Saturday, October 31, 2009

Halloween in Paris.

Photobucket
Capsikyeme: Popsikel, ganda talaga ng paris no? ok tong naisip mo atleast makapag sarilinan tayong dalwa.
Capsikosme: Oo naman cupcake, makabawi man lang ako seyo (echos).

Photobucket
Kalabaldo: Uuuuy, tingnan mo nga pagkakataon, nandito rin kayo.
Capsikyeme: (Wala, wala kami dito, pisti mukang mabubulilyaso pagsolo ko ky popsikel)
Capsikosme: Uy, pare musta na?nagsosolo ka yata? bakit mukha ka yatang zombie?

Photobucket
Capsikosme: Cupcake, ipapasyal ko muna si pare, ang putla parang may sakit kawawa naman.
Capsikyeme: (litsi, nadisgrasya) o ok popsikel, lilibot libot muna ko (plastikada)
Kalabaldo: Salamat mars.

Photobucket
Capsikyeme: Wow ganda naman dito sa disni land (teka, my disni ba sa Paris?di ako naka research)

Photobucket
Capsikosme: Pare, hulog ka ng kalangitan sa buhay ko,akalain mo dito matakasan ko si komander.
Kalabaldo: Bakit dito moko dinala sa bar pare,kakahiya naman kay mars.
Capsikosme: Sige pare, ayan tigisa tayo ng baso, tagay nat ng magkakulay ka,eto pare bagay sayo tong alak na to maraming vitamins. Kelangan mo to pare, tamo ang putla mo, mukha kang ililibing sa halloween.
Kalabaldo: Alam mo namang nabasted ako pare,ang sakit pare, unanong kalabasa daw ako (huhuhu)
Capsikosme: kalimutan mo yang mga kakalabasahan pare, dito daming slim na chicks, slim pare at ang kikinis.

Photobucket
Capsikosme: Pare, etong sakin si carotta, ganda ng kutis diba? at yang sayo si Pipina, malambing yan.
Kalabaldo: Ok pare, sana wag tayo mahuli ni mars.
Capsikosme: Wag ka lang madudulas kay mars pare, lusot tayo, at yung mare mo basta lang my noodles solve na yun.

Photobucket
Capsikyeme: Kakapagod magikot, makapag mami nga muna (ok, my mami sa Paris, oooops teka ngayon kolang napansin expired na yata to ah?o mfng date lang?)

Photobucket
Capsikyeme: Mga ulalong yun san kaya mga nakarating, ang tatagal,teka parang natatanaw ko na

Photobucket
Kalabaldo: Guuuaaarrkkkk

Photobucket
Capsikyeme: Pars, anung ngyari, nasobrahan ka yata ng inom, nasan ang pare mo? san ba kayo galing (my masama ng hinala ang bruha kung saan).

Photobucket
Capsikosme: Uy, cupcake, dito kana pala
Capsikyeme: Cupkeykin mo mukha mo, san kayo galing? at anu yang bitbit mo?
Capsikosme: Cupcake naman, pinagamot ko lang si pare mot maputla.
Capsikyeme: Pinagamot e hayat mamatay matay sa kakasuka sa kalasingan.

Photobucket
Capsikyeme: tara pare, hilutin ko likod mot baka maisuka mo pati bituka mo.
Kalabaldo: Guuaaarkkk, ok lang mars di naman ako sa kalasingan nagsusuka.

Photobucket
Capsikyeme: Eto tubig pare, sinalok ko uminom ka munat ng mahimasmasan ka.
Kalabaldo: salamat mars.
Capsikyeme: Anu tinatanga mo dyan kosme, kumuha ka ng tissue at bonamine, at pagbalik mo magusap tayo.

Photobucket
Capsikyeme: Hoy, lalake, anu nanamang kalokohan pinaggagawa mo?
Capsikosme: Wala naman cupcake, nalasing si pare, di nakayanan yung inom, mahina sikmura.
Kalabaldo: pare di ako sa alak nagsuka, grabe kasi yung..... ((pinigilan ni kosme)
Capsikyeme: Yung alin....?

