

hatchet man Pictures, Images and Photos
(photo credit to ninjet21, from photobucket)



pero bibilib ka naman sa mga tao dito, kung kelan winter ay duon naman mabili ang ice cream dito (pansin ko lang). Swerte pa rin ako't nandito ako sa South, more than 2 weeks ago, eto ang snow sa North...

Photobucket

and this...

Photobucket



at eto naman last year pa sa North pa rin, pero dipa
ito ang kakapalan ng snow last year, starting palang
ng pagkapal yan...

Photobucket




Dito naman sa South kahit na winter e di naman yearly nag iisnow, every 2 years lang my snow, gaya nung 2007-2008 winter, matindi inabot nila dito, parang yung kay Ondoy, maraming namatay, nasira ang bahay at na stranded sa daan pauwi ng mga villages nila to celebrate Chinese New Year, dahil sa sobrang kapal ng snow, pero karamihan di nakarating sa paroroonan kaya nagsibalik dito na luhaan.
Eto ang ilan sa mga pictures ng snow dito sa South, dito mismo sa kinaroroonan ko (Hangzhou City) noong before Chinese New Year 2008.

Photobucket


Photobucket

Photobucket

Photobucket


Kaya this Winter, my snow nanaman, Brrrrrrrrr!
IBALIK NYO KO SA PILIPINAAAAAAAAAAS!


(all photos above, photo credit to Chinese website)


Photobucket

Monday, November 16, 2009

One on One...Mother & Son.

son, mother, magpie, son Pictures, Images and Photos
(photo credit to chiscotheque, from photobucket)

"Some of the conversation between me and my son” AKO: Ay naku anak, wag na wag mo kong sinusubukang takutin, kung yung ama mo, na nakakatakot at nakakasindak ang square na pagmumukha nya e di ako nakayang sindakin, ikaw pa na napaka gwapo at napakaamo ng mukha ang tatakot sakin?

ANAK: (nakakunot ang noo) e sinu po ba talaga ang kamukha ko?

AKO: e sinu pa, e di yung ama mo!

----------


AKO: Hala, kung ikaw din lang ang masusunod at hindi ako na ina mo e mabuti pang magpalit nalang tayo ng pangalan.
ANAK: Ayoko po.
AKO: E puro yung gusto mo nasusunod, ako wala ng nasunod sa gusto ko kahit kelan.
ANAK: Ayoko po.
AKO: Tingnan mo?tama ba namang sagutin mo ko ng ayoko?
ANAK: Ayoko nga po e.
AKO: Anu bah? Kanina kapa ayoko ng ayoko dyan, anu bang ayaw mo sa mga sinabi ko?
ANAK: Ayoko pong magpalit tayo ng pangalan, ang sagwa po e, parang joke!

----------



Lola, tutulog na po ako memehen nyo napo ako (my son was 7 yr old then)

Patulugin mo nga yung anak mo dun, minsan lang kayo magkasama e limliman mo manlang at ng maranasan namang mapatulog ng ina. Naubos ko na lahat ng kantang nalalaman ko, mulagat pa rin ang mata ng de puger na bata. Oy, diko sinabing mag concert kayong mag ina dyan, patulugin mo yang bata at maaga yan papasok.

Anak naman matulog ka na plsssss, ubos na kanta ko, galit na lola mo.

(Nakatingin sakin) dipo ako makatulog kasi kumakanta ka po e. Haaa? e sabi mo memehen ka para makatulog, anu bang kanta pang meme sayo ng lola mo? Kanta? Di naman po kumakanta si lola pag minememe nya ko e.
(Taka) ganun? e anung pampatulog nya sayo? Sabi po nya, “matulog ka na, maaga pa pasok mo bukas, dika na nga nag aaral mabuti ayaw mo pang matulog ng maayos, di ka na nga kumakain ng maayos, puro ka nalang laro, yung mama mo dun nagtatrabaho para lang…. blah blah yakiti yakiti yak yak…tapos po diko napo alam yung ibang sinabi nya, makakatulog na po ako….


MORAL LESSON: Sabi, kung ano daw yung puno yun din ang bunga...in denial pa rin ako!



