Maiba naman po tayo ng usapan.
Siguro naman di bago sa inyo, na sa atin, mapa probinsya o mapa manila e usung uso ang binarbekyung mga kung anu anu, dito din uso yun, pati nga damo binarbekyu.
Pero ang isi share ko sa inyo today ay kakaibang isnak... isnak ng mga pasosyal, oha! tama, mga pasosyal lang (feeling sosyal) ang can afford na mag isnak ng ganito dahil may kamahalan at bukod pa dun e mahal talaga dito ang PATO at iniisnab ang chicken.
Hala sige, suriin natin ang isnak ng mga pasosyal dito, i wish makita nyo kung pano nila ngab-ngabin ang isnak na ito kahit na in public, wa sila care, basta iniisnak nila e isnak ng sosyal.
Hala, pasukin natin ang tindahan at makiusyoso...
Alam ko, di nyo makitang mabuti kung anu yun, mangongolekta tayo ng ilan para makodakan ng close-up.
O ayan, leeg ng pato, makakita ka ng napakagandang babae at napaka disente ng suot at ngumangabngab ng ganyan habang naglalakad o habang nasa kung saan.
6rmb/pc.
Mas lalo naman to, makipag lips to lips ka sa pato in public? yay!
5rmb/pc
Dito, ang mga paa ng manok o pato e naka pedikyur pa tapos ngangatngatin mo, kuko ko nalang kaya ngatngatin ko.
4rmb/2pcs
Ito talaga ang nakakapagpatayo sa lahat ng buhok na pwedeng tumayo sakin, parang isang maliit na alien na nagaabang lumundag sayo, dila po yan ng pato, imaginin mo kung lahat ng pato tinanggalan ng dila, lahat ng pato e pipi. (tinabihan ko ng piso para sa size)
10rmb/7pcs
At ang total po lahat ng iyan ay 25rmb ($1/6.7rmb) o diba sosyal ang makaka afford dahil di naman mura, pero kung ang syota naman nya e galante at mataba ang pitaka, aba e bilmoko na si syota.
Ready na ba kayo magka syota ng pasosyal na insik?
(lahat po ng kodakan na nakapaskil, ay galing po sa aking kodak na sony)
Tuesday, November 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
ayun oh!!? hahaha
kala ko Pilipino lang kumakain ng adidas, leeg at ulo ng manok. Sa china pala Pato. eh hnd ako kakain nyan.. hanggang balot na lng ako. wag na palakihin. ahehe
@Kikilabotz, same same talagang hanggang balut lang ako, at kakaiba yung amoy nyang isnak na yan e, amoy intsik at tyak lasang intsik yan.
uy, salamat nga pala sa
mention,kanina kopa
nakita yung post mo pero di ako makapag comment,nagluluko.
omg! muntik na akong masuka doon sa dila ng bato!!!
@Fr.Felmar, hahahahahahahahaha
Mahilig talaga ang mga intsik sa exotic food, pati litid ng baboy, linta, bayawak, kahit na ahas ay kinakain.
karamihan ay dried products na nabibili sa mga chinese store.. sa binondo at divisoria maraming ganyan.
Naku ha, ang sarap ata niyan. Tikman niyo. Ang lambot ng laman niyan.
Sori mam Lee, alam kong masarap ang pagkain pero talagang wala akong ganang makikain ngayon. Napadaan lang.
Makapag-adobo-sa-gatang-itik nga pag-uwi ko sa probinsiya hehehe
Hindi kaya ako mabatukan ng mga kasamahan ko sa bