Sunday, May 30, 2010

Ayyy.... kabayo!

...yan ang expression ni mader na naging expression ko rin twing magugulat.

which can i draw better? O-O Pictures, Images and Photos
(photo credit to CoraCats from photobucket)

Wala, pumasok ako kahit sabado kahapon at ilang sabado na rin naman na pumapasok ako, infact, mas marami pa yung sabadong pumapasok ako kesa hindi (o ganun naman pala e bat panay pa angal mo?) panay panay pa naman ang ulan.
hate ko ang tag-init at tag-ulan (pero diko po hate ang Pinas kahit na tag-init at tag-ulan lang meron tayo). Nagaaya yung BFF ko magpunta sa Shanghai at magpunta ng expo, yoko kakong pumila at hate ko talaga yung maraming tao na nagsisiksikan at nababangga ako (sungit ba) e ang babastos pa naman ng mga intchikwa na walang pakelam na mambangga na masubsob ka na sa pagka bangga nila e walang pakelam.

kahapo ng umaga, pag pasok ko sa room ko my nakalagay sa table ko na kabayong kristal, yung isang tao dito nagregalo sakin ng kristal na kabayo, kasi daw matagal ako nawala (kala pala nya nawala ako) kaya ngayon lang nya naibigay.
Wala naman ako dito talaga palagi pag bday ko kasi nagcecelebrate ang lahat ng intchik sa buong mundo pag birthday ko (bongga diba?), kaya ngayon lang daw nya naibigay yung ragalo (pinera nalang sana,masaya pako).

Sus, nung last year my nagregalo na sakin ng kristal na Goat nung birthday ko (tinanggihan sa sanglaan) anu ba akala nila? wala naman akong planong maging kristal collector ah!

Kasi daw pa goodluck kasi bad luck daw yung sign ko (goodluck na badluck???)

Eto na ang simula ng kaguluhan ng buhay ko (na wala namang ka kwenta kwentang pagtapunan ng pansin).
Mali daw, hindi raw ako year of the Goat... oo nga kako nalilito ko e, minsan Goat, minsan Sheep, minsan Ram, o e kahit pa sya Kalabaw anu bang paki ko?
Ang dami ko ng problema (etchos) pati yun ba naman puprublemahin ko (habang sinisipat yung kabayong kristal, eto kaya pwedeng isanla?)

Year of the Horse daw ako, at nakamulagat pa (kahit naka mulagat parang nakapikit parin) at di lang basta year of the Horse(sinabay na rin yung butas ng ilong) its year of the Fire Horse.
E anu ba kako yun? And whats the big deal? (nakamulagat na rin ako, mas malaki yata mata ko kesa sa kanya).
E bago pa sya makasalita e sumabad na ang dalahirang si Julaylay….

Julaylay : Madam, you’re a Firehose…..
Me : Fire hose? (sabay ikot ng tingin sa paligid) wheres the fire?
Julalay : Noooo, you are Firehose…
Me : Ang de puger nato ginawa pakong hose ng bumbero… wait wait wait…
today is Saturday, you know what is the meaning of Saturday?
Julaylay : yes madam (yes pero nakatirik ang mata nagiisip ng parang my isip)
Me : No need to think, I will think for you, let say Im your brain….
Julaylay : (lalong nagisip at nagulo sa sinabi ko) ha?

Nagulo na rin yung nagregalo, lumabas ng room na nalilito din…

After so many explanations, na muntik ko na syang masipa palabas, naliwanagan na rin ako. Sinasabi ko na nga ba e, hindi ako pinanganak na year of the Goat kasi unang una di naman ako mahiyain, ikalawa di naman ako elegante (elepante pa oo) kaya diko siniseryoso’t puro lang kako kalokohan yang mga zodiac zodiac horoskowp horoskowp nayan.
Ngayon alam ko nat malinaw na kung bakit palagi nalang pag nagagalit ako e gusto kong manipa ng tao, ng bangko, ng mesa, at paboritong laro ko nung araw e kung hindi sipa na tingga, sipa na goma at pati talbos ng kamote ginagawa kong sipa, yun naman pala e nalahian ako ng kabayo…
Year of the Fire Horse daw ako (e anu ngayon? magkakapera ba ko dyan?)

May pahabol pa, swerte ko daw at di ako dito sa bansa nila pinanganak, kung nagkataon, isa daw ako sa nilunod ng nanay ko, kako naman, muntik na rin akong nilunod ng nanay ko sa kunsumisyon nung araw, kundi lang naawat ng lola ko.

Me : Today is Saturday, understand…?
Julaylay : So?
Me : I need a peace of mind…
Julaylay : (nakakunot ang noo) how many piece? and what piece…?



Photobucket

10 comments:

BlogusVox said...

Isa lang ang rason bakit ganyan ang ugali mo, Lee. Dahil Pebrero ka! : D

Lee said...

@BV, ngeeeee, my kinalaman ba yun?hahaha.

kikilabotz said...

woi woi woi mukhang nagbalik k n lee ha? welcome back

kaye said...

waaaahhhh! naunahan lang nila ako pero ang tagal ko nang naghihintay ng pagbabalik mo!

welcome back, leeeeeeee! ayan dumami ang e. may kasamang tili kasi yan.

san ka nga ba napadpad? ang tagal tagal mo nawala. kala ko tuloy nasipa ka na ng kabayo. hahahaha! namiss kita ah.

pareho tayong pebrero kaya magaganda tayo. hehehe.

kawawang julaylay. dapat kasi pinagbibili rin ng per piece ang peace of mind. o ha!

toni said...

wee san napunta ung kowment ko kagabi?
kase ate Lee di ba ung buwan ng pebrero alanganin petsa, ganun.

saken palagi hula libra dahil me-bait daw me kaso taurean at year of ox ako pero lovabull pa rin.
ayun naunahan tuloy ako ni ate Kaye pagsabi na..basta tayong 3 maganda.

dencios said...

LOL @ firehose haha

bok, sorry pabugso bugso ang net ko kaya di makadalaw ng madalas :(

kamusta naman ang tsina?

Lee said...

@kikilabotz, oist nakaabang ka din pala ha, tengkyut, ang kyut kyut mo talaga.

Lee said...

@Kaye, ahooooy musta na ang aking magagandang amiga hahahahahahaha ang haba ng leeeeeeeeeeeed kasama na pala tili dun hahaha.
kaya naman pala pretty ka e pebrero kadin no wonder hahaha.

@Toni ading, dina kelangang ikapitalays, very obyus naman hahahahahahahaha
wala, ang iyong cowment baka nagliwaliw at nasipa din ng kabayo hahaha.

Lee said...

@Bok, ganun pa rin, walang nabago, maliliit pa rin ang mga mata nila at naiinggit parin sila sa malalaking mata at kahit summer na ay di pa rin sila naglililigo hahahaha.
musta sa pinas?ang init diba?
hanggang kelan kaba satin?sa august pa ulit uwi ko e padalan nalang kita ng chicharon, mainggit si toni kasi sya wala hahaha.

taribong said...

nakamulagat na rin ako
habang tumatawa
hehehe