(photo credit to chiscotheque, from photobucket)
"Some of the conversation between me and my son” AKO: Ay naku anak, wag na wag mo kong sinusubukang takutin, kung yung ama mo, na nakakatakot at nakakasindak ang square na pagmumukha nya e di ako nakayang sindakin, ikaw pa na napaka gwapo at napakaamo ng mukha ang tatakot sakin?
ANAK: (nakakunot ang noo) e sinu po ba talaga ang kamukha ko?
AKO: e sinu pa, e di yung ama mo!
----------
----------
AKO: Hala, kung ikaw din lang ang masusunod at hindi ako na ina mo e mabuti pang magpalit nalang tayo ng pangalan.
ANAK: Ayoko po.
AKO: E puro yung gusto mo nasusunod, ako wala ng nasunod sa gusto ko kahit kelan.
ANAK: Ayoko po.
AKO: Tingnan mo?tama ba namang sagutin mo ko ng ayoko?
ANAK: Ayoko nga po e.
AKO: Anu bah? Kanina kapa ayoko ng ayoko dyan, anu bang ayaw mo sa mga sinabi ko?
ANAK: Ayoko pong magpalit tayo ng pangalan, ang sagwa po e, parang joke!
----------
Lola, tutulog na po ako memehen nyo napo ako (my son was 7 yr old then)
Patulugin mo nga yung anak mo dun, minsan lang kayo magkasama e limliman mo manlang at ng maranasan namang mapatulog ng ina. Naubos ko na lahat ng kantang nalalaman ko, mulagat pa rin ang mata ng de puger na bata. Oy, diko sinabing mag concert kayong mag ina dyan, patulugin mo yang bata at maaga yan papasok.
Anak naman matulog ka na plsssss, ubos na kanta ko, galit na lola mo.
(Nakatingin sakin) dipo ako makatulog kasi kumakanta ka po e. Haaa? e sabi mo memehen ka para makatulog, anu bang kanta pang meme sayo ng lola mo? Kanta? Di naman po kumakanta si lola pag minememe nya ko e.
(Taka) ganun? e anung pampatulog nya sayo? Sabi po nya, “matulog ka na, maaga pa pasok mo bukas, dika na nga nag aaral mabuti ayaw mo pang matulog ng maayos, di ka na nga kumakain ng maayos, puro ka nalang laro, yung mama mo dun nagtatrabaho para lang…. blah blah yakiti yakiti yak yak…tapos po diko napo alam yung ibang sinabi nya, makakatulog na po ako….
MORAL LESSON: Sabi, kung ano daw yung puno yun din ang bunga...in denial pa rin ako!
31 comments:
wahahaha. nanay ka nga talaga. nakarelate ako sa switch personalities. lol.
@Fr, Pads, pangarap ko talagang maging cool mom na parang barkada lang ng anak ko,at di yung tipikal na nanay karakter, pero di pala talaga maiiwasan pag nanay kana,lumalabas pa rin yung natural na karakter ng nanay lol.
yes, totoo po yan. ganyan din mama ko. cool mom, pero pagdating sa mga seryosong usapan, aba, talagang pinapakita niya na siya ang nanay! and now i realize that ang mga nanay talaga ay very strong people, very tough inside, lalo na pag mga anak nila ang involved.
@Fr, naku Pads totoo yan, pagka nga my mga batang nagaaway o iiyak iyak na pinaiyak ng kaklase, titingnan mo lang, subukan mong sa anak mo mangyari kung hindi hysterikal na parang sabil kang susugurin yung nanakit sa anak mo, kahit bata papatulan mo pag yung anak mo naargabyado hahahaha.
@Fr, Pads,ganyan din si mader very cool mom yan,pero grabe pagka desiplinaryan, lalo pa pagluluko sa pagaaral, lahat na naihataw sakin, isa nalang ang hindi, buti nalang nakakabit yung poste ng meralko,kung hindi pati yun naihataw na sakin.
pero yung apo nya pandilatan mo palang e pumapalag na yung lola hahaha.
yan yata talaga ang nature ng mga nanay.
it's not time to make a change
just relax, take it easy
you're still young, that's your fault
there's so much you have to know
find a girl, settle down
if you want you can marry
look at me, i am old but i'm happy
oops father & son pala title non, di bale ate sabi nga nila ang bata daw mas pinapahalagahan ang nakikita kesa sinasabi sa kanya.
so kung alam nyang kaya bihira kayo magkasama ay dahil inaatupag mo paghahanapbuhay eh nakikita nya ang sakripisyong ginagawa mo para sa kanila.
@Mtoni,ading,tingkyu sa napakagandang awitin at komento mo hahaha.
oo nga naman,sana nga ading,sana.
