(photo credit to StreetView, from photobucket)
cont...
Mga sampung katao na ang layo ko kay titcher...
Hooooy, hinintay kita e, bat ka nawala? bat ka napunta sa huli? kinausap ko lang yung Chancelor ng skul.
Kakagulat naman kayo...
Hinintay kita, kasi diko alam san papasok pagpuntang eroplano...
Mamaya pa ho yung eroplano.
Alam ko, papasok kako sa loob, dun sa garahe ng eroplano...
Anu namang gagawin nyo sa garahe ng eroplano?(taka)
(umirap) hay, hirap mo pala kausap, dahil siguro bago kalang bumibyahe!
(tatango-tango lang ako)...
Yan nga ho yung embarkation paper (pinapaliwanag kung pano)
Nakalampas ng immigration,
Pag nauna ka hintayin mo ko ha? hinintay kita kanina...
(my utang na loob pa ko ngayon..)
Ang tagal....
inakupu, hinarang ng mga sikyu yung ale,
inakupu, hinarang ng mga sikyu yung ale,
dun nako tumambay ng matagal, then nung malapit na oras, punta
nako ng boarding area, nagbabasa nako ng...
Hooooooy, bat mo ko iniwan?
(napaangat ang pwet ko sa upuan sa gulat) san ba kayo galing? buti alam nyong gate na pupuntahan nyo?
Natural (nanlalaki pa mata) sanay ako noh at marunong akong bumasa...
Hinarang ako dun dahil sa bombet at palobong dala ko.
Anung bombet? anung palobo yun?(usisera din pala)
naku, pasalubong ko sa mga apo ko,buti nalang pumayag yung mga gwardiya na maiuwi ko, matutuwa ang mga bata, eto o.
Sus, ang dami satin nyan...
Iba yung galing dito sa China.
E puro galing din naman ng China yung mga nasa tin.
E bakit ba, basta... (sabay arte ng parang batang nagmamaktol)
Abat... ang litsing to ang arte, sipain ko kaya?
Inilabas isa isa....
Tingnan mo nga naman... (habang binubuksan ang takip),
sa probinsya, tangkay lang ng papaya gamit namin (tinesting ng lola nyo),
tapos, tide saka gumamila, ayus na my palobo na kami ...
(liparan yung mga palobo sa ibang mga pasaherong naghihintay),
ngayon eto, hay-tetch na mga laruan ng mga bata ngayon..
Juicekupu! hi tech na pala yun, panay pa rin ang dakdak,
dipa masiyahan kakalabitin pa ko para humarap sa kanya!
Ayokong maging rude, diko alam kung anung gagawin ko sa kanya para tumahimik, kanina pa walang tigil, diko na napigilang tumawa ng tumawa habang kagat yung pocketbook na hawak ko, tulo na luha, pati sipon ko, kakatawa, gusto ko na ring maiyak sa inis (tulalang nakatingin sakin ang lola nyo, di makasalita) tapos tulala nako, dina ko natinag, dina rin ako nakurap...
Oki kalang....? oki ka lang....?
nagsimula nanaman akong tumawa ng tumawa na kahit anung gawin kong pigil lalo lang nagpupumiglas yung tawa kot diko inaalis ang tingin ko sa kanya...
Biglang namaalam ang lola nyo, iihi daw muna sya pero dina bumalik...
MORAL LESSON:
Natural (nanlalaki pa mata) sanay ako noh at marunong akong bumasa...
Hinarang ako dun dahil sa bombet at palobong dala ko.
Anung bombet? anung palobo yun?(usisera din pala)
naku, pasalubong ko sa mga apo ko,buti nalang pumayag yung mga gwardiya na maiuwi ko, matutuwa ang mga bata, eto o.
Sus, ang dami satin nyan...
Iba yung galing dito sa China.
E puro galing din naman ng China yung mga nasa tin.
E bakit ba, basta... (sabay arte ng parang batang nagmamaktol)
Abat... ang litsing to ang arte, sipain ko kaya?
Inilabas isa isa....
