Tuesday, June 8, 2010
Kalabaw lang daw ang tumatanda!
Malaki ang problema nung isa naming friend, di daw makausap at ayaw makakita ng salamin, nagkukulong daw sa kwarto sabi nung BFF ko.
Magka share kasi sila sa apt, di kasi sagot ng company nila yung expenses nila dito, bale package ang ginawa.
Nag dinner daw kasi sila at 2x napagkamalang nanay ng BFF ko yung friend namin (totoo naman e) at dinamdam ng husto yung pagkamaliang nanay sya nung halos ka edad na nya. Ayun, maghapon daw sa Sephora namakyaw ng mga pampalitada sa mukha at magpaparetoke daw kay Belo (sus sarili ngang mukha ni Belo di nya maayos e).
Ehem…sakin mangyari na mapagkamalan akong nanay ng ka edad ko? (never pa naman ngyari hehe) dadaanin ko sa humour.
Bat naman ako mapipikon at mag mumukmok kung totoo naman?
Sa totoo lang, mas masaya ko ngayong tumanda ako at never kong i trade kung anu man ang chura ko ngayon kesa nung kabataan ko at diko pinrublema kahit kelan ang pagtanda ko maliban sa isang bagay, nagsisimula na kong rayumahin pag winter nyahaha.
E pano naman napakapangit ko talaga nung bata pako, kung pwede nga lang magtapon ng anak naitapon na raw ako(medyo, nag-improve naman ako ng 3paligo ngayon hehe)kasi nga sakin nasira yung kasabihang "walang panget sa lahi namin".
Walang magsasabi na anak ako ng nanay at tatay ko at kapatid ako ng mga kapatid ko, kasi lahat sila mga tisoy at tisay, pero ang alam ko tisay din naman ako (half ilokana half ita).
Bigla ko tuloy naalala nung teenager pako sabi ng lola ko, pag daw mid 30’s to late 30’s ang babae, dun daw lumilitaw yung tunay na aura at ganda, at walang sinabi yung time na 20’s pa sya which is i agree.
At pagdating daw ng 40’s to mid 40’s (dun na nagtapos ang kanyang litanya, wala na syang sinabi tungkol sa 50’s hehe), mas nagiiba na ang aura ng isang babae, nagiging banidosa at pustoryosa kasi mas alam na nyang i carry yung sarili nya kesa nung 20’s and 30’s pa sya kaya bukod sa maganda na sya e neat pa tingnan, which is totoong totoo (wala lang, jina justify kolang yung pagtanda ko hahahaha) kaya nga sabi pa ng lola ko, kung 40’s ka at mukha kang matanda kesa 40’s e kasalanan mo na kasi tumanda kana’t lahat e dimo pa alam kung pano dalhin ang sarili mo.
So kung tumanda ka man at mapagkamalan kang nanay ng ka edad mo, e sorry nalang sayo, di mo lang kaya dalhin ang sarili mo. Simple lang naman ang solusyon nyan e…
1. Maging masaya at makuntento ka kung anung meron ka, yung taong mainggitin sa kung anu meron ang iba e malakas makapanget at makatanda.
2. Wag mong problemahin ang problema ng iba, hayaan mong sila mamrublema sayo, wag kang parang palaging galit sa mundo pag nadapuan ng konting problema,lahat tayo meron nyan, nasa pagdadala lang yan.
3. Anu kamo? Madaling sabihin pero mahirap gawin? Sorry ka, kawawa ka naman.
4. Palagi kang ngingiti kahit walang nakakatawa at kahit nagiisa kat mapagkamalan kang lukaret, pakelam ba nila, at wag yung palagi kang nakaingos at nakaismid.
5. Alalahanin mo ang kasabihang laughter is the best medicine, medicine din yan sa nangungulubot at ringkols.
6. Pag late 30’s kana e wag ka ng mag trying hard magpapayat lalot dika naman artista, lalo ka lang magmumukhang matanda, life is too short, kainin mo lahat ng gusto mo kainin(kahit dika bibitayin bukas).
7. Dimo kelangan ng kung anu anung itatalpak sa pagmumukha mo, moisturizer lang ang katapat nyan, moisturizer at moisturizer at kung magpapaaraw ka e mag pahid ka naman ng sun screen.
8. Walang babaeng panget kung marunong mag ayos, dimo kelangang magsuot ng mamahaling damit para magmukha kang presentable, magsuot ka lang ng bagay sayo.
