Wednesday, June 2, 2010

Shanghai Expo Galore.

Wala pa kong plan pumunta ng Expo kaya mey ay nenok ko muna mga piktchurs ng aking mga friendships. Ito pa palang ang available na mga piktchurs galing sa 2 friendships ko pero pramis, meron pang mga future pikchurs na manenenok ako after sometimes.

Shanghai Expo 2010
yan ang kanilang pambansang LOGO

Argentina Pav
Argentina, mahilig talaga mag powsing yang BFF ko.

Australia Pav
Australia, ignore nyo nalang yang isang yan at adik sa powsing yan.

bosnia and herzegovina
Bosnia and Herzegovina, nakakabulol na bansa yan.

belarus
Belarus

Photobucket
Brazil

canada
Canada

china pav morning
China at day time, grabe ang pila need pa ng reservation ticket

china pav evening
China at night

Photobucket
Czech Republic

Photobucket
ewan daw, nalimutan daw ng ulyanin na kagaya ko,susme.

germany pav
Germany(pwera yung parade),sus yan ang pinakagrabe daw pila.

india
India

kazakhstan
Kazakhstan

korean pav
Korea

laos and vietnam
Laos and Vietnam, magkatabi lang ng Pav.

malaysia
Malaysia

netherland
Netherland, haba ng pila diba? umuulan pa kaya yoko pumunta

philippine pav
Ang aking bayang Sinilangan, ang tahanan ng aking lahi

polska
Poland

romania
Romania

saudi arabia
Saudi Arabia

Seed Cathedral UK
Seed Cathedral UK, next post na yung loob ang dami e.

Singapore pav
Singapore

Photobucket
Sony, siguro sa Japan daw.

srilanka
Srilanka

Photobucket
Thailand

united arab emirates
United Arab Emirates

USA
US of A

uzbekistan
Uzbekistan

mens pav
Mens pavillion (WC), yan daw ang peborit nilang station,payag lang silang nenokin ko yung mga piktchurs nila kung isasama ko raw na ipost itong peborit nilang pavillion,mga bastos talaga.


(Kung meron pong di nabuo na pikchur paki kalampag nalang akot ng maayos,nagloloko kc photobucket at maraming nawawalang mga aparatus sa aking connection at composition box)

Yung iba pong Pavillion di na nakodakan dahil nahilo na yung 2 na nagikot ng magkahiwalay na araw,3-4 hours daw ang inabot nila sa pilahan bago nakapasok sa loob ng isang Pavillion, nek times na yung iba dito ko rin isisingit, at yung mga nasa loob nung ibang Pavillion na napasok nila post ko next post.

(Photo credits to my 2 Lovable BFF's, J.R. and L.D.)

Photobucket

Sunday, May 30, 2010

Ayyy.... kabayo!

...yan ang expression ni mader na naging expression ko rin twing magugulat.

which can i draw better? O-O Pictures, Images and Photos
(photo credit to CoraCats from photobucket)

Wala, pumasok ako kahit sabado kahapon at ilang sabado na rin naman na pumapasok ako, infact, mas marami pa yung sabadong pumapasok ako kesa hindi (o ganun naman pala e bat panay pa angal mo?) panay panay pa naman ang ulan.
hate ko ang tag-init at tag-ulan (pero diko po hate ang Pinas kahit na tag-init at tag-ulan lang meron tayo). Nagaaya yung BFF ko magpunta sa Shanghai at magpunta ng expo, yoko kakong pumila at hate ko talaga yung maraming tao na nagsisiksikan at nababangga ako (sungit ba) e ang babastos pa naman ng mga intchikwa na walang pakelam na mambangga na masubsob ka na sa pagka bangga nila e walang pakelam.

kahapo ng umaga, pag pasok ko sa room ko my nakalagay sa table ko na kabayong kristal, yung isang tao dito nagregalo sakin ng kristal na kabayo, kasi daw matagal ako nawala (kala pala nya nawala ako) kaya ngayon lang nya naibigay.
Wala naman ako dito talaga palagi pag bday ko kasi nagcecelebrate ang lahat ng intchik sa buong mundo pag birthday ko (bongga diba?), kaya ngayon lang daw nya naibigay yung ragalo (pinera nalang sana,masaya pako).