Tingnan mo nga naman... (habang binubuksan ang takip),
sa probinsya, tangkay lang ng papaya gamit namin (tinesting ng lola nyo),
tapos, tide saka gumamila, ayus na my palobo na kami ...
(liparan yung mga palobo sa ibang mga pasaherong naghihintay),
ngayon eto, hay-tetch na mga laruan ng mga bata ngayon..
Juicekupu! hi tech na pala yun, panay pa rin ang dakdak,
dipa masiyahan kakalabitin pa ko para humarap sa kanya!
Ayokong maging rude, diko alam kung anung gagawin ko sa kanya para tumahimik, kanina pa walang tigil, diko na napigilang tumawa ng tumawa habang kagat yung pocketbook na hawak ko, tulo na luha, pati sipon ko, kakatawa, gusto ko na ring maiyak sa inis (tulalang nakatingin sakin ang lola nyo, di makasalita) tapos tulala nako, dina ko natinag, dina rin ako nakurap...
Oki kalang....? oki ka lang....?
nagsimula nanaman akong tumawa ng tumawa na kahit anung gawin kong pigil lalo lang nagpupumiglas yung tawa kot diko inaalis ang tingin ko sa kanya...
Biglang namaalam ang lola nyo, iihi daw muna sya pero dina bumalik...
MORAL LESSON:
25 comments:
baka first time niyang uwi. buti nga hindi siya humahawak sa palda mo para hindi mawala. hak hak hak.
Sa Singapore noon, may nakasakay kaming Pinay. Palagay ko balikan na siya dahil at home na at home siya sa eruplano. Nakashort shorts lang siya at nakastep in na 3 inches.
parang gusto kong sabihin, bahay mo ba ito.
kaya panay libot niya sa eruplano habang kami ay nasa taas pauwi ng Maynila. kulang na lang lakihan noong Singaporean flight stewardees at sabihang Sit Down.
Para siyang host namin.Hawak ang camera, magpapicture siya.
Paglanding ng eruplano, sinabihan siyang huwag munang buksan ang overhead compartment. eh pasaay. binuksan, hulog yong maleta niya.
parang gusto kong hingin ang camera at retratuhan siya sa black eye niya pero naawa na rin ako.
hay grabe ang kulet ni ate..
kaw kasi eh,iniiwan mo eh super duper mega close to the max na nga naman kayo...
teka lingon ka, yung ale nasa likod mo! toinks
@MamCat, pag pauwi ang byahe ko, yan parang nakapambahay lan ako pati tsinelas pwera lang pag winter,pero nakapirmi lang ako.
pero
pag work ang byahe ko saka lang ako naka isputing.
pag dating ko sa airport,dun kagad ako sa mahal na coffee shop hahahahaha kasi dun sa mahal walang ganong tao at tahimik.
langya e
sa loob ng eropleyn nagkokodak?lol.
yun ang napapala
ng pasaway at makulet hahaha.
@Rye, sinabi mo pa, feeling talagang very close at pag dika nakatingin sa kanya habang dakdak sya e kakalabitin ka pa,di nga marunong makahalata hahaha.
Kaya pala hindi ko masyadong nakuha sa unang hirit dahil may part 1 pa pala.
Pero ang pinagtakahan ko nang umalis ang lola na nagpapaalam na iihi daw muna sya pero dina bumalik...
ibig sabihin ba may part 3?
Back to part 1 muna.
hahahahah
ano bang ale yun. baka nerbyusin ako kapag kakausapin nya ko lols
e hamuu na, at least bukod na na-aning ka e natuwa ka din kahit paaano lols
natawa ako sa kwento ni mam cathy hahaha
bok, hirap ako sa bloghop huhu
umiyak? lol
muaaaaaah sa nose.
@Darbs, hahahaha buti nga dina bumalik, kasi kung sumama parin hanggang loog, baka hinolog ko na sa side stair nung tarmak.
