Thursday, June 24, 2010

Maalaala mo kaya: Ang kamatis...

Photobucket


Pikchur yan ng kamatis, kanina sa supermarket, my bumalik lang sa alaala ko kaya napag tripan kong kodakan yan, ang gaganda kasi fresh na fresh.

Nung umalis kami ng Tondo at lumipat kami sa Valenzuela ng pansamantala bago kami tumira sa Sampaloc, yung nalipatan naming bahay e medyo malayo ng konti sa main road mga quarter km tapos lalakarin molang pa main road, puro sya palaisdaan, ang daming palaisdaan.
Mga 8yrs old ako nun, sumama naglipat yung BFF ni mader at nagustuhan din dun sa lugar kaya dina muna bumalik ng Tondo, nagstay at nawili hanggang sa umabot ng mga 2 mos.
Sya si ate Vilma, maganda, seksi, maputi, balingkinitan sya pero grabe ka pilya. Anak sya ng may kaya sa Tondo na kapitbahay namin at mahilig din gumala at sakit ng ulo ng magulang dahil bukod sa laki sa layaw e mahilig mag disco, natigil lang nung maging BFF ni mader kaya labs din ng magulang nya si mader at hinayaang sumama samin.

Yung nalipatan naming sa Valenzuela, My kalapit na kubo, pero malaki at maganda yung kubo, dun nagpapahinga yung mamang bantay ng mga palaisdaan. Ang ganda nung paligid ng kubo ang daming tanim na kamatis, sili, at kalamansi.

Isang gabi hinatak ako ni ate Vi, nagulat ako kasi gagapangin pala namin yung kamatisan, tapos kinaibigan yung matandang bantay ng palaisdaan kaya palagi kaming my libreng isda, talangka, kulang nalang pati lumot na pakain sa isda ibigay samin nung matanda.
Kaya naman kulang nalang lumangoy ako at mangamatis kasi puro isda at kamatis ang palagi naming ulam.
Pero nagtataka ako kahit na palagi naming ginagapang sa gabi yung kamatisan nung matanda e di nagagalit, at nagtanim pa ng talong, okra, upo at kung anu anu pa.

AKO: mang kadyo anu po yang tinatanim nyo?
MANG KADYO: nagtatanim ako ng gagapangin nyo twing gabi
AKO: huh? (nanlaki ang mata ko) alam nyong kami gumagapang sa gabi?
MANG KADYO: oo naman …(tatawa tawa)
AKO: e bakit po?
MANGA KADYO: anung bakit po? para kayo mawiling gumapang palagi
AKO: e bakit di kayo nagagalit? saka bakit kayo nagtatanim ng gagapangin?

hindi sya kumibo, ngumiti lang ng ngiting wala manlang bakas kahit konting galit, nagtaka ngayon ako. Takbo ko pauwi ng bahay humihingal pa lawit dila...

AKO: ate Vi, ate Vi alam pala ni Mang Kadyo na tayo gumagapang sa kamatis pag gabi.
ATE Vi: (medyo nagulat pero di nagpahalata) bayaan mo sya.

Meron pa kaming isang nadiskubre, hindi pala sya bantay, sya pala ang may ari, nagtampo sa anak kaya dun sa kubo tumira.
May anak palang binata si Mang Kadyo at gwapo pa, kaso mahilig sa barkada at ayaw magbantay ng palaisdaan at di mapilit ng matanda na ituloy yung ganung negosyo nila. Mas gusto pang magkumpuni nalang ng relos sa kabayanan. My plano pala ang matanda.
Isang araw hangos paparating yung anak na binata, pinasundo pala ng ama at nagdahilan yung matanda na nirarayuma kaya napilitan yung anak na magpunta sa palaisdaan.

Mula nun palagi na sa palaisdaan yung anak na binata, yun ng ama ang pinauwi at sa bahay nila, nung mga sumunod na gabing nanggagapang si ate Vi ng mga kamatis, talong, okra, dina nya ko sinasama sya nalang,yun pala sila na ang nag gagapangan, santisima!