Sus, nung last year my nagregalo na sakin ng kristal na Goat nung birthday ko (tinanggihan sa sanglaan) anu ba akala nila? wala naman akong planong maging kristal collector ah!

Kasi daw pa goodluck kasi bad luck daw yung sign ko (goodluck na badluck???)

Eto na ang simula ng kaguluhan ng buhay ko (na wala namang ka kwenta kwentang pagtapunan ng pansin).
Mali daw, hindi raw ako year of the Goat... oo nga kako nalilito ko e, minsan Goat, minsan Sheep, minsan Ram, o e kahit pa sya Kalabaw anu bang paki ko?
Ang dami ko ng problema (etchos) pati yun ba naman puprublemahin ko (habang sinisipat yung kabayong kristal, eto kaya pwedeng isanla?)

Year of the Horse daw ako, at nakamulagat pa (kahit naka mulagat parang nakapikit parin) at di lang basta year of the Horse(sinabay na rin yung butas ng ilong) its year of the Fire Horse.
E anu ba kako yun? And whats the big deal? (nakamulagat na rin ako, mas malaki yata mata ko kesa sa kanya).
E bago pa sya makasalita e sumabad na ang dalahirang si Julaylay….

Julaylay : Madam, you’re a Firehose…..
Me : Fire hose? (sabay ikot ng tingin sa paligid) wheres the fire?
Julalay : Noooo, you are Firehose…
Me : Ang de puger nato ginawa pakong hose ng bumbero… wait wait wait…
today is Saturday, you know what is the meaning of Saturday?
Julaylay : yes madam (yes pero nakatirik ang mata nagiisip ng parang my isip)
Me : No need to think, I will think for you, let say Im your brain….
Julaylay : (lalong nagisip at nagulo sa sinabi ko) ha?

Nagulo na rin yung nagregalo, lumabas ng room na nalilito din…

After so many explanations, na muntik ko na syang masipa palabas, naliwanagan na rin ako. Sinasabi ko na nga ba e, hindi ako pinanganak na year of the Goat kasi unang una di naman ako mahiyain, ikalawa di naman ako elegante (elepante pa oo) kaya diko siniseryoso’t puro lang kako kalokohan yang mga zodiac zodiac horoskowp horoskowp nayan.
Ngayon alam ko nat malinaw na kung bakit palagi nalang pag nagagalit ako e gusto kong manipa ng tao, ng bangko, ng mesa, at paboritong laro ko nung araw e kung hindi sipa na tingga, sipa na goma at pati talbos ng kamote ginagawa kong sipa, yun naman pala e nalahian ako ng kabayo…
Year of the Fire Horse daw ako (e anu ngayon? magkakapera ba ko dyan?)

May pahabol pa, swerte ko daw at di ako dito sa bansa nila pinanganak, kung nagkataon, isa daw ako sa nilunod ng nanay ko, kako naman, muntik na rin akong nilunod ng nanay ko sa kunsumisyon nung araw, kundi lang naawat ng lola ko.

Me : Today is Saturday, understand…?
Julaylay : So?
Me : I need a peace of mind…
Julaylay : (nakakunot ang noo) how many piece? and what piece…?



Photobucket

Saturday, May 29, 2010

Psssssssst.... ako nga!

Nope, am not really 100% back yet.