@Dencios, bok, kukulitin ko ngang ikwento sa blog nya yung mga ganyang experience nya si mam cat.
ok lang bok, alam ko naman yun,
easy lang bok, cool, sagwa pag yang ilong mo lumobo sipon kakaiyak,saka di bagay,
bagay sayo mambalibag nyahaha.
Wow! Di gets ni lola haha. naku kulit non ah. Parang ang sarap sabihan na STOP! hahaha.
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
Ganun talaga eh.. Mas nasanay na sumakay siguro sa kalabaw kesa sa eroplano, kaya intindihin na lang..
Wala bang Part-3?
@Jules, salamat sa pagdalaw, kulit nga e sumakit ulo ko hahaha.
@Al, pisti ka hahahahahaha kalabaw pa hahahaha,kalabaosetter ba lol
"@MamCat, pag pauwi ang byahe ko, yan parang nakapambahay lan ako pati tsinelas pwera lang pag winter,pero nakapirmi lang ako."
ganiyan din ako noon sa local flight. Yong tipong nakarollers pa ang buhok.
Dito di ko magawa kahit sa local flight... may mga ugis na masyadong bigot. Titingnan ka mula ulo hanggang paa pagpasok mo sa boarding gate.ako tinitingnan ko sila mula baywang. yon lang ang abot ko eh. heehhe
May nakasakay ako noong puti na ayaw magpatabi sa mga hindi niya kalahi. Naglagay siya ng mga diyaryo sa pagitan ng upuan namin.
Ang bruho.
tapos natulog. noong dumaan ang pagkain di ko inaabot ang pagkain sa kaniya.
Nang pumarada na ang eruplano, hindi ko siya ginising. Buti nga sa kaniya.
Sarap ingudngod.
@MamCat, aba e bruho ngang talaga.
buti naman dito sa asia e medyo behave ang mga ugis,takot din naman sila, yan ang isang pinakamalaking dahiln kaya dito ko lang gusto magstay around asia.
natawa ko dun sa hanggang bewang na tingin hahaha di bale cute naman ang mga petite e hahaha.
kasi naman dito ang lapit nalang sa pinas direct flight wala ng transfer pa e ang init pa naman satin kaya palagi lang suot ko paguwi e ganun lang at wala akong dalang malaking maleta,mahirap na dami pa namang mga
bwayang nakaabang sa airpot.
magsabi ka ng totoo ate lee sadyang hinintay mo sya noh?
ayan nga at maloka loka ka sa katatawa eh.
bandang huli sya di nakatiis seyo kaya ka iniwan. neks taym alam mo na dapat gawin.
Naalala ko nung hindi kami umabot sa domestic flight dahil delayed ang international flight namin papuntang pinas. Kasama ko sa reservation desk yung mga babaeng galing singapore na walang ginawa kundi ikumpara ang pinas sa singapore. Sabi ko sa kanila sumama nalang sila at ihohotel kami ng airlines dahil kinabukasan pa ang flight namin na-rebooked. Ayaw daw nila at takot sila sa maynila, hindi katulad sa singapore na kahit gabi makapamasyal ka. Kinabukasan, nakatulog ng mahimbing, nakapaligo, nakapagpalit ng damit at nakakain ng masarap na almusal (courtesy of Sheraton) ng inabutan ko sila sa departure area. Mukhang na-rape ang mga itsura, me muta pa at gutom. Doon daw sila natulog. Sa awa ko, binilhan ko nalang ng kape at tinapay.
Moral lesson: kahit saang lupalop ka man napunta, basta't engot ka, engot kang talaga.
@Mtoni, ay ina apo ading ko, matay ak kinyana,han ko laeng maibati ta maasi ak ta bakbaketan, ngem nasakit ti ulo ko kinyanan.