Photobucket
Kalabaldo: Yung babae bigay ni pare, grabe badbret, buti pa yung sa kanya my anghit lang...
Capsikosme: Patay na po, buking na (pandalas lagok ng alak)

Photobucket
Capsikyeme: Sinasabi ko na nga ba, bagay sayo ipukpok itong bote, walanghya!
Capsikosme: (TOINK) Nyaaaak!

Photobucket
Kalabaldo: yay, pare ikaw naman nagsusuka.

Photobucket
Capsikosme: (hinimatay)
Kalabaldo: Pare, pare, buhay ka pa ba?
Capsikyeme: Buhay pa yan, masamang elemento yan, dyan kana pare.

Photobucket
Kalabaldo: baka kelangan mo ng tulong mars, ako na bubuhat seyo este kay pare pala.
Capsikyeme: Ok lang ako pare, mauna na kami, happy halloween nlang, i hope you enjoy da trip!


(photo credit po sa camera ng inyong lingkod, normal po ang pagiisip ko habang kinukunan sila, hik! di pho akho lasheng mashado hik!)

HAPPY HALLOWEEN TO ALL!


Photobucket

Tuesday, October 27, 2009

Doon po sa amin....

Bahay kubo. Pictures, Images and Photos (photo credit to popsy_belmonte from photobucket) (nyaak, nawala yung bahay kubo, paso ang natira)


Bagong salta kami sa baryo, lingguhan ako umuwi para dalawin sila (Si Mader at si Sister act) pero balikan din, dahil diko kayang tagalan sa gabi yung mga kuliglig at palaka na parang tumutusok sa eardrum ko, at ayoko din magtagal dahil maraming bagay ang diko gusto sa baryo nung bagong salta pa lang kami, lam mo naman sa baryo, lahat pinanghihimasukan lahat pinakekealaman lahat tinatanong, lahat gustong malaman, malayo kapa ngat halos anino mo lang ang kita e babanatan ka na ng…


AKO: naka kunot ang noo't naninipat sa malayo...mga half km my kumakaway, diko halos makita sa sobrang liit.


AKO: mga ¼ km kumakaway parin parang my isinisigaw papasalubong sakin…


AKO: mga ilang meters away… my naririnig akong sigaw ng sigaw habang kaway ng kaway sakin...


TAO: Hooouuuuuy, eka ko san ang tungo mot nakagayak kaaaaa??? (pasigaw pa rin)


AKO: pagtapat sa taong sumisigaw saka ko sasagutin ng halos pabulong…. "paluwas ho ng menila… maghahanapbuhay ho para my makain." anu hu bang problemat kanina pa kayo hiyaw ng hiyaw???


TAO:aaaaaahhh kanya ka naman pala nakagayak, e dangkase naman e kanina pa kita tinatanong kung san ang tungo e hindi ka naman sumasagot, kala koy bingi ka….(pasigaw pa rin ang salita).






MORAL LESSON: next time, sa susunod na magtanong ulit ng ganun, bulungan mo nalang ng “pukinena, walang pakelamanan”.





Photobucket

Saturday, October 24, 2009

Another night in Bangkok

Rolig skylt i Bangsaen, Thailand Pictures, Images and Photos
(photo credit to fodong from photobucket, sigh, putol nanaman, sabi kasi "save our monkeys dont feed the coconut")


Another night in Bangkok (part2)

Sinabi kong part 2 kasi naipost ko na yung part 1 sa Barrio Siete (sorry po di ako marunong mag link, abnoy po ang inyong lingkod, at ayaw din po ako papasukin nung chekwang sikyo ng Barrio).


Lahat naman tayo for sure daming kwento at tyak di mauubusan lalo na kung kagaya kong lagalag at palaging tambay sa kanto habang ngumangasab ng tubo.Oki, share lang ng share...