Hi Lee, kmsta na ang beauty mo sa bansa ng mga singkit ang mata, i can relate talaga sa iyo, bilang remote mom kailangan talaga natin ang bonding sa mga junakis pag nasa pinas tayo
@An2nette, naku sister mabuti at naligaw ka kahit na malamig ang panahon lol.
tunay ka dyan,kaya nga pag nasa pinas ako di ako humahawak ng pc para talaga maka spend ng quality time sa family at kung magbobonding kami ng game rummikub nalang instead na imternet,lahat pa kami masaya.
salamat sa dalaw,paki lagay nalang dyan sa lamesa yung dala mong ulam.
Kung anong puno ay siyang bunga.. uu nga 'no?
alangan naman na ang talong ay magbunga ng kamatis..
Sa family ko, pressured sila sa akin pagdating ng mga lessons, kasi gusto ko maintained yung pagigiging honor student.
But aside from that, hindi lang bilang Ama ang treatment ko sa kanila,kundi isa rin kaibigan madalas na kalaro, kaya close na close kami.
@Al, kaya dapat iapreciate mo ng husto ang misis ko,di madali ang task ng ina,ako nga e yung lowla ang gumagawa ng task na dapat ako e wala naman akong choice kaya task ng tatay ang napunta sakin argh!
sasandali ko palang kasama ang de puger na bata e talagang inhale-exhale ako e minsan lang kami magkita dapat maganda
at memorable yung minsang pagsasama namin kaso manang mana sa pinagmanahan,naaaaaapakatamad magaral ng de puger na bata,
ok na sakin kahit di honor,kasi kahit nga di nag aaral e matataas naman ang grades,lalo
pa siguro kung nagaaral gaya nung elementary sya palaging honor,kaso mahirap pag lumalaki nagkakaron na ng barkada at yun ang inuuna,pero ayoko din namang ipressure masyado sa pagaaral,balance lang ok na para nagaaral at the same time naeenjoy nya rin yung kabataan nya.
hehehehe super nami-miss ko na talaga ang nanay ko. Minsan nga nagtatawanan na lang kami ng kapatid ko kapag naaalala namin siya at ginagaya siya hehehehe tapos biglang malulungkot dahil todo miss namin siya (sigh)
Kumusta, lee?
Well, mukhang sinabi nyu (Mam Lee and the commenters)ang dapat sabihin. ano pa nga ba ang idagdag? siguro makinig na lamang si ako at magmumunimuni.
Basta ang naalala ko sa awit ng Hagibis ay ganito...
"Babae, babae, kayo ang dahilan sa aming pagkalalaki..."
@Taribong, kaya nga e, kami ding magkakapatid ganyan, ookrayin namin mader namin tapos iirapan kami hahaha,pero miss my mom na talaga,naaalala ko yung naguunahan at nagsisiksikan kami sa tabi ng mader namin,kahit na nga ngayon pag nauwi ako.
@Lakay Darbs, akala ko kakantahin mo...
legs,legs,legs mo ay nakakasilaw(sa laki)...
katawan,katawan,katawan ooooooo katawan(g lumba lumba)
Oy, diko sinabing mag concert kayong mag ina dyan, patulugin mo yang bata at maaga yan papasok.
hanep din ang mader mong bumanat. pasaway din. magtataka ka pa kung bakit hindi naging santol ang bunga ng mangga.
hahaha
pasensiya ka na kung installment ang response ko. masakit kasi throat ko. ahem ahem
"Nakatingin sakin) dipo ako makatulog kasi kumakanta ka po e."
Buti di ka binigyan ng barya. hahaha
May bagong salawikain.
Kung anong puno, siyang bunga at kung ano ang bunga, yon ang buto. not unless seedless yong bunga.
Masakit pa rin ang throat ko, kaya di ako makasalita para makapagcomment. toink
ANAK: Ayoko pong magpalit tayo ng pangalan, ang sagwa po e, parang joke!
Sinabihan din ako ng mader ko noon na magpalit kami ng pangalan.
sabi ko ayaw ko mabantot ang pangalan niya. yong bang galing pa sa mga lola na ang mga pangalan ay mga agapita, genoveva, at iba pang sinaunang pangalan (excuse sa may mga ganoong pangalan, labs you all wink).
nang mag citizen siya, nagpalit siya ng pangalan. noong tinanong ko kung bakit sabi niya, hindi daw niya malgyan ng pabango ang pangalan niya. para akong binigyan ng mag-asawang sampal na hindi kasal.