Photobucket

Friday, November 13, 2009

Ako lang ba...? Part2

MSP Concourse G Gates Pictures, Images and Photos
(photo credit to StreetView, from photobucket)

cont...

Mga sampung katao na ang layo ko kay titcher...
Salamat naman wala na sya sa paningin ko,
pagkatapos ko sa counter...


Hooooy, hinintay kita e, bat ka nawala? bat ka napunta sa huli? kinausap ko lang yung Chancelor ng skul.

Kakagulat naman kayo...

Hinintay kita, kasi diko alam san papasok pagpuntang eroplano...

Mamaya pa ho yung eroplano.

Alam ko, papasok kako sa loob, dun sa garahe ng eroplano...

Anu namang gagawin nyo sa garahe ng eroplano?(taka)

(umirap) hay, hirap mo pala kausap, dahil siguro bago kalang bumibyahe!


(tatango-tango lang ako)...


Ha? my pipirmahan nanaman?

Yan nga ho yung embarkation paper (pinapaliwanag kung pano)


Nakalampas ng immigration,
nagkahiwalay kami ng pila hanggang...

Pag nauna ka hintayin mo ko ha? hinintay kita kanina...


(my utang na loob pa ko ngayon..)

Ang tagal....

inakupu, hinarang ng mga sikyu yung ale,
Tumabi muna ko, baka mamya my dalang drugs e masama pako,
nawala, ang tagal, umalis nako derecho sa coffee shop,
dun nako tumambay ng matagal, then nung malapit na oras, punta
nako ng boarding area, nagbabasa nako ng...

Hooooooy, bat mo ko iniwan?

(napaangat ang pwet ko sa upuan sa gulat) san ba kayo galing? buti alam nyong gate na pupuntahan nyo?

Natural (nanlalaki pa mata) sanay ako noh at marunong akong bumasa...

Hinarang ako dun dahil sa bombet at palobong dala ko.

Anung bombet? anung palobo yun?(usisera din pala)

naku, pasalubong ko sa mga apo ko,buti nalang pumayag yung mga gwardiya na maiuwi ko, matutuwa ang mga bata, eto o.

Sus, ang dami satin nyan...

Iba yung galing dito sa China.

E puro galing din naman ng China yung mga nasa tin.

E bakit ba, basta... (sabay arte ng parang batang nagmamaktol)

Abat... ang litsing to ang arte, sipain ko kaya?
Inilabas isa isa....

Tingnan mo nga naman... (habang binubuksan ang takip),

sa probinsya, tangkay lang ng papaya gamit namin (tinesting ng lola nyo),

tapos, tide saka gumamila, ayus na my palobo na kami ...
(liparan yung mga palobo sa ibang mga pasaherong naghihintay),

ngayon eto, hay-tetch na mga laruan ng mga bata ngayon..

Juicekupu! hi tech na pala yun, panay pa rin ang dakdak,
dipa masiyahan kakalabitin pa ko para humarap sa kanya!


Ayokong maging rude, diko alam kung anung gagawin ko sa kanya para tumahimik, kanina pa walang tigil, diko na napigilang tumawa ng tumawa habang kagat yung pocketbook na hawak ko, tulo na luha, pati sipon ko, kakatawa, gusto ko na ring maiyak sa inis (tulalang nakatingin sakin ang lola nyo, di makasalita) tapos tulala nako, dina ko natinag, dina rin ako nakurap...


Oki kalang....? oki ka lang....?


nagsimula nanaman akong tumawa ng tumawa na kahit anung gawin kong pigil lalo lang nagpupumiglas yung tawa kot diko inaalis ang tingin ko sa kanya...


Biglang namaalam ang lola nyo, iihi daw muna sya pero dina bumalik...




MORAL LESSON:


Photobucket


Photobucket

Wednesday, November 11, 2009

Ako lang ba...?

Check In Pictures, Images and Photos
picture credit to Munichpictures1970,photobucket)



Sa pilahan ng check in counter, going to Manila...



Hoy, pinay ka ba?

