Nuong maliliit pa kami, lingguhan lang umuwi si mader kasi malayo ang pinagtatrabahuhan.
Kaya nga kami nagsilaki ng di manlang nakarating ng ZOO, at wala kaming idea sa itchura nito, at isa pa palagi nalang walang pera ang naririnig namin kaya stay at home lang kami palagi.
Kaya nga ng makita ko ang mga hayup na ito e na excite ako.
E eto naman palang boss ko ganun din, naneglect daw sya ng magulang dahil busy sa pagpapayaman, kaya di rin sya nakarating ng ZOO. So eto, isang dukha at isang mayaman nakatanghod sa mga ito...
Panay kodak ko, panay din kodak nya...
o diba? nakakapanindig ng balahibo...
nagkakagulatan pa kami pag pormang manunuklaw.
dito kami takot nung mga bata pa kami...
kasi nga diba sabi, pag naihian ka e magkaka kulugo ka.
uuuuy, eto ang ku-cute nila...
kakatuwang panoorin naglalanguyan.
anu naman kayang hayup to?
Boss: you dont know?
Me: nope.
Boss: what a shame, you have more than 7K island and you dont know this?
Me:nope.
katakot naman tong isdang to, parang isdang bato!
Boss: dont tell me you dont know the name.
Me: nope
Boss: shame...
Me: kanina pa to shame ng shame e...
nag unahan pa kami pagsabi "octopus"
grabe ang laki parang pating...
Me: you know the name sir?
Boss: nope
Me: shame...
Boss: and what is it?
Me: shark...
Boss: thats not shark...
Me: so whats that if not shark?
Boss: dunno, but thats not shark...
Me: shame,( bago pa makahirit ang bosing) ...
bigla kami napatigil pareho...
napatitig kami ng matagal dito...
Boss: name?
Me: nakangiti/umiiling... dunno.
Boss: so why you smiling?
Me: its my nature, smiling face...
Boss: i know what your thinking...
Me: (nakangiwi) it depends, if you think the same...
Boss: dirty mind...
Me: (naka ngising aso, parang my banto ang bosing ko).
Boss: nakatitig pa rin sa di malamang klase ng sea monster.
Julaylay: Sir, madam, we finish the order, lets go to our table, they are waiting for us already!
(all the kodaks are taken from my celphone's kodak)
Saturday, December 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
52 comments:
curios lang ako. ano ang inorder ninyo?
ako makakain ko ang diyan yong palaka.
ahas, pagong, pusit, sawa, palaka, pangit na isdang bato, pating... and the unidentified Fishing objects. but i could eat all of them... maraming ganyan sa china town dito. may buhay na tilapia pa nga.
ulitin ko tanong ni mam cat, anong inorder nyo?
palakang bukid marami xempre sa bukid at nakakain na me non, ahas dami din pero nong natuto mga tao don kainin sila tila ung mga ahas na mismo nagtatago sa mga tao.
ung shark nakatikim na din dahil ung lolo ng nanay me madalas nakakahuli nyan tas pag kinatay kelangan sa tabi ng ilog tas itutuhog mga laman sa manipis na kawayan na pinapalibutan ng fish net na pino ang habi para di dapuan ng langaw at saka isasabit sa mataas na puno na malayo sa kubo dahil sobrang panghe ng amoy.
ung octupos regular sa hapag kainan yan.
nakatikim na ako itlog ng pawikan kase pag buwan ng nobyembre at disyembre umaahon sila ng madaling araw para mangitlog sa buhanginan pero binabantayan ng mga tao dahil umaabot minsan bilang ng itlog ng 50pcs kaya malaking pera sa mga makakahukay.
Haha - pati ako, parang may palihim na pagka-asar kay Julaylay. Baka hahantong ang napakakulit na Zoo adeventure nyo ni Boss sa noodles, o di kaya wild palaka, haha...
Ibang klase talaga ang mga resto dyan sa tsina. Walang pinapatawad, kahit ano niluluto.
Sea anemone, yung nasa 7th pic at scallop naman yung nasa shell.
Hehehe balak ko ding gumawa ng ganitong post. trip lang hehehehe Abangan...
Magandang araw lee.
