Friday, June 18, 2010

Ang Continuation...

cat scared of fat woman from behind... Pictures, Images and Photos
(photo credit to sportyblueyblondie)

oo eto na yung karugtong (ang haba pala)... san ako nakatitig? sa cabinet po, kasi namumrublema ko kasi nung bago ko umuwi satin for holiday nung magcha chinese new year namili ko ng sangkatutak na mga damit, kasi nga nag sale yung mga branded na items (kahit naman nag sale mahal pa rin hmpt!), kung dipa mag sale e di ako makakabili ng marami.3 days straight ako namili ng walang humpay para kako pagbalik ko dito after nung bakasyon ko e ready to wear na at the same time tapos na mga sale sa mga boutiques.

Akalain ko bang abutin ako satin ng 2 mos na bakasyon at kasalanan ko rin ba kung mag astang patay gutom akot kinain (lamon daw) ko lahat ng diko nakakain dito. Lechon, halo halo, crispy pata, ice cream, adobong taba ng pork, BBQ na taba ng posk, sinigang na taba ng pork, puro taba taba taba at taba.
Bukod pa dun, aba e kada ora yata e may nadaang nagtitinda sa tapat nung bahay na nalipatan namin susme e ako pa? walang disiplina sa sarili.

From size 8 na feeling ko ang bigat ko nat humihingal nako e akalain mo bang diko nga namalayang nag size 10 pala ako e lundag kagad sa size 12? ng dahil lang sa walang humpay na kain ng matataba???
Sumpa ni barabas, aanhin ko tong mga sangkatutak na mga damit dito na
kahit bigkisan ko sarili ko e di magkakasya?

Ang problema kasi, pag mataba ka e kahit anung suotin mo mukha ka talagang unan, satin pa naman ang hirap humanap ng malalaking sizes at
satin pag sinabing plus size na boutique e lalong nakakalaki yung mga style, wala manlang my magandang kalooban na magtutok man lang ng effort na mag design ng magagandang designs pasa sa mga malulusog ng kagaya ko. Walang masama sa pagiging mataba, ang masama e in more than 2 mos lumaki ka ng halos doble tapos matanda kana at my posibilities na maapektuhan ang puso (palusot pa dipa amining damit ang problema nya), pero walang magagawa e kasama daw yan sa pagtanda mwehehe.

BFF: madali lang yan, e di mag diet at exercise ka...
AKO: ako? diet? exercise? diko nga kayang magtorture ng ipis sarili ko pa totorturin ko?
BFF: e di mamili ka ng bago, palitan mo buong closet mo kung ayaw mong mahirapan.
AKO: ha? mamili ng malalaking size? at ibaul na tong mga damit ko? aba e ang laki ng ginastos ko torture ang bulsa ko dito sa mga pinamili ko e mamimili nanaman ako?
BFF: nahala ka sa buhay mo, hirap mo kausap.

Nakarating dun sa isa naming friend yung problema ko, panay ikot ng itim ng mata nya at panay ang ingos.
Actually, nakapag decide nako, ako kasi pag my problema ayokong kagisingan kinaumagahan, kung anu man yung problema ko dapat solved na bago ko matulog at wala na sa umaga para brand new day na diba? naks...

AKO: anu ngyayari sayo? naeexorcist kaba? panay ikot ng mata mo?
FRIEND: ang laki ng problema mo, ang daming nagugutom sa pinas walang pambili ng pagkain ikaw naman damit lang pinoproblema mo...
AKO: anu ngayon ang gusto mo? problemahin ko pati problema nila? ikaw ba anu bang solusyon mo sa problema ng pagka gutom nila? anyway, nakapag desisyon nako at nakapili na ko kung anung gagawin ko... at naku ayoko ng mamrublema ng mga problema, gutom na rin ako tara kain tayo, dun tayo sa eat all you can, mwehehe!


Photobucket

12 comments:

kikilabotz said...

ibenta ang maliliit na damit at idonate sa mga walag pambiling pagkain. wahahaha. hmmmm. penge picture gusto ko mkita k lee

taribong said...

lilipas din 'tong phase na 'to hehehehe :D

cathy said...

kaya ako bumibil ng damit na mas malaki ng isang size sa akin.

pag suot ko kulang na lang isabit mo ako sa closet dahil para akong hanger.

palitan mo nga ang closet mo. palakihin mo. lagyan mo ng size, 8, 10, 12. mwehehe

Anonymous said...

@Kikilabotz, nandun sa prev post diba?yung my hawak na gitara lolz.