(gulat pa ko) Oho, pano nyo nalaman?

Obvious naman e, para kang bumbay!

(???) Anung koneksyon nun?

Kasi dito ka nakapila papuntang Pinas,
at mukha kang bumbay kasi my hikaw ka sa ilong.

Matagal ka na dito?

Oho.

Kelan pa?

Diko na ho maalala sa tagal.(sagot ng inaantok)

Ako matagal na saka jet setter ako e... anu yang
papel na pinamimigay?

Embarkation paper ho tawag dyan.(nakangiti pa rin)

Ha? kelan pa nagkaron nyan?wala naman dati nyan ah?

Matagal na ho yan, kasing tagal na ng mauso eroplano.(naghihikab na ko)

Tsk tsk, tingnan mo nga naman,meron na pala nyan?

Akala ko ho ba jet setter kayo? anu bang ginamit nyo papunta dito, bangka?

Uy hindi ah, every 3mos lumalabas ako ng bansa, diko alam na papunta pala
ng Pinas e kelangan nyan, tagal na kasi ko di nauwi satin e puro Europe ang punta ko.

(umusad ako pasulong,parang my sapi isang to)

Teacher ako dito...

Ah, ok... (tinatamad na sagot ko)


(nag ring ang phone ng ale)


Hilo? hilo? ah yis ser, yis ser, aym hir oredi in irport, yis yis ahihihi si yu liter ser ay am miss yu oredi hihihi, plis til tu mam in da kids witing mi ay kambak fastir.

Di ko na hinintay matapos makipag usap sa tilipunu, lumayas ako sa pila at nagsimula ulit sa likuran.

(my part 2 pa yan)





MORAL LESSON: @%$*@^



Photobucket

Sunday, November 8, 2009

PINOY EXPATS BLOG AWARDS

Patalastas po muna mga Pards....

Please vote for #35 Flamindevil, paki sama na rin po itong #34 Topexpress #33 Bonistation.You could vote up to 10 bloggers at the same time.You could only vote once per IP address. Here’s the link: http://go2.wordpress.com/?id=725X1342&site=flamindevil.wordpress.com&url=http%3A%2F%2Fpinoyexpatsblogawards.com%2F


Photobucket
Magaling pong bata yang si Rye (#35 Flamindevil), kung nakita nyo po sa old site ko sa "HUMOR" kasama din po sya sa mga manok namin sa "10 Influential Bloggers"


eto po ang kanyang entry, sana po masilip nyo...

http://flamindevil.wordpress.com/2009/10/12/this-time-i%E2%80%99ll-make-it-right/

di naman po sapilitan ito, pero ang di bumoto langgamin sana mouse ng computer nyahahaha just kidding, kayo naman.
di pa po late, pede pang bumoto.


PS

Pls dont forget also to vote our very own para naman maging CNNHero, si Efren Penaflorida po!
heres the link...below,salamat po ng napakarami!

http://heroes.cnn.com/confirmvote.aspx?id=06&lang=1


brought to you by our sponsors:
TIKI TIKI
DARIGOLD
DIATABS
CHOCNUT
COCOY BUKAYO -
YES COLA

Photobucket

Tindahan sa Baryo...

Sari Sari Store Pictures, Images and Photos
(photo credit to venicevan, from photobucket)

Lahat naman ng bagay nakakasanayan at nakakagamayan, gaya na lang nung pagtira sa baryo.Nasanay kasi kami sa manila na walang nakekelam, walang pakealamanan at magkakapitbahay di magkakakilala.
Pag nga naman inabot ka ng kamalasan e kasabay ng pagsulpot ng mga buset sa paligid, at dobleng kamalasan pag sa tapat ng tindahan ng baryo kapa napa landing mapatira.



ALING MAMENG:
"abaaaah at my bago pala tayong kapitbahay na galing ng menila."


ALING INGGA: "oo at kapupute ano? nakita mo ba yung ina? Mistisang mistisa, parang anak ng merkano? aba e sige bilangin mo ang edad, malamang na anak yan ng kano nung huling nagdaang gyera, o ano, ano, ano sige at kwentahin mo?"