Lee- yung huling photo, vasectomized scallop ang tawag dun kasi may tali. Kaya iba ang takbo ng utak ni Boss mo hehe...
halaaaa.
hindi ko kayang kumain niyan.
magkakanin na lang ako. kahit wala ng ulam. hahaha. :)
None of the above. :)
Busog pa ako... Hehehe. May lason yang rock fish.
Kahit pa siguro bayaran mo ako ng isang truckload na pera, hindi mo ako mapapakain nyan.. ha ha ha
maliban na lang kung mani...na nakababad sa ihi.. ha ha ha ha
@mamCAT, wala kaming inorder dyan kahit isa hahaha.
dun sila umoorder sa kabila,kami naman nag-uuzi lang sa mga kulungan.
@LakayDARBS, di nila type ang mga isdang dedo na, dapat ganyan mga buhay pa kasi ang mga luto ng isda dito puro steam.
@MTONI, wala akong kinakain kahit anu dyan till now hahaha at wala pa naman akong plan itry,pati palaka dipa ko nakakain kahit sa pinas.
ang isda lang naman na kinakain namin dito kung hindi yung red snapper e young pomprey lang.
@DFISH, yang si Julaylay e madalas kong madagukan sa pagka imprimitida,pati boss ko asar dyan kasi palaging wrong way, sa one way ang pasok lol.
@BV, ang alam ko kasi at nakikita kong ccallop sa pinas e yung ang liliit lang,dito sa china, basta di nagsasalita kinakain nila, kaya ako di humihinto kakasalita lol.
@TARIBONG, magandang araw din sayo, hala sige banatan mo lol.
@DFISH, vasectomized hahahahaha muntik ko na mabuga kape ko hahaha.
@KaROGER, pwede namang mag ulam ng toyo nalang hahaha.
@ANJONG, may lason ba? my pangontra a lason mga bituka ng mga tao dito hahaha.
@Al, bumanat ka nanaman dyan, musta bakasyon?
kakatakot naman ung mga ahas!
parang gusto ko kumain ng pagong. masarap b ung turle shell? ahehe
@Fr.Felmar, kakatakot nga e kahit nakakulong umaakmang manunuklaw lol.
@KikiLabotz, diko pa rin natikman e lol.
Hahah! I thought nasa Zoo kayo... 'Yun pala sa Resto....
SO how's your food? Haha!
Natawa ako sa last pic.... Medyo marumi kasi ang isip ko :)
@MangyanAdventurer, hahaha ok naman, wala sa mga nasa picture yung inorder lol.
waaa. akala ko zoo talaga to. sabi ko kugn zoo to ba't walang name? haha. nako, kakainin niyo tong mga to? waa. katakot. anong inorder niyo sister?
ang mga ahas ay malalaki. pero wala bang kagaya ng sa malabon zoo diyan na pwede for picture taking?
@Reesie, naku sister, wala sa mga yan ang inorder namin hahaha pinipilit nga kaming umorder at try daw namin hahaha thanx, but no thanx...
@Fr.Felmar, Pads walang ganun e hahaha nakakatakot naman yung ganun,takot ako sa ahas kaya kahit wala pang kamandag diko kayang hawakan.
puro creepy crawlers naman yang nakunan mo sa zoo sister lee. :)
ayokong ayoko ng ahas.
hindi ko alam kung bakit. pero para bang ang sama sama nyang hayop
@Snow, hahaha sister, ok nga lang kung sa zoo mo makikita yan e, kaso ang creepy e nasa resto waaa.
@Siyetehan, ganun din ang pakiramdam ko, ihhhhh.
alien clams ba yung huling photo? aw..
nasa resto pala yang mga yan. ituturo niyo na lang tapos kakainin. aw.
yung isdang nakakatakot, isda ba talaga yan nung isang araw? para kaseng nagevolve na lang yan dahil sa radiation at molecular design ng isang scientist.
natawa ako sa jokes mo. lols
pero sa kabilang banda,
parang disturbing kasi bakit dyaan lang nakakulang ang mga hayop? ang sikip nila. di man lang inayos ng nagtitinda. tsk.
naimagine ko tuloy kung tao ang nakakulong tas ganyan lang ang lagayan.
@Ax, hahaha alien ba, yung isda kakatakot nga e parang dina normal na isda chura.
