Ang hirap ng ganitong season, diko malaman kung san ako susuot at susuling sa sobrang lamig.
Aminado naman ako na hate ko ang sobrang init, pero mas hate ko yung ganitong season na para akong inarmirolan sa gawgaw sa tigas dahil sa sobrang ginaw, at para akong pinagsasampal twing lalabas sa hapdi ng dapo ng lamig sa mukha.
Kapagka ganitong winter, gusto kong sumigaw at magtatalon, pakiramdam ko kasi pag diko yun ginawa, e ganito magiging itchura ko....
(photo credit to calvindool, from photobucket)
At kung minamalas malas e ganito....
(photo credit to brentandval, from photobucket)
At habang tumatakbo e ganito....
(photo credit to ninjet21, from photobucket)
pero bibilib ka naman sa mga tao dito, kung kelan winter ay duon naman mabili ang ice cream dito (pansin ko lang). Swerte pa rin ako't nandito ako sa South, more than 2 weeks ago, eto ang snow sa North...
and this...
at eto naman last year pa sa North pa rin, pero dipa
ito ang kakapalan ng snow last year, starting palang
ng pagkapal yan...
Dito naman sa South kahit na winter e di naman yearly nag iisnow, every 2 years lang my snow, gaya nung 2007-2008 winter, matindi inabot nila dito, parang yung kay Ondoy, maraming namatay, nasira ang bahay at na stranded sa daan pauwi ng mga villages nila to celebrate Chinese New Year, dahil sa sobrang kapal ng snow, pero karamihan di nakarating sa paroroonan kaya nagsibalik dito na luhaan.
Eto ang ilan sa mga pictures ng snow dito sa South, dito mismo sa kinaroroonan ko (Hangzhou City) noong before Chinese New Year 2008.
Kaya this Winter, my snow nanaman, Brrrrrrrrr!
IBALIK NYO KO SA PILIPINAAAAAAAAAAS!
(all photos above, photo credit to Chinese website)
Tuesday, November 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
36 comments:
Base!
swerte mo nga eh, libre ang halo-halo dyan.
kulang na lang ng mais para makagawa ka ng MAIS CON YELO. mahal yan sa jolibee.
weh, meron ba nun sa jolibee?
hmmnn. oo nga, enge ako snow pag-uwi mo sa pinas. haha. gusto ko niyan.
ang aaga nyong nagising ah,nagsipagalmusal naba kayo?
@Al, diko alam na my mais con hielo pa sa jollibee?tagal ko na kasing di nakain dun, check mo baka my lumpia na rin saka bananaQ.
@Anjong,nita try ko ipa package kung tatanggapin.
nagpapapaniwala ka dyan ke Al,di naman sa jollibee kumakain yan.
parusa talaga winter dahil sa panahong yan kelangan magtiis ka sa karagdagang sapin ng damit kung ayaw mong manigas.
minsan nakakailang hakbang pa lang palayo ng pintuan eh nagyeyelo na talukap ng mata mo.
lam mo ate nangingiti nga ako sa mga tinedyer dito kc sa umaga mainit na baso ng kape hawak ko tas katabi naka double gulp ng 7 eleven.
@Mtoni, ganun talaga ang mga bata ngayon,wala sa kanila ang kape, sa bahay di sinanay ang mga bata sa mainit sa umaga, sabi ni mader actually nakasanayan lang nating mga pinoy ang mainit sa umaga pero ang totoo di raw maganda.
natatandaan ko nung maliliit pa kami bawal din kaming uminom ng kape o mainit na gatas dapat daw malamig,kaya yung mga
bata sa bahay sanay ng malamig sa umaga at di mainit kahit
pa milk o milo dapat malamig.
ay ka-sobra pala ng winter jan. kung sana pwedeng gawing halo-halo yung mga yelong yan.
Brrrr hirrap magggtyypppe, lllamig ah abot hanggang dito..... (Hehe nakatutok pala sa akin ang aircon. Ayos na nilagay ko na sa swing mode hehehehe)
Brrrr lamig pa rin. heheh
tanong ko lang, bloke din ba ang bentahan ng mantika diyan katulad sa Baguio?
nakup, parang mahirap ang hindi gumalaw diyan at mag-cryogenics ka hehehe
bakit di pumasok yong aking comment. nagfreeze din?
@Patricia, nakupu diko nga pagtatangkaan man lang hawakan, wala nga akong kodakan na my hawak na snow hahaha alam mo naman ang mga chikwing kung gano kadudugyot,kung san nalang sila...sus, m,ga dugyot lol.
