Saturday, May 29, 2010

Psssssssst.... ako nga!

Nope, am not really 100% back yet.

Photobucket

UNA, ang tagal ko nawala, diko na siguro kelangan ikwento dahil pagkahaba haba ng magiging storya ng pagka ban/blocked ng mga sites dito sa kinaroroonan ko na kahit mayat maya ka magpalit ng proxy e natutunton ng mga nakadilat pero mukhang nakapikit na mga tao dito. Mar Roxas talagang buhay to ooh! buti nalang mala invisible yata itong gamit ko ngayon at di napapansin, ewan lang din, cross my fingers sana wag mahalata ng mga singkit na momo.
IKALAWA, huh, sinwerte inabot ako ng two months sa bakasyon ko last Chinese new year (parang tumama sa mini lotto diba?)
IKATLO, nakabalik nako dito, pero tumambak ang labahin at plantsahin at muntik nakong di nakaahon.
IKAAPAT, nalimutan ko password netong site ko,pati yung sa photobucket, wala tuloy akong maipost na kodak ng mga kodakan. Teddy Boy Locsin talaga ooh! madalas pag nagkasabay yung pagkamalilimutain kot katangahan e gusto kong dagukan ang sarili ko baka sakali magising yung mantika ng kakapraso na nga lang na utak ko.
Bising bisi pa rin, mas bisi pako sa salitang bisi, my tinatapos lang po. Bukas (asus dina pala bukas,umaga na pala, mamaya lang pala sabado na) sabadong sabado my pasok ako at ilang sabado na rin ako pumapasok dahil tambak ang labada, di tuloy ako makapag liwaliw ngayon sa mga peborit kong blogsites, namimiss ko na sila.
Nanibago na tuloy ako sa tagal na di naka post.


Photobucket

9 comments:

toni said...

wooohooooooooooo!
nakapuslit ka rin sa wakas.

ate Leeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
kamustasa, letsugas na buhay at ano nangyari sa halos kalahating taon mong hiatus?

ok ka lang ba jan ate ko? hamo kahit pano panay daan ko dito sa bakuran mo at tsinetsek ko kung me mga umiskwat pero awa ng tao ala naman.
haymisyu talaga.

toni said...

ate Lee baket nga pala si Father Fiel me sitsaron na masarap daw tas kame ala?
weee madaya naman!

relaks ka lang jan ate, importante masaya at maayos kinalalagyan mo.
antayin ko mga post mo fiktyur ok?

BlogusVox said...

Welcome back, Lee! Sana hindi na mapansin ito ng mga nagmamatyag pero parang tulog naman na mga momo.

taribong said...

Welcome back Lee!!!
Na-miss ka namin katulad dun sa nakalagay sa word verification: permi

Hehehehe looking forward to your new posts! :D

Lee said...

@Ading Toniiiiiii, asus ina apo,salamat naman at nagkakitaan din tayo,naku yung mga fiktyur e yung sa shanghai expo lang naman at di naman mga kagandahan,pag umayos yung photobucket upload ko mga piktyur,ang bagal kasi.

gusto man kita padalhan ng chitcharon e diko naman alam kung san ipapadala palagi kang naka invisible lol

Lee said...

@BV, sana nga, sana, naku namiss ko yung buhay buhangin hahaha at may pakontes ka pala sayang diko inabot, baka sakali nanalo pako(sa kulelat hahaha).
kaso di ako maka comment, ayaw lumabas yung box para sa comment,marami pa ring nawawala sa system ko,kahil yung pagcompose ko ng blog sa box ko kulang kulang.

Lee said...

@Taribong, hahaha namiss ko na rin kayo ah, ang tagal sabi nga ni toni half year,... half year na pala?grabe ang bilis ng panahon.
kaso sa sobrang pagka bisi wala parin akong naipondong post hahaha.

Anjong said...

LEE!!! Sa wakas! Your back Pare! Haha!

Ngayon lang ulit ako nag-check ng blog ko kaya nakita ko comments mo. Hehe... Kaso yung ibang post dun naka-private eh.

Na-miss kita ah! Ayan inuna ko muna dito mag-comment.

Lee said...

Ahoooy pareng Anjong, kamustasa kana?oo nga e yung kamote na post mo e hinahanap ko e anak ng kamote cannot found daw, nagloko lang kanina yung connection ko kaya naunsyami yung aking mga binabasa dun sa bahay mo.
namiss din kita parekoy lalo na yung mga makabagbag damdamin mong post na miss ko na rin.
sana e magtagal tong proxy na gamit ko para magtagal din ako sa ere.