ALING MAMENG: "e sya nga ano, dyan ako bilib seyo Ingga, pagdating sa kwentahay napapahanga mo akong talaga."

ALING INGGA: "kaw lang e, ala kang bileb, maalam talaga akung kukwenta ng numero,... nga pala, ang haba na ng lista ng utang mo, kelan ka ba magbabayad, ha?"

ALING MAMENG: "kaw naman oo, yaan mot pag sinwerte sa sabong ang kumpare mo e babayadan din kita kagad, maiba tayo, e sinu namang yung isang kasama? parang di yata kamukha? baka iba ang ama?

KAKANG JUAN: "kuuuuuh, dyan kayo magagaleng, ang manipat ng mga bagong dayong tao, kaya kayo'y nagsitanda na di umasenso sa buhay….
ah e Ingga, abutan mo nga muna ko ng isang bilog dyan, memeya na bayad, pag nakabale ko dun sa eekstrahan kong pagawang poso.
"




MORAL LESSON: magsipagbayad kayo ng mga utang sa tinahan at ng di umabot
sa kabilaang ibayo chismis na mahaba na utang nyo't ma ban kayo sa ibang tindahan.



Photobucket

Thursday, November 5, 2009

Bakit nauso ang mga LOLA...?

De La Salle University Manila Pictures, Images and Photos


Nope, hindi ko pwede ipagmalaki kahit kelan at lalong di ako proud na 3x high school drop out ako. Hanggang sa wala ng school na gustong tumanggap sakin, at kundi pa umangal na si mader sa nakakataas ay dipa ako tatanggapin... yun, tinanggap nga, pero sa mga tapunan ng mga bugok/sira-ulo/basagulerong na kicked out from different high schools, kaya naman nagkahalo halo na lahat ng tarantado at halang ang mga bituka sa school na yun.

Never akong nagkwento sa harap ng mga bata o kabataan ng mga experience ko nun during my high school days. Ayoko kasing magkaron sila ng idea sa ganun, dahil kahit na nga di ako nakatuntong ng kahit saan University (plan ko this holiday, ang nxt trips ko maglilibot ako sa mga Universities para tuntungan kahit man lang mga handanan) ay buo parin ang aking paniniwala at malaking pagtitiwala sa mataas na uri ng edukasyon.

Lalo namang ayokong malaman yun ng anak ko, nagagalit nga ako pag hindi sya nag aaral at puro games at barkada ang inaatupag, babanat naman ang lola...

"anu na lang, totorturin mo ba yang bata ng puro aral? mas masahol ka pa nga nung araw"

May arrangement kasi kami, kanya ang right mamili ng gusto nyang course, kahit ano pa yan, kahit pa makeup artist, mangungulot, beautician, manikurista basta ako ang mamimili ng school na pwede lang nyang pasukan otherwise wala ng aral at magkunduktor nalang sya ng bus, sabad nanaman ang lola...

"tigilan mo nga ng mga ganyang lenggwahe yang bata, di sanay yan kinakausap ng mga salitang kanto"

Susmio, salitang kalye ba yung sinabi ko? yun po ang aking naunsyaming pangarap sa buhay, ang magkundoktor ng bus. O mag alaga ka ng mga hayop sa baryo pag dika nagtinong bata ka... swerte ng anak ko, my sariling speaker, lola nya...

"ikaw bay pinag alaga ko ng hayop? ikaw bay pinahirapan kong mag hanap buhay sa kalye nung ikay nagluluko?"

Opo, nagsisinungaling po ako sa anak ko (ewan lang kung naniniwala), na palagi kong sinasabing, pag di sya nakapag aral ay wala syang mararating, na pag di sya nakatuntong ng college sa gusto kong school ay di sya makakakuha ng magandang opportunity dyan sa atin, na iyon lang ang chance para di sya maghirap na kagaya ko (etchos). Ang alam kasi nya, hirap na hirap ako sa trabaho ko dito sa abroad (totoo naman diba?) na talagang subsob ang aking ulo ko (sa computer) sa kakatrabaho, at kulang na kulang ang tulog sa gabi (kaka internet) dahil sa wala nga akong aral, at akoy api apihan sa lupang banyaga (charing)...

"akala mo bay tanga yang anak mo na di nalalaman ang mga nangyayari? marurunong ang mga bata ngayon kaya wag mong isiping tanga yang anak mo"

Pero sa mga nakikita ko sa mga kabataan, lalo pa nga yung todo pasa ang mga magulang sa mga pangangailangan nila, ay tila walang pagpapahalaga at pagsusumikap ng makapag aral. Para bang obligasyon talaga ng magulang na ibigay sa kanilang lahat ng naisin nilat may gana pang magtampo pag di naibigay kagad.
Kami ba nung araw? pag may gusto kami, ganito ang approach namin kay mader ...

"Pag po nagka pera kayo, baka po pwede magkaron din kami ng ganito/ganyan"

Pucha, ice drop lang yung pinapabili namin ha? pag humingi kami ng piso shocked pa yun. Pag yung anak ko pa hihingi syo ng pera...

"Ma, penge pong wan tawsan"

"Wan tawsan, aanhin mo naman"

"O e anu bang gamit ng pera" sabad naman nung lola, diko lang masabing sya nga nung araw piso lang, kulang nalang bigyan namin ng CPR.

Kamot nalang ako ng ulo e, sasabihin pa ni mader na "kung hindi mo bibigyan e pangatawanan mong hindi, at kung di mo kayang pangatawanan e wag ka nang magpapetek petek, bigyan mo na lang"....

May tanong ako.... bakit nauso ang lola?






MORAL LESSON: Kung kagaya ko kayo na di marunong sumagot at kumontra sa nanay nyo, pag magsesermon kayo ng anak, ikulong nyo muna yung lola sa CR, at sabihin nyong mag iisprey kayo ng ipis at masama sa kalusugan nya ang makasinghot ng sprey?




Photobucket

Monday, November 2, 2009

KASABIHAN: Masamang magwalis sa gabi....

sweeping Pictures, Images and Photos
(photo credit to jaycarter15 from photobucket)


Sa Manila na kami nagsilaki’t nagkaisip magkakapatid, more than 2 decades ago nung magdecide si mader na mag-alsa balutan nalang patungong baryo, dahil nagsara na yung factory na pinapasukan nya at pinilit ko na syang magretire (age 42).

Ako nalang ang magprovide ng kakailanganin namin since stable nako sa company (age 22), naawa naman sakin dahil sa laki ng gastos sa manila kaya ayun probi nalang daw sila.


Kaso nagkaron kami ng culture shock lalo na yung aking sister act na sa manila na pinanganak.

Baryo nga palang talaga yung probing nalandingan namin. Mabait ang mader at super tahimik kaso minsan napipikon na rin, lalo pat araw araw na ginawa ng buko juice e my nag iinterbyut nag uuzi at para bang ayaw ka ng tantanan at lahat gustong malaman…


ALING JULING: anu na nga bang tarbaho ng anak mo sa menila? Kyu-se ba ika mo?


MADER: QC ho ang tawag dun (habang nagwawalis sa bakuran).


ALING JULING: kyu-se nga kako, e anu naman yung kyuse?


MADER: yun ho yung nag aaprub ng garments kung makakaalis o hindi.


ALING JULING: sabi ko nga diba? e anu ba yung aaprub at anu yung gamens?


MADER: yun ho yung magdedecide kung papasa yung quality nung mga merchandise.


ALING JULING: alam ku yon, di naman ako tanga, e anu naman yung kwaliti at mermerdise nayan? (bumubulong bulong).


MADER: (naubusan na ng pasensya ang madera) Neng, pakidala nga dito ng gaas at ng masigan itong kapitbahay este itong basura dine.


ALING JULING: (pabulong bulong na umalis ang ale) bastos talaga mga taga menilang tao.







MORAL LESSON: Dipo totoo yung kasabihang masamang magwalis sa gabi pramis, maaga po natutulog ang mga matanda sa nayon kaya sa midnite ka nalang magwalis kung ayaw mong makunsumi.


Photobucket