@Taribong, ay naku dito ok ang mantika, kahit anung lamig ng panahon si namumuo ang mantika dito,my sarili silang heater hehe.
kung pwede nga lang magpadala ng kahit konting lamig dyan e di masaya sanat nakatipid sa koryente sa sobrang init.
@MamCat, baka namasyal lang at natabunan ng snow lol
wala pa king snow rito. last year di masyado ang snow sa amin, parang mga bula lang ng sabon na na isinabog sa mga kotse sa labas at sa mga bushes.
kaya ayaw ng kapatid kong bumili ng detached na bahay dahil ikaw ang magpapala ng yelo sa labas na minsan kailangan mong hanapin ang kotse dahil natabunan.
at least dito, ang administrator ang bahalang magpatunaw ng yelo sa walkway pagssabog ng asin.
pag summer naman sila rin ang nagmamanicure ng mga lawn. ewan ko bakit walang pedicure. mwehehe
@MamCat, buti kung ganyang my maglilinis,e yung mga nakikita ko dyan din ang kapal ng snow,ang hirap sa umaga magpapala kat natabunan na yung kotse mo.
eto,start na ang snow today pero sa mga roof lang kita,dipa ganun kakapal.
mamamatay yata ako sa kakapal ng snow ng yan...
Hhmpp...Naku mommy Lee, nag-rereklamo kapa? Eh ako nga hinahangad kong mapnta sa may snow. Kaya nga nung nag-hire sila sa ng mga singer sa korea sa city hall nmin agad akong nag-audition hehe. Kaso edad ko ang problema huhuhu. Kaya kahit tanggap ang golden voice ko eh edada ng hndi tanggap. Pero ngayon nmn n pwd na ang edad ko saka nmn walang oportonidad. Hahaha. Kaya ang dream kong makakita ng snow dipa natutupad. =(
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
@Glo, dipa naman ako mamamatay, kaso mamatay matay lol,lalo pat may rayuma pako e yun ang kalaban kong matindi.
salamat sa dalaw,palamig ka muna sa snow.
@Basyon, walang problema sa edad,napakabata mo pa,my mga alam ako matatanda pa sakin lol, kung interested ka talaga sabihin mo lang may mga kontak ako,dimo kelangang maging golden voice basta magaling kalang sa projection at marami kang kantang pondo, kaso kawawa naman yung baby mo maiiwan mo,at di naman din kalakihan sweldo ng mga singer.
exciting experience nga kung nakakapunta ka sa mga bansang may mga snow.. how i wish na makapag abroad din ako, at pag may pagkakataon yung katulad ng ganyang bansa na may yelo. par feel na feel ko ang pasko, gagawa ako ng snow ball, mag ice skating..
wwoooot! sarap
@Al, tumigil ka dysn, di pa nakakaabrod ek ek ka dyan, balibagin kita ng bloke ng yelo dyan e, wala nga palang winter dyan sa..... beeeeeh!
hello, lee!
bago lang ako napadaan dito mula sa bahay ni fads...
san ka ba nakadestino ngayon? sorry di pa ko nakakabasa ng ilang mga naunang post mo kaya di ko pa alam. babalik ulit ako dito. :-)
grabe nga pala ang lamig sa kinalalagyan mo. pero di ba mas masarap yan kesa sa sobrang init? umiinit din ba diyan tulad ng init dito sa pinas?
@Kaye, salamat sa pagdalaw, naku kapagka ganitong ang lugar e nagyeyelo, asahan mo sa summer extreme din anginit at talo sa init ang pinas,kasi dito umaabot ng 40degree ang init.
para sakin mas ok yung klima dyan satin kesa ganitong malamig,kasi ang daming sakit sakit sa katawan,bukod pa sa kapal ngsuot,nagbibitak yung kamay,dry skin, naku nakakainis din.
the best na yung autumn and spring.
waaaaaa!!! kailan kaya ako makakapaglaro sa snow?
ahahahaha. ako naman gusto ko makakita ng snow..
konting tyaga lng makakabalik k rin sa pinas after mo mgawa ang dapat mong gawin jan
waahahahahahahahaha! kakatuwa ung unang picture!
Wuaaaaaaa,,Buti pa kayo may snow. lolz. Srap matulog nyan hehe..