@Taribong,sana nga sana... nyahaha.


@MamCat,sabi ni mader wag daw kaming bibili ng damit na one size bigger kasi daw iniispoiled lang daw namin at ibinibigay ang hilig ng katawan kaya sa halip na magbawas e papalaki ng papalaki lol


gara nung verification word: faconat

toni said...

balak ko sana hingi dahil siguradong mga mamahalin yan kaso size 0 ako sa pants/jeans at minsan size 1 sa dress.

ate iuwi mo sa pinas at marami magkakagusto sa mga yan, ipayb siks o por gibs.

dencios said...

aba at may gustong makakita sa kariktan ni bok. hahaha

pasensya na bok at lagi akong busy kakatikol este kakahanap ng work.

uy wala namang problema sa mataba diba? cute nga eh. masarap yakapin. =P ipamigay mo na lang mga damit mo at eat what u feel like eating. woooo!

anyways, wag kang magbabakasyon ng rainy seasons sa pinas at nako baka salubungin ka ng baha.

Anonymous said...

@Toneee ading ko inyalaketden imbagam pay nga 0-1 iti size mo makasangsangit ak tuloy ittoy waaaa
kayat ko kuma data size mo ngem han nga mabalinen ta
bakbaketan akon huhuhu.
han ko met mailako
ata nga bad bado ta sabali met ti type da ijay pinas hehe napudot gamin unay ijay isu nga
babattit nga bado isuot da
ayun may mga mapagpala ng mga kamay na naghihintay ipadala pauwi hahahaha pati nga rw shoes ko pamigay ko na kasi mataba nako dina rw ako makasuot ng mataas, ang mga walanghiya at huhubaran ako ng todo hahaha.

~lee

Anonymous said...

@Bok, nabibigla lang yang si marvin hehe baka pag nakita nila pic pic ko e magsipanakbuhan mga yan, para silang nakakita ng mamaw hahaha.
musta na bok?bakit yata puro sarado comment section mo?
marami akong blog na di pa rin mapasok bok eto ngang sakin di ako maka sign in saka yung ibang blogspot nababasa ko pero di ako maka comment.

~lee

BlogusVox said...

Natawa ako dun sa mukhang unan. Pero type ko ang ganyan, masarap akapin pagnatutulog. >: D

dencios said...

ano ba yan pati ba naman blogspot eh may atraso jan?? nyahaha

sus, ang ganda mo kaya :) im sure kapag nakit aka nila, tigas titig sila sayo. seryoso, pretty ka naman talaga bok eh. kunwari ka lang eh..

ah yung comments na close? eh kasi sa tingin ko ay hindi naman kailangan ng mga comments dun kaya close na.

ayun. grabe bok kanina, ang lakas ng ulan. halos isang oras yata ako nag eexercise sa ulan eh sa roof top namen. nyahhaha. sarap. pero sana wag naman bumaha.

ayun.

:D

Anonymous said...

@BV, hahaha dantayan pa, lastek pag minalas malas hihigaan pa hahaha.


@Dencios, naku bok, yung picture kong nakita mo e bluuuureeeed kaya hahaha kaya nga di ako nagpapakodak e hahaha.
oist, bakit sabi mo naghahanap ka ng work?kala ko na assign kalang muna temporary dyan sa pinas,for good na ba yung assignment na yun?
wag kang naglililigo sa ulan bok,di maganda,ang ulan ngayon e dina kagaya nung kapanahunan namin na malinis pa,ngayon e marami ng kasamang mga kung anu anu alam mo na,mas malamang sa magkasakit ka,iwasan mo muna bok,
sayang ka pag nadedo ka mwehehe.

~lee

dencios said...

yung ulan? minsan lang naman eh. nagkataon lang na 3 magkasunod na araw e naulan kaya naligo ako hehehe

ah yuung sa work ko? eh kasi ang may hawak samin china office na (dati kasi dubai kaso nagsara na yata) kaso hirap din yata sa pagkuha ng project kaya hindi kame mabayaran. may utang pa sila sa akin/amin eh. ang sabi babayaran kame. ayun. naka pending tuloy kame/ako kaya habang wala pa maghahanap muna ako ng work. ang dami ko na nga napasahan. higit 8 na yata, isa pa lang tumawag tas nireject ko pa kasi di ko naman forte yung gusto nilang i-offer sa akin. ayun.

kaya ngayon andito ako sa bahay eh kaen tulog exercise hugas plato kaen tulog exercise hugas plato butingting dito butingting doon etc etc bohahahaha.