@BV, hahahahahahaha muntik nako hinimatay kakatawa dito hahahahaha.
walanghya e parang mga di pinoy,bakit sinabi ba sa kanilang maglalakad sila ng hatinggabi sa kalye ng manila?
langya e buti my mga tumabi pa sa kanila?hahahaha ang eengot nga talaga e sinu ngayon ang umantot?hhahahahaha.
buti nakatagpo sila ng gaya mo binilhan mo pa ng
pang almusal ang mga engot hahahaha.
swak na swak yung moral lesson hahahahahaha.
ikukumpara nila ang Singapore sa Pilipinas, eh Singapore, maliit pa katsa Metro Manila. kung baga sa control madali lang.
saka sila dictatorial. magtapon ka lang basura doon, kulong nga ng 90 days o may hampas ka sa likod kahit na sino ka man.
kahit saan di safe. sa Italy noon yong kapatid kong babae, sinusundan ng pickpocket. buti na lang nakita ng isa kong kapatid. Sa paris grabeh rin ang mga mangdarambong.
sa SF, daming mga pickpockets sa bus o subway. Hindi naman pwedeng di ka magsubway o magbus pagnagtatrabaho ka sa SF downtown kasi ang mahal ng parking doon. pwede nang ipanghulog buwan buwan sa bagong kotse.
hindi naman pwedeng magpark sa street, every 30 minutes maghuhulog ka ng quarter. sa isang oras, dollar din yon. yong ibang parking meter, limited lang talaga ang parking.
minsan maagang maaga, may papasok sa department store, magpipick-up ng mga nakadisplay (noong nakita ko sa GAP...kunwari di pinanapnsin ng mga sales ladies kasi baka sila patayin, anyway, babayaran ng insurance yon.
paggabi dito wala na ring naglalakad sa labas kasi daming mga drug pusher na nagbebenta sa mga dumadaang mga kotse.
@MamCat, tama ka dyan...ang Singapore pwedeng buhatin at ipasok sa loob ng metro manila.
para kang nakatuntong sa numero, my joke nga dyan diba?
pag umo-o ka sa CR at di lumubog ng isang flush lang yung o-o mo, magmumulta ka kasi di mo napalubog yung o-o.
pag naman nag 2 flush ka magmumulta ka pa rin kasi nag aaksaya ka ng tubig,walang masulingan lol.
makita kang ngumunguya ng chicket dimo pa dinudura masisita kana,
and besides,theres no comparison,kala mo namang ga heaven ang ganda ng singapore,tama ka dyan mam wala ng safe na lugar kahit saan,ingat lang talaga kelangan.
STOP! tigas din ulo mo.. eh kung ako yun sana.. hahahahaha
@Tim, kawawa naman si lola, baka magulat biglang atakihin sa puso dun pa matigok hahaha.
salamat sa dalaw
wahahahahahahhahahaha!!!
@Fr, Pads, kala yata nya nabuang nako kaya ayun nilayasan din ako sa wakas.
nakaka-awa na nakaka-inis at nakaka-tuwa.
nakaka-inis kasi akala niya alam niya ang lahat pero sa iyo pa rin magtatanong at mangungulit.
nakaka-awa kasi may kakulangan siguro siya. naghahanap ng atensyon, ng makaka-usap, ng makakasama.
nakaka-tuwa kasi sa simpleng bagay na mayruon siyang maipapasalubong sa mga apo niya. ipagmamalaki niya sa lahat.
gayunpaman, tama naman ang mga ginawa mo eh. maski siguro ako... matatawa ng husto. :)
dahn jacob is taga-bundok
@Anjong, gustuhin ko mang mainis e nakakaawa naman kasi nga matanda, syempre my mga magulang din naman tayo at darating ang panahon na tayoy magsisitanda din naman, at di naman magandang abandonahin mo nalang na alam mo namang prang my kulang nga gaya ng sinabi mo.
salamat naman at wala kang violent reaction hahaha.
Heto pa Lee hirit violent reaction. Hindi na sya bumalik kasi sinabi mo made in china pa rin laruan sa pinas. Sana naman made in Spratlys hehe para maiba. Baka naingayan lang talaga sa katabi nya hehe...
@Dfish, nyahahahaha langya e ang haba ng dusa ko sa kanya,mula pa sa pilahan ng check-in, makabawi man lang sa ganung paraan.
quits!
Post a Comment