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
@Fr.Felmar, nakupu, nung una ako nakakita ng snow para akong lukaret talon ako ng talon magisa sa snow, unang araw lang pala yun, mas masarap pa rin dyan satin.
@Kikilabotz, ok lang pag first time pero 3 months ang itinatagal ng grabeng lamig,ang hirap talaga kumilos at ang bilis kapitan ng sakit lalo ubo at sipon,pati sipon mo mayeyelo hahaha.
@Fr.Felmar, pads, maraming storya yang 1st picture na yan, my masaya my malungkot.
masaya kasi ganyang chura ko pag snowing hahahaha, malungkot kasi ganyang chura nung tiyuhin kong namatay sa abroad tapos iniuwi ng pinas na naninigas sa yelo, ngeeeee!
@Jules, nakupu jules, ang hirap ngang matulog, ok lang sana yung autumn at spring masarap talaga pero pag winter sama sama ng lahat ang hirap,kung bakit ba pag ganyang winter e nakaka homesick at talaga namang naaaaapakalungkot kahit san ka sumuling.
Napadaan lang dahil sa sobrang ka-bwesitan, este ka-bwesihan. Magbabasa na lang at balikan ang comment pag nabasa na.
-kaway-kaway- para kay Maam Lee na the most loyal commenter.
Tag-lamig na nga...Brrr... mukha ngang napakalamig. di pa ako naka-try gumawa ng halo-halo from snow. Oh, by the way, bumisita pala si Snow doon sa haws. Wala pa pala akong sagot doon sa sangkatutak na nag-iwan ng comment. Sa sobrang dami di ko na tuloy alam kung ano ang sagot. pero kailangan ko talagang sagutin di ba? haiz.
@lakaDARBS, oks lang yun, alam naman namin na ikaw a isang career man na nagsisikap sa buhay at sa kabuhayan, kung pwede nga lang ipadala a pinas ang mga snow na yan at ng mabawasan ang aming electric bill na panay angal ng mader.
Magtiis ka, di ba lahat halos ng Pinoy hanap hanap ang snow..dito styro..ang gimik kapag gustong magkasnow..diba diba...hehehe.
Pare gawin mong yelo, itinda mo..magkakapera ka..hehehe..isang dumptruck na yelo.
so you are in china..kaya ba lee ang pangalan mo?
@Kulisap, talagang nagtitiis lang akot wala akong choice dahil dito ang work ko, e akalain ko bang nasa asia ako e pero talo pa ang state sa kapal ng snow.
Dito sa mainland walang my pangalan na Lee,lol.
either hongkong or korea ang Lee,pero apelyido.
Lee ay ang pinaiksing name ko.
Dito malamig na rin. Sarap matulog kaya palaging late pumasok sa trabaho. Pero hindi naman katulad dyan sa pic mo. Sobra naman ang kapal ng yelo. Siguro hindi ako mabubuhay dyan. : (
@BV, eto ngat hirap na hirap ako sa ubo,di maka padoktor dahil hit na hit sa takilya ang mga hospital sa dami ng my sakit,ok lang sana pero pagka ganito ang hirap palagi nalang kamo ko nagkakasakit sa sobrang lamig,umaga ka pa nakapila da conter e hapon na dika pa makasilip sa doktor sa dami ng pasyente konsidering napakaraming hospital dito.
Masaya ang mga posts mo Lee,. gusto kong tumawa at mag-comment pero mukhang hindi pa ako naka-recover sa massacre news.apektado lang talaga ako, sobrang malagim ang pangyayari and daily bombarded with the horror of the news. just want to say hi to you at sa lahat ng mga alaga mo kung meron man hehe...
@Dfish, oo nga e, kaya nga di nalang ako nakikipagsabayan mag blog ng mga ganung malungkot at lalo lang nakaka depress.
mabuti naman ang mga alaga ko, yung isa buti nalang no read no write, kaya buhay pa ko lol.
lee, simula na din ang lamig dito sa dubai. asus! akala ng lahat buong taon ang init sa middle east. kaya pala merong mga posing yung mga kababayan nating galing "saudi" noon na nasa gitna ng desyerto at naka balat na jacket. parang ginaw na ginaw... totoo nga palang giginaw din ng sobra dito.
walang snow dito sa dubai. :) buti na lang!
@Monique, ganun naman talaga kung saan bansa my extreme ang init tiyal extreme din ang lamig sa lugar na yun, di gaya sa pinas at thailand na parehong tropical.
Post a Comment