Ng dahil sa kamatis nagkaron ng biglaang kasalan.
Yun pala ang plano ng matanda, yung mapirmi yung anak nyang binata sa palaisdaan, kami naman di nagtagal bumalik na ulit sa Manila.
Kung bakit kami umalis ng tondo at biglaang natira ng Valenzuela na dirin naman nagtagal, my kwento din yun pero saka ko na ikikwento.
Sa ngayon, dun parin daw nakatira sila ate Vi at ang asawa nya, lahat ng mga anak nila kundi nasa remika e nasa europe na, kung buhay lang si mang kadyo malulungkot yun kasi wala ng magtutuloy ng bisnes nilang palaisdaan.


Photobucket

16 comments:

cathy said...

ang title dapat nito ay ang Kamatis , Bow

pero gusto ko ang kamatis. either lagyan ko lang ng asin o igisa ko hanggang lumabas ang juice niya.

kikilabotz said...

santisima usapang gapangan pal itoeh..wahahaha.. talga ng gapangan sa ate v at ang binata? hehe

natuwa ako sa matanda alam pala niya..hehe..

timangkey said...

wahahaha sabi na nga ba eh. nung ginamit ang "gapang" instead of "nenok" or "kupit", alam ko na mangyayari.hahaha

ayun, ung talong naman ang gumapang.......paloob.hahaha

toni said...

ngayon lang ako nakarinig ng kusang tinatanim para gapangin.

siguro nga kaganda nong ate V dahil pinain ung mga tanim para mapirmi ung anak nong meari.

Lee said...

@MamCat, muntik ng yun ang napamagat ko e jejeje.


@Marvs, bata kapa iho bawal ka dito, sorry nalimutan kong lagyan ng PG yung pamagat, nabigyan ka sana ng warning,takpan mo nalang mata mo mwehehe

Lee said...

@Timangkey, salamat at gumapang ka este napadalaw ka dito sa kamatisan ko hehehe


@Toni, naku ading naalala mo nung 70's ang mga mini skirt na uso e hanggang singit kaya pag napatuwad ng kaunti ang kadalagahan e labas na ang kaluluwa,kaya nung araw e uso ang mga guliti at maraming naaaksidente sa kakalingon sa mga naka mini at yun palagi ang suot ni ate Vi.

BlogusVox said...

Sabi ko na nga ba't me gapangan na mangyayari eh. Nagustuhan siguro ng Ate V mo ang itinanim na talong kaya binabalik-balikan. >: D

taga-bundok said...

por dios por santo!

sabi na eh... gapangan talaga. pero akala ko yung si Ate V at Mang KAdyo naggagapangan... hehe.

Dorm Boy said...

Hehehe dapat gapangan ang title ng article hehehe!

Anonymous said...

@BV, hahahahahaha kandahulog ako sa upuan sa comment mo hahaha.


@Anjong, dina kaya ni mang kadyo gumapang,pag nga naglalakad yun at my natapakang palaka e pag angat nung paa nga pisat na yung palaka hahahahahaha


@Dormboy, salamat sa boso haha dapat nga pala gapangan blues ang titile.

~lee

taga-bundok said...

Lee Pare, bat naka-anonymous ka. Hmn.

Anonymous said...

@Anjong, naku pareng anjong that means di ako makapasok sa sarili kong site mwehehe di ako maka log in.

nhix said...

rated pg nga ito..hehehe..

kaso tapos ko ng mabasa bago ko narealize.. hehehe..

anyways.. astig love story ng ate vi mo..

dencios said...

bok, natawa ako sa kadyo na name. lols tas may ate V pa. haha.

kamusta naman bok?

kaye said...

hahaha! infernez, naenjoy ko ang kwento. kelan ang susunod na kwento?

kala ko, si mang kadyo ang gumagapang ke ate vi. buti na lang at yung anak palang binata. hehehe

tClimber said...

Hahaha. Salamat Lee sa isa na namang masarap, as in juicy, na kwento na kakapulutan din ng aral (anong aral nga ba hehe).Ang tagal ko na palang di nagawi dine...