9. Wag kang magpuyat ng magpuyat (di naman siguro masama kung isang to diko nasusunod hehehe eto lang naman).
10.Kung smoker ka, stop it... nag quit nako 3 yrs ago(2 yrs ago lang pala hehe), ang lakas makatanda at maka kulubot, believe me (kahit eto lang maniwala ka hehe).
Mahirap bang gawin yang mga nakasulat sa itaas? 43 na ko mga inday pero di ako nagyayabang (dahil inborn na ang kayabangan ko mwehehe), dina ko pwedeng mapagkamalang yaya at katulong ng pamilya ko, infact minsan ng napagkamalang nanay ko yung younger sister ko at mas madalas sya ang napagkakamalang ate ko. Yun lang mga nasa itaas ang sikreto ko wala ng iba, ngayon kung ayaw mong maniwala e bahala ka sa buhay mo matanda ka na.
Theres nothing wrong being getting old, basta lang may pinagkatandaan kat di tumatanda ng paurong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
kelangan talaga relaks, palaging nakangiti at wag dibdibin problema.
iwas araw, sigarilyo at sobrang babad sa dagat(alat). yan ang 3 kalaban ng balat.
yong puyat payag ako dahil kahit kelan, mapa noon sa bukid pa...parati late ako matulog.
Adiiiiing san ka ba nagtatambay at naglalagi at di kita matyempuhan?
di ako mahilig sa dagat,infact dipa nga nasayad ang paa ko sa dagat e kasi takot ako,naka punta lang pero di ako nagtampisaw sa tubig,mas nageenjoy ako
sa bukid magtambay lalo na sa gabi pag kabilugan ng buwan
Awooooooo!
Wow! Kaya naman pala alluring ka pa rin sa iyong avatar hehehehe. Mukhang 34 3/4 years young ka lang eh hehehehe :D
Enjoy life. Make your years count...
@Taribong, alluring ba? naka blured lang yan kaya mukhang alluring, pag di naka blured yan mukha ng alukring lol.
natawa ko dun sa 34 3/4, napaka alanganin namang edad nung my 3/4 pa, halatang binobola mo nako nyahaha, 1/2 naman wag 3/4.
tama ka dyan, enjoy life,kaso diko maenjoy dito at napaka boring.
43 k n lee? ahahaha. astig..nwei pakilala mo na lang ako sa mgapamangkin mo n teen ager o kaya nasa early 20s..wahaha. sabi mo kasi mggnda lahi nyu eh..plssss. hehe
nwei naniniwala p rin ako na walang pangit sa lahi nyo..hehe. tamang pag aayos lng.. :D
@kikilabotz, tama ka dun pare kaya lang in every rules theres an exemption at ako yung nakasirang exemption nyahaha.
aba e oki lang wafu ka naman kaya dika alangan sa mga pamangkin ko,apat yung pwede mo pamilian, yung isa 11 yung isa 8 yung isa 4 at yung isa kapapanganak pa lang, mamili ka na kahit sinu dun mapili mo e kikiluhin ko na para seyo.
walang magbabangit ng matanda. ipakukulam ko. HAHAHAHA Aray.
@MamCat, nandyan lang nakaabang yung automatic boot sa babanggit ng matanda, pag naamoy nung system yung post nung nagcomment ng my word ng "matanda" o "gurang" automatic lalabas yung kidlat sa laptop nila..
KaZoooooooM!
agree ako sa 1, 6, 9
actually that goes for men as well. dadating at dadating talaga ang time na yan. sus, wala namang bigdeal dun lalo na sa aming lalaki. kayo kasi babae, banidosa. good for u kasi maganda ang attitude mo bok.
pero di ako naniniwalang pangit ka, ang ganda mo kaya! kita ko na mga pix mo hehehe, pa hambol ka pa eh
woooshooo
LOL @ mam cathy's
nyahahahahaha
Maniniwala lang akong 43 ka kung padadalhan mo ako ng latest pic mo. Hangga't wala kang naipapakitang ebedensya, iisipin ko pa ring 33 ka na!
@dencios, yung nakita mong pic pic ko e yang nasa avatar na blured hahaha picture can be deceiving,gusto makita mga pictures ko? add moko sa FB jejeje
@BV hahaha, alam ko kung bat mo nasabi yan, isip bata kasi ako hahahaha.
abtually 43 na edad ko pero ang attidude ko raw e pang 13 yr old hahaha, retard lang ako kasi haha
Post a Comment