Photobucket

UNA, ang tagal ko nawala, diko na siguro kelangan ikwento dahil pagkahaba haba ng magiging storya ng pagka ban/blocked ng mga sites dito sa kinaroroonan ko na kahit mayat maya ka magpalit ng proxy e natutunton ng mga nakadilat pero mukhang nakapikit na mga tao dito. Mar Roxas talagang buhay to ooh! buti nalang mala invisible yata itong gamit ko ngayon at di napapansin, ewan lang din, cross my fingers sana wag mahalata ng mga singkit na momo.
IKALAWA, huh, sinwerte inabot ako ng two months sa bakasyon ko last Chinese new year (parang tumama sa mini lotto diba?)
IKATLO, nakabalik nako dito, pero tumambak ang labahin at plantsahin at muntik nakong di nakaahon.
IKAAPAT, nalimutan ko password netong site ko,pati yung sa photobucket, wala tuloy akong maipost na kodak ng mga kodakan. Teddy Boy Locsin talaga ooh! madalas pag nagkasabay yung pagkamalilimutain kot katangahan e gusto kong dagukan ang sarili ko baka sakali magising yung mantika ng kakapraso na nga lang na utak ko.
Bising bisi pa rin, mas bisi pako sa salitang bisi, my tinatapos lang po. Bukas (asus dina pala bukas,umaga na pala, mamaya lang pala sabado na) sabadong sabado my pasok ako at ilang sabado na rin ako pumapasok dahil tambak ang labada, di tuloy ako makapag liwaliw ngayon sa mga peborit kong blogsites, namimiss ko na sila.
Nanibago na tuloy ako sa tagal na di naka post.


Photobucket

Tuesday, December 29, 2009

Happy New Year to all...!

Greetings Pictures, Images and Photos

(photo credit to lintang2006 from photobucket)


Happy New Year to All!


My New Years Resolution? yun at yun din every year hahaha, but this time I want to have 1 New Years resolution na sana e matupad ko,Argh!

I will reduce my habit and addiction.


I will be slowing down.... again!
need ko ng magparehab lol.
Want to thanks all the friends here,you've been so nice to me, am going to miss you all thats for sure, will be back again kasi bukod sa rehab my appointment pa raw ako sa mental, will be back again pag pumayag ng alisin yung straight jacket ko.
(feeling ex Ms.Universe na magpapasa ng tiara jejeje)

hOPE eVERYoNE hAVE a hAPPY hAPPY and pROSPEROUS nEW yEAR!!!

(naharbat from: www.pinaysaamerika.blogspot.com)

! Pictures, Images and Photos
(photo credit to xxelizabethieexx from photobucket)




Photobucket

Wednesday, December 23, 2009

Mey Sta Clawwws din kami dito...

Yup yup... my pasko din sila dito, katunayan eto pagpasok mo ng supermarket eto sasalubong sayo...

Photobucket
nakasalansan na mga softdrink cans...




Photobucket
syempre pagtingala mo meron din...




Photobucket
lahat nalang ng producto sa loob sinalansan, hair blower, tissue paper, shampoo etc etc...




Photobucket
oh.. well... ito ang meaning ng xmas dito sa China... business as usual, pagkaka datungan e anu pa nga ba.




Photobucket
syempre pa, lahat naman dito kahit di nila pinaniniwalaan bastat kikita sila, hala bira mey ay merry merry din sila...



natapos mamili... derecho ng uwi...




EEEEeeeekkkkKKKK!!
Photobucket
asan na yung mga sikyu? nagtipid na rin ba ang bilding at pinalitan na ng matandang ermitanyo yung mga gwapitong sikyu dito???




Photobucket
huminto muna ko, ibinaba yung mga pinamili ko, inusyoso ko muna tong kung anung mamaw na sumalubong sakin sa lobby, nagngingisngisan yung mga de puger na sikyu...
sinenyasan ko sila na astang takot ako sa rebulto.




Photobucket
aba aba aba at my xmas tree pa... tanso na xmas tree, kinakabitan pa ng mga xmas light.




Photobucket
kinabukasan ng umaga binuska ko yung manager ng building tungkol sa ermitanyo... eeerrrrrr di raw pala ermitanyo yan, santa clawwws daw yan? ngeeek, lalo ko syang inalaska...




Photobucket
oooops, wala na yung ermitanyo, este sta clawws, alam nyang aalaskahin ko sya ng aalaskahin, ayun inalis yung rebulto, kinaumagahan eto na nakakabit sa pinto...



MERRY KISSMASS TO ALL, MUAAAAAH WITH LOTS OF LOTS OF HUUUUUUGS... FROM ME SYEMPRE KANINO PA!


Photobucket