WARNING: da ingglis of this blog is full of wrong grammar, read at your own risk, dont blame me later, just ask for bonamine after reading this)


While I was in South Asia, I met a very nice Thai lady, working at the same field, and we became friends. Once in a blue moon, we go out together during weekend (tho I like friends, Im not the kind of person who’s attached and hanging around too much with friends)

For long time, she keeps on pursuading me to visit her home, and her mother wishes to meet me (langya kala yata ng nanay nya e guy ako, old maid na kasi anak nya).
We made a plan to visit her home before I go back home for holiday, then I remember my earlier experienced in Thailand before I met her. I promise to myself that this time no more katangahan at kaignorantehan acts anymore at the hotel, aba naman e dapat lista na ko this time pagbalik ko ng Thailand para naman mabawi ko yung kahihiyang inabot ko last time, at this time dapat kahit manlang 4 star hotel para my marunong naman mag inggles.


Sa kasamaang palad, the night before my flight, her mom was rushed to the hospital. I have to change my plan, tho I could not change anymore the flight sched.
Ok, to make the story short, I stayed in a hotel at aksidente natapunan ng tsaa yung bag ko na my mga damit kaya lahat nabasa (dipa rin nakaligtas sa kaangahan hmpt!)

I called the front desk…

ME: hellowww??? Front desk?

RECEPTION: yes yes, I help you pls?

ME: (avaaaaaaah magaling mag inggles, sulit ang binayad koh, dapat fluent din ang inggles koh) oh yes yes, I need laundry service plsss, can you send someone?

RECEPTION: service? massage?

ME: no, no, I mean laundry service…

RECEPTION: aaaah, yes yes now understand, wait ….

After 20 minutes…

DOOR RINGING: ding……. dong……

ME: (opening the door) yes…..?

A young guy approached the door, aba aba naka isputing, long hair, wearing sunglasses (at night?), shirt open, not wearing hotel uniform.

ME: (ako, kunot noo at nakanganga pa rin) yes….?
(aba at papungay pa ng mata ang de puger habang tinatanggal ang sunglasses)

GUY: Are you lonely….? I make you happy tonight….

ME: (KA-BLAG….hinimatay).





(later on, the front desk corrected me, she said, I should’ve said “washing” instead of “laundry”….shocking huh! my ganun klaseng service for lonely people, lol,sayang... sana pala pinatos ko na kahit di ako lonely, tsk!)


MORAL LESSON: sige kayo magbigay ng moral lesson, my shock pa rin ako till now.…


Photobucket

Thursday, October 22, 2009

Thank's God...I'm a Woman.

ugly girl Pictures, Images and Photos (photo credit to yasmene87 from photobucket)


Bakit kamo?


Aba e sa chura kong to, kun naging lalaki ako e pwede ba kong mag polbo ng ilang patong matakpan lang yung mga butas na dinaanan ng mga pigsyawat sa mukha ko? pwede ba kong umarte arte para matakpan yung mga gusto kong takpan?


Nun ngang raw ipinanganak ako e hinimatay si inay, naglayas si itay, at nasampal ng lola sarili nya ng masilayan ako…. e kung sa hospital nga raw ako ipinanganak at hindi sa bahay e magkakagulo, ipipilit nila hanggang husgado na nagkamali ang ospital at naipalit ako sa alagang unggoy nung janitor ng ospital.


Yung mata ko daw maga, puro butas lang ng ilong ang makikita mo na parang tunnel ng minahan sa diwalwal, ang nguso na parang napuruhan ng upper cut ni Flash Elorde, at dipa nagkasya dun, pinuno pa ng balahibo ang buong mukha at katawan, dami kasing paglilihian e balut pa napag diskitahan….sigh!


Kung bakit naman habang lumalaki ako e lalo naman daw akong pumapangit, pagka nga naman inabot ng kapangitan kasabay ng kamalasan.

Lintik lang ang walang ganti sa balut nayan, paglaki ko pramis, ipapa disperse ko lahat ng balut na makikita ko sa basket na nilalako sa kanto…


Ngunit ang aking pangako’y napako….ngayon ko napagtanto kung bakit nahumaling si inay sa balut habang ipinagbubuntis ako….. ako nga e kaya ko yatang umubos ng isang basket na balut at….


teka, teka… bakit napunta sa balut ang usapan……?




Photobucket