@Dencios, bok, walastek ka naman, e bat naman nasama tao hahaha dina raw kelangan malaki kulungan e lalapangin din lang naman sila
try nyo kumain ng angelfish. masarap yun. trust me.
Kakatuwa ang mga weird na creatures hehehe...
KOdaker ka pla hehehe...nice!
BLOG HOPPED HERE.
Heto ung list na pang recipe.
adobong sawa
snake stew
kilawing scallop
ginisang palaka
sinabawang ulo ng isda
Pinakurat-kilawing octopos
Steamed fish
Fried fish
Ang hindi ko lang pueding lutuin ung pagong dahil umiiyak daw yan pag katayin.
Pero puedi kong kainin pag luto na. Adobong pagong.
napatigil din ako dun sa isang photo.. ehehe
Hayuuff...natawa ako dun sa...nyahahah...
parekoy! ngayon lang ako nahulasan sa kakatagay kay gurdun! lagot na naman ako kay cupcake nito! nyahahah...
@Jag, trying hard na kodaker nyahaha, salamat sa pagboso.
@LakayDarbs, langya my recepie kana kagad nyahaha sus diko maimagine, baka pwedeng gawing pinaupung pagong, pede kaya yun? yung soup nila ng pagong kasama pati yung bahay nya santisima!
@Patricia, gusto mo kami lasunin ha, nyahaha.
@Richard, yun bang huli?hahaha napatigil kami ng husto dyan nyahaha.
@Silver, parekoy,mukhang dipa nga nawawala ang hang over e nagmumumog ka nanaman ng gurdun, lastek,minsan mumog ka din ng lysol para dika maamoy ni cupcake na my gusdun nyhaha
mayroon kami dito sa parokya na isang sea snake sanctuary na binabantayan ng isang friendly old man named mang tiro. ang mga alaga niyang sea snakes ay pagkarami rami...
yaiks! ang weird ng itsura nung iba...
la na din kwenta ang mga zoo dito kasi ang baho at very poorly maintained. kawawa tuloy ang mga hayop na nandun...
at nakakatawa ang usapan niyo ni bosing mo. haha! naimagine ko kung pano kay mag-alaskahan.
hello lee! merry Christmas!
Mga Hayop! Name them!
Anday Ampatuan J.R.! accused ring-leader ng HINAYOPAK NA AMPATUAN MURDERER... MASAKERER!
SUSKO! KINILABUTAN AKOOO! HAHAHA!!!!
@Fr.Felmar, Pads, sa lahat ng hayup dyan ako takot sa ahas,sabi nila yun dw taong mahilig maglaro at magalaga ng ahas my pagka demon nyehehe ewan kasi pader ko daw kahit cobra kaya nyang hulihin o dakmain using his bare hand.
@Kaye, isa ding reason yun kaya yung mga bata sa bahay di rin dinadala ng zoo.
hahaha makulit yang bosing ko,mas makulit pa sakin.
@LakayDarbs, pasalamat ang mga Ampuputaan at wala sila dito, kung nandito sila matagal na silang naiulam nyahaha.
@Rheynz, kamahalan, san ka kinilabutan? sa ahas o dun sa huling kodak? nyahaha dirty mind talaga ako oo.
uuyy!!! ano ka ba! :D hehehe. hindi ikaw un:D meron lang akong kinainisan na kaibigan ko. Lagi kasing naninira nang ibang tao which i really dislike. You see, kahit kaibigan mo, kailangan mo ring sabihan minsan to stop. :)
Ingat lagi! haha! natawa naman ako sa comment mo :D i am always open for any constructive feedback. ano kaba! :D salamat sa pagdalaw sa blog ko ha? :D
Merry wacky Chinese Christmas Lee. Merry Christmas mga hayup hehe...
@Jules, haaaays salamat, nakahinga ako ng maluwag lol.
@Dfish,merry xmas din nyehehe, enjoy your holiday.
Dear Lee,
Maligayang Pasko sayo at sa mga mahal mo sa buhay!
@BV, salamat ng marami, same to you!
haha padaan lang po. (shame) haha astig kading makipag usap sa boss mo ah heeh! ako din nag ta trabaho na yata ako ng mapunta ng zoo hehe..
Post a Comment