@MamCat, hahahahaha tawa ko ng tawa dito hahahahaha lalamunan ang sumakit kaya installment hahaha.
kaya nga e,sinabihan din ako ni mader ng palit na kami ng pangalan nung araw,dina nya inulit sabihin sakin kasi pumayag ako e,mas maganda ngalan nya sakin,ayun dina umulit.
naku mam,tahimik lang yan at bihirang magsalita pero ang kuliiiiiiiit, para ngang makulit pa sakin,masyadong pasaway,pebrero din kasi hahaha.
oo nga naman,
alangan naman,unless kung seedless lol.
kawawa naman si nanay. good job, baby
@mam cat baka po alam nyo kung sino artist nong hallelujah song na ginamit sa dancing with the stars ngayon. di po kase me makapagkoment don sa blog nyo kaya dito na lang ke ate lee ako ngtanong.
maraming tenks po.
@Mr.Nonsense, lol, oo e alam nyang back-up nya lola nya palagi e.
@Mtoni, ay ading ko, ta makisalsala ka met gayam... syak saan nga makasala ta datoy saka ko ket aguuyong,data ni mam cat naimbag nga talaga nga saludsudin na kanayon agsala lol.
to mtoni,
hindi ko napansin yong music dahil nagbabasa ako at nagbabrowse sa internet at the same time nanonood.
pero ang singer ng hallelujah song at si julienne hough yong kapatis ni derek hough. song writers si steve mc ewan at craig wiseman.
ate lee mejo mahilig lang talaga ako sumabay sa mga kanta at sayaw, minana sa mother side namen.
saka pag meron ako narinig na kanta kelangan makuha ko agad..ganun ako kakulet.
@mam cat maraming salamat po pero iba ung version ni julienne.
meron ako dati by radiohead pero gusto ko din ung narinig ko kanina at etong ke jeff buckley lang ang kapareho.
sensya na po at pati kayo inabala ko.
haylabyu mam cat.
Yung 1st scene, parang dialog ng misis ko at ng 4yo daughter ko.
As for over-protective, panalo dyan si komander. Nung baby pa ang anak namin, hindi ko mahawakan hanga't hindi ako nakapaligo ng alcohol. Madapa lang yung bata naghi-hysteria na. Nakakahiya kasi nasa loob kami ng mall.
Ya tama! Lalabas prin tlga ang time na parang napaka-higpit mo khit na madalas mong ipinoportray ay cool mom. haha Naala ko ang anak ko, pag matutulog gsto nya sasabihan ko muna na mag-jojollobee kami pagkagising nya. ;D Pero mas maganda tlga ang maging cool mom na parang kaibigan mo lang ang bata, para pag lumitaw na ang gilagid mo na parang galit kna kahit di nmn totoong galit, eh susunod sya khit papano. hehe Dami koh na nasulat haha. Super naka-relate sa post. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
@MamCat & Mtoni, wala akong alam sa mga pinaguusapan nyo dahil pagdating sa sayawan,parehong kaliwa ang paa kot para akong posteng inuuga kaya gustuhin ko mang sumayaw e wag nalang lol.
@BV, ganyan din ako nun at ganun din daw sakin ang mader ko kasi unang anak ako at unang apo yung anak ko,kaso masama pala,lumaki yung anak ko na parang ako masyadong sakitin dahil over protective at sobrang linis,since yun ang kinalakhan namin,ganun na rin kami na masyadong maselan at masyadong obses sa kalinisan,kaya yung sister ko natuto,di nya kami ginaya,kaya yung mga anak di sakitin.... maliban nalang sa mga hikain haahahaha inborn naman kasi na mga hikain lol.
@Basyon,salin salin lang naman,ganun pala talaga ang nanay,sabi ko nun diko gagayahin mother ko na super duper protective at higpit,pero pag ikaw na pala yung nasa ganung kalagayan na ikaw na ang nanay e mas masahol pa kesa sa nanay na tin.
Yay. Natawa po ako sa lahat! Lalo na yung unang una! Si Daddy rin pala ang kamukha!
Marami rin pong bloopers ang mga pamangkin at pinsan kong mas bata sa akin! Natatawa na lang ako out of the blue kapag may mga sinasabi silang simple lang naman pero iba ang banat kapag matatanda ang nakakarinig.
Hehe. Nakow, tulog na po ako at gabi madaling araw pa po ako. Meme na nga rin ako! Haha.
Have a nice night!.. Pati kay Mr. Nonsense, Alkapon, Father Fiel at sa lahat.. Sa iyo din Lee!
Kala ko ikaw si Tsi! Aw.
yep, tama si Father Fiel.
The one who rocks the cradle, rocks the world!
@Ax, tama ka dyan, para sa mga bata nasabi lang nila pero sa kanila wala silang intensyon sa sinabi nila, nakakatawa pala.
sinung tsi?
oo,tama yung sinabi ni Pads talaga.
@Ax, salamat sige goodnight na, anung gusto mong kanta pang meme? tong tong pakitong kitong? hahaha
Post a Comment