Saturday, October 24, 2009
Another night in Bangkok
(photo credit to fodong from photobucket, sigh, putol nanaman, sabi kasi "save our monkeys dont feed the coconut")
Another night in Bangkok (part2)
Sinabi kong part 2 kasi naipost ko na yung part 1 sa Barrio Siete (sorry po di ako marunong mag link, abnoy po ang inyong lingkod, at ayaw din po ako papasukin nung chekwang sikyo ng Barrio).
Lahat naman tayo for sure daming kwento at tyak di mauubusan lalo na kung kagaya kong lagalag at palaging tambay sa kanto habang ngumangasab ng tubo.Oki, share lang ng share...
WARNING: da ingglis of this blog is full of wrong grammar, read at your own risk, dont blame me later, just ask for bonamine after reading this)
While I was in South Asia, I met a very nice Thai lady, working at the same field, and we became friends. Once in a blue moon, we go out together during weekend (tho I like friends, Im not the kind of person who’s attached and hanging around too much with friends)
For long time, she keeps on pursuading me to visit her home, and her mother wishes to meet me (langya kala yata ng nanay nya e guy ako, old maid na kasi anak nya).
We made a plan to visit her home before I go back home for holiday, then I remember my earlier experienced in Thailand before I met her. I promise to myself that this time no more katangahan at kaignorantehan acts anymore at the hotel, aba naman e dapat lista na ko this time pagbalik ko ng Thailand para naman mabawi ko yung kahihiyang inabot ko last time, at this time dapat kahit manlang 4 star hotel para my marunong naman mag inggles.
Sa kasamaang palad, the night before my flight, her mom was rushed to the hospital. I have to change my plan, tho I could not change anymore the flight sched.
Ok, to make the story short, I stayed in a hotel at aksidente natapunan ng tsaa yung bag ko na my mga damit kaya lahat nabasa (dipa rin nakaligtas sa kaangahan hmpt!)
I called the front desk…
ME: hellowww??? Front desk?
RECEPTION: yes yes, I help you pls?
ME: (avaaaaaaah magaling mag inggles, sulit ang binayad koh, dapat fluent din ang inggles koh) oh yes yes, I need laundry service plsss, can you send someone?
RECEPTION: service? massage?
ME: no, no, I mean laundry service…
RECEPTION: aaaah, yes yes now understand, wait ….
After 20 minutes…
DOOR RINGING: ding……. dong……
ME: (opening the door) yes…..?
A young guy approached the door, aba aba naka isputing, long hair, wearing sunglasses (at night?), shirt open, not wearing hotel uniform.
ME: (ako, kunot noo at nakanganga pa rin) yes….?
(aba at papungay pa ng mata ang de puger habang tinatanggal ang sunglasses)
GUY: Are you lonely….? I make you happy tonight….
ME: (KA-BLAG….hinimatay).
(later on, the front desk corrected me, she said, I should’ve said “washing” instead of “laundry”….shocking huh! my ganun klaseng service for lonely people, lol,sayang... sana pala pinatos ko na kahit di ako lonely, tsk!)
MORAL LESSON: sige kayo magbigay ng moral lesson, my shock pa rin ako till now.…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
Bwahahaha! Alang hiya, kahit anong word pala sa kanila basta may "service" ang ibig sabihin ay "escort service".
Bro, salamat at naligaw ka, more than 1 decade ago pa yan nangyari lol, ewan ko ngayon kung naap grade na ang defenition nila ng "service".
laundry service nga yon dahil aalisin ang mga damit mo/ hahaha bad me.
ahahah! kala siguro kung ano na ang ipa laundry service.
sana laundry na lang wala ng service.
pag may service kasi, "wink" alam mo na.
May I harbat this warning sign?
WARNING: da ingglis of this blog is full of wrong grammar, read at your own risk, dont blame me later, just ask for bonamine after reading this)
Thanks...
mam, my pagka e di pala my pagka, naughty ka talaga lol.
lakay darbs, salamat sa pagboso, harbat lang ng harbat kung my mahaharbat.
ahahahahha
hano ba naman yun, akalain mo bok na iba pala ang gusto niyang linisin sayo. hahaha
sana sinabi mo,
sige kilitiin mo talampakan ko. haha
panawagan:
si cio ay si bok.
hekhek
punyemas, di ako makapsok sa wordpres at barrio. lumipat na kaya ako ng blogsfot?
kaen tayo bok, nakain ako ng chicharon dito sa cubicle ko... shhh... dahan dahan lang ako kagat hahahahaha
hhahahahaha!
napahalakhak ako dun a! LOL!
ako, galawin na lahat wag lang kili kili ko kasi pihado bok tatayo lahat ng puedeng tumayo LOL! LOL!
galawin mo na lahat sakin wag lang talampakan ko jejeje.
langya ka chicharon e ang tunog nyan, kamote kainin mo bok mas interesting paglabas nyahaha naka cubicle ka naman e lol.
nyahahahaha ayuf, lika ka dito pahawak naman ng kili kili mo bwahahahaha
Mam lee sori kung may pagka-naughty hindi pa naisali ang pagka sira-ulo, katok sa may noo. toinks!
Sabay right click ng iyong Avatar then copy.
Step 2. Go to my Wordpress dashboard
Step 3. Click Links
Step 4. Click Add New
Step 5. Paste Mam Lee's Profile
Step 6. Fill-in the following; name, web address and check the box that says "La Solidaridad" as in blogroll.
Step 7. Click "Add Link"
Step 8. Click Home and check if your the trick works.
Result: the picture is too big!
Hmmnnn... what to do?
Aha!
ayan! solve na rin.
Nasa blogroll ka na.
This means, "you can check out anytime you like but you can never leaaave!
kaway-kaway...
lee at dencio,
ako noon kumakain ng sitsaron sa opis pag may gusto akong iritahin na poregner. uhm. amoy pa niya ang suka. hehehe
darbs, salamat ng marami lakay, kakapasok ko palang di nanaman ako makapasok sa wordpress,salamat ulit.
mam, yan ang mga gawain ng mga likas at inborn na sutil nyahaha
Anak ng birador - ang daming nagbabasagan ng bungo sa sidebar, hindi ako makapag-concentrate. Mas nahilo ako dun hehehe...Bonamine muna...Mga friends - hindi po techno-abnoy si Lee hahaha...
hahaha welcome, tuloy, pasok, come in, my reserba kong bonamine lol
champion ka rin sa pagpapatawa,, ang husay mo kapatid..
bravooo.
di naman, nagkataon lang na magaling magpatawa yung mga tao dun sa hotel, pucha, ng matauhan ako gulong ako kakatawa.
Post a Comment