Tuesday, October 27, 2009

Doon po sa amin....

Bahay kubo. Pictures, Images and Photos (photo credit to popsy_belmonte from photobucket) (nyaak, nawala yung bahay kubo, paso ang natira)


Bagong salta kami sa baryo, lingguhan ako umuwi para dalawin sila (Si Mader at si Sister act) pero balikan din, dahil diko kayang tagalan sa gabi yung mga kuliglig at palaka na parang tumutusok sa eardrum ko, at ayoko din magtagal dahil maraming bagay ang diko gusto sa baryo nung bagong salta pa lang kami, lam mo naman sa baryo, lahat pinanghihimasukan lahat pinakekealaman lahat tinatanong, lahat gustong malaman, malayo kapa ngat halos anino mo lang ang kita e babanatan ka na ng…


AKO: naka kunot ang noo't naninipat sa malayo...mga half km my kumakaway, diko halos makita sa sobrang liit.


AKO: mga ¼ km kumakaway parin parang my isinisigaw papasalubong sakin…


AKO: mga ilang meters away… my naririnig akong sigaw ng sigaw habang kaway ng kaway sakin...


TAO: Hooouuuuuy, eka ko san ang tungo mot nakagayak kaaaaa??? (pasigaw pa rin)


AKO: pagtapat sa taong sumisigaw saka ko sasagutin ng halos pabulong…. "paluwas ho ng menila… maghahanapbuhay ho para my makain." anu hu bang problemat kanina pa kayo hiyaw ng hiyaw???


TAO:aaaaaahhh kanya ka naman pala nakagayak, e dangkase naman e kanina pa kita tinatanong kung san ang tungo e hindi ka naman sumasagot, kala koy bingi ka….(pasigaw pa rin ang salita).






MORAL LESSON: next time, sa susunod na magtanong ulit ng ganun, bulungan mo nalang ng “pukinena, walang pakelamanan”.





Photobucket

10 comments:

dFish said...

Hi Lee, buhay si Lee at hindi bingi, HIIINNDIII (pabulong mode lang po). Dami naka-miss sa yong kakulitan Lee, isa na ako dun.

Lee said...

jejeje salamat sa boso, namiss mo ba ko talaga? sige nga kung na miss moko kiss nga dyan... nyahahaha.
miss ko din kayo, o baka naman hanggang dito e bigyan moko ng quiz/assignment?hahaha

BlogusVox said...

hehehe! Ususera, malakas ang boses at malalim magsalita ng tagalog. Taga baryo nga.

Ganyan talaga ang kultura sa mga lugar na matumal ang galaw ng buhay. Sigurado hanggang sa pondahan, alam na lumuwas ka ng menila.

Pero kahit ganyan sila, pag dating ng pangangailangan, hindi na kailangang mag dalawang salita.

Lee said...

BV, yan lang talaga ang advantage, pagdating sa bayanihan dyan sila maaasahan, saka pag my asawang binubugbog pakekelaman din hahaha

BlogusVox said...

TZ, ikaw ba yang nasa avatar mo? Huwag kang magagalit ha? Itatanong ko lang kung napano yang buhok mo't parang nabuhusan ng super glue? Uso ba yan ngayon?

cathy said...

sa barrio din namin, pagdating mo sa kanto, nakarating na ang balita sa dulo. yan ang may sinasabingpakpak.

isa pa nga ay bakitba palagi silang parang sumisigaw?

parang yong mga singkit-mata sa SF, ang lalakas mag-usap. parang may mike sa lalamunan. achecheche

Lee said...

BV, muntik ko maibuga tong kape hahahahaha, naaaah, taken looooong time back, my nagpabili sakin ng mga wigs gagamitin sa holloween party na tripan kon isukat hahahaha.

mam CAT, dito parang palaging my nagaaway pag nagusap, pagka ganun sila magusap sa harap ko nilalayasan ko, bale ba e talsikan ang laway e di naman mga nagba bras yor tit.

Lee said...

BV, pero wag ka ha, yan talaga ang hair style na inn dito, ganyan ang kulot nila tapos lalagyan ng gel tapos di maliligo ng katagal na panahon hahaha.

mtoni said...

ate lee kahit sa cavite at laguna ganyan din naman, kung maari itanong lahat ng gusto nila malaman pero sa isang banda kung kakailanganin mo tulong eh mabilis din sila sumaklolo.

eh sa zambales bumababa palang non kami sa bus sisigawan na ng kakilala, me mga taong sadyang palabati at palakaibigan.

Lee said...

mtoni ading, talaga yata nga kasta isuda.