Thursday, October 22, 2009

Thank's God...I'm a Woman.

ugly girl Pictures, Images and Photos (photo credit to yasmene87 from photobucket)


Bakit kamo?


Aba e sa chura kong to, kun naging lalaki ako e pwede ba kong mag polbo ng ilang patong matakpan lang yung mga butas na dinaanan ng mga pigsyawat sa mukha ko? pwede ba kong umarte arte para matakpan yung mga gusto kong takpan?


Nun ngang raw ipinanganak ako e hinimatay si inay, naglayas si itay, at nasampal ng lola sarili nya ng masilayan ako…. e kung sa hospital nga raw ako ipinanganak at hindi sa bahay e magkakagulo, ipipilit nila hanggang husgado na nagkamali ang ospital at naipalit ako sa alagang unggoy nung janitor ng ospital.


Yung mata ko daw maga, puro butas lang ng ilong ang makikita mo na parang tunnel ng minahan sa diwalwal, ang nguso na parang napuruhan ng upper cut ni Flash Elorde, at dipa nagkasya dun, pinuno pa ng balahibo ang buong mukha at katawan, dami kasing paglilihian e balut pa napag diskitahan….sigh!


Kung bakit naman habang lumalaki ako e lalo naman daw akong pumapangit, pagka nga naman inabot ng kapangitan kasabay ng kamalasan.

Lintik lang ang walang ganti sa balut nayan, paglaki ko pramis, ipapa disperse ko lahat ng balut na makikita ko sa basket na nilalako sa kanto…


Ngunit ang aking pangako’y napako….ngayon ko napagtanto kung bakit nahumaling si inay sa balut habang ipinagbubuntis ako….. ako nga e kaya ko yatang umubos ng isang basket na balut at….


teka, teka… bakit napunta sa balut ang usapan……?




Photobucket

13 comments:

reyna elena said...

FIRST! hahaha! as in FIRST TALAGA! hahahha!

reyna elena said...

maloloka ang tao sa barrio. de-dekwatin ko to't ipo-post ko dun hahaha

Lee said...

nyak, ang bilis, nag jet ka?

cio said...

hahahahahah! bok natawa ako sa nagsampal si lola, hayuf! haha

di ako naka base! si kamahalan naunahan ako. LOL!

teka bagong blogsite mo ba to? asan an yung isa? teka check ko.

>fafa dencios

Lee said...

sorry ka e jet gamit nya, ikaw e nakiangkas ka lang sa sikad ni Mar.

cio said...

pers base naman ako sa Barrio post lols!

Alkapon said...

ha ha ha, ipinaglihi ka sa balut,

ayos ang kwento mo miss balut.. natawa ako..ha ha ha

galeng.

coolwaterworks said...

The first entry has created a very strong impact!!!

Aabangan ko ang mga susunod pa... :)

Lee said...

Alkapon, salamat sa boso... by da wey dina po ako miss ehem, na miss kolang yung last train jejeje.

Coolwaterworks, salamat din sa boso, sana nagdala kana ng matatagay.

darbs said...

hey, nabasa ko tu sa baryo siete. dito pala galing ang pinanggalingan. Welcome back Lee!

Lee said...

salamat naman lakay darbs, ganun naman talaga ang mga galing sa pinanggalingan, para ding manok na initlugan at itlog na minanukan

Alkapon said...

ha ha ha ha...

ikaw pala ito... naalala ko na...

ikaw ngaaa... si mis balut... ha ha ha

wala na ako masabe...basta ikaw pala yun..ha ha ha.. ang dami mo naman kasing identity...


Grabe naman ang hitsura ng nasa picture? aba eh, pag nakita ko yan sa dilim, tiyak aatakihin ako sa puso.. ha ha ha

Lee said...

muntik nga din akong atakihin e,same feeling twing nananalamin ako jejeje