Tuesday, December 29, 2009

Happy New Year to all...!

Greetings Pictures, Images and Photos

(photo credit to lintang2006 from photobucket)


Happy New Year to All!


My New Years Resolution? yun at yun din every year hahaha, but this time I want to have 1 New Years resolution na sana e matupad ko,Argh!

I will reduce my habit and addiction.


I will be slowing down.... again!
need ko ng magparehab lol.
Want to thanks all the friends here,you've been so nice to me, am going to miss you all thats for sure, will be back again kasi bukod sa rehab my appointment pa raw ako sa mental, will be back again pag pumayag ng alisin yung straight jacket ko.
(feeling ex Ms.Universe na magpapasa ng tiara jejeje)

hOPE eVERYoNE hAVE a hAPPY hAPPY and pROSPEROUS nEW yEAR!!!

(naharbat from: www.pinaysaamerika.blogspot.com)

! Pictures, Images and Photos
(photo credit to xxelizabethieexx from photobucket)




Photobucket

Wednesday, December 23, 2009

Mey Sta Clawwws din kami dito...

Yup yup... my pasko din sila dito, katunayan eto pagpasok mo ng supermarket eto sasalubong sayo...

Photobucket
nakasalansan na mga softdrink cans...




Photobucket
syempre pagtingala mo meron din...




Photobucket
lahat nalang ng producto sa loob sinalansan, hair blower, tissue paper, shampoo etc etc...




Photobucket
oh.. well... ito ang meaning ng xmas dito sa China... business as usual, pagkaka datungan e anu pa nga ba.




Photobucket
syempre pa, lahat naman dito kahit di nila pinaniniwalaan bastat kikita sila, hala bira mey ay merry merry din sila...



natapos mamili... derecho ng uwi...




EEEEeeeekkkkKKKK!!
Photobucket
asan na yung mga sikyu? nagtipid na rin ba ang bilding at pinalitan na ng matandang ermitanyo yung mga gwapitong sikyu dito???




Photobucket
huminto muna ko, ibinaba yung mga pinamili ko, inusyoso ko muna tong kung anung mamaw na sumalubong sakin sa lobby, nagngingisngisan yung mga de puger na sikyu...
sinenyasan ko sila na astang takot ako sa rebulto.




Photobucket
aba aba aba at my xmas tree pa... tanso na xmas tree, kinakabitan pa ng mga xmas light.




Photobucket
kinabukasan ng umaga binuska ko yung manager ng building tungkol sa ermitanyo... eeerrrrrr di raw pala ermitanyo yan, santa clawwws daw yan? ngeeek, lalo ko syang inalaska...




Photobucket
oooops, wala na yung ermitanyo, este sta clawws, alam nyang aalaskahin ko sya ng aalaskahin, ayun inalis yung rebulto, kinaumagahan eto na nakakabit sa pinto...



MERRY KISSMASS TO ALL, MUAAAAAH WITH LOTS OF LOTS OF HUUUUUUGS... FROM ME SYEMPRE KANINO PA!


Photobucket

Saturday, December 12, 2009

Mga hayup.... name them!

Nuong maliliit pa kami, lingguhan lang umuwi si mader kasi malayo ang pinagtatrabahuhan.
Kaya nga kami nagsilaki ng di manlang nakarating ng ZOO, at wala kaming idea sa itchura nito, at isa pa palagi nalang walang pera ang naririnig namin kaya stay at home lang kami palagi.
Kaya nga ng makita ko ang mga hayup na ito e na excite ako.

E eto naman palang boss ko ganun din, naneglect daw sya ng magulang dahil busy sa pagpapayaman, kaya di rin sya nakarating ng ZOO. So eto, isang dukha at isang mayaman nakatanghod sa mga ito...


Panay kodak ko, panay din kodak nya...

Photobucket

Photobucket
o diba? nakakapanindig ng balahibo...



Photobucket
nagkakagulatan pa kami pag pormang manunuklaw.




dito kami takot nung mga bata pa kami...
Photobucket
kasi nga diba sabi, pag naihian ka e magkaka kulugo ka.





Photobucket
uuuuy, eto ang ku-cute nila...


Photobucket
kakatuwang panoorin naglalanguyan.




Photobucket
anu naman kayang hayup to?
Boss: you dont know?
Me: nope.
Boss: what a shame, you have more than 7K island and you dont know this?
Me:nope.




katakot naman tong isdang to, parang isdang bato!
Photobucket
Boss: dont tell me you dont know the name.
Me: nope
Boss: shame...
Me: kanina pa to shame ng shame e...




Photobucket
nag unahan pa kami pagsabi "octopus"




grabe ang laki parang pating...
Photobucket
Me: you know the name sir?
Boss: nope
Me: shame...
Boss: and what is it?
Me: shark...
Boss: thats not shark...
Me: so whats that if not shark?
Boss: dunno, but thats not shark...
Me: shame,( bago pa makahirit ang bosing) ...




bigla kami napatigil pareho...
napatitig kami ng matagal dito...
Photobucket

Boss: name?
Me: nakangiti/umiiling... dunno.
Boss: so why you smiling?
Me: its my nature, smiling face...
Boss: i know what your thinking...
Me: (nakangiwi) it depends, if you think the same...
Boss: dirty mind...
Me: (naka ngising aso, parang my banto ang bosing ko).
Boss: nakatitig pa rin sa di malamang klase ng sea monster.

Julaylay: Sir, madam, we finish the order, lets go to our table, they are waiting for us already!


(all the kodaks are taken from my celphone's kodak)


Photobucket

Wednesday, December 2, 2009

Rocker style ng mga insik

Napansin ko na puro tungkol sa mga insiktu ang aking topic at puro kodakan nalang.
Oki, since naumpisahan ng puro ganun e ganunin nalang natin.

Eto e tungkol naman sa mga style ng mga buhok dito. Ang mga tao dito dimo malaman ang kanilang mga style, lahat nalang sila gustong maging rockers. Sa daan mapapanganga ka sa mga style, gusto ko sana silang kodakan lahat kaya lang e baka bigla akong ipadampot sa pules at akalaing ako e spy.

Kaya, itong planta nalang ang aking ni raid ng isang araw, malay nyo, makakuha kayo ng idea ng mga usong buhok dito ng mga kalalakihan. Since dito sila sa planta, disente ang kanilang mga buhok di kagaya nung mga nakikita ko sa daan.
Hala, harangin natin silang isa isa.


Photobucket
Ato, wag kang mahiya, tumingin ka dito't kokodakan kita.




Photobucket
Inakup... at nagpa kyut nga ng todo!




Photobucket
Ito naman, parang pinamahayan ng kalapati ang buhok nya, sarap sambunutan.




Photobucket
Yan, yan ang meryenda nya, ang bangs nya.




Photobucket
Eto naman, sinabi ko ng kokodakan ko sya e tinulugan ako.




Photobucket
Nakakita na kayo ng insik na ibong adarna? eto sya!





Photobucket
feel nyang apo sya ni elvis presley.




Photobucket
etong isang to parang isinuot yung daliri sa koryente, parang squirrel na hinabol ng oso ang chura.




Photobucket
Ok, panay ang pose nya, alam nyang sya na ang winner... at ang premyo nya? pwede syang umuwi today ng maaga at my OT pay pa sya.



OOoooppss, my humabol, bakit daw lalaki lang?

oki, sabi ko, next time naman kayong mga gurls!
Photobucket

Photobucket


(napansin ko madilim pala ang mga kodak, kinodakan lang po sa kodak ng aking celphone na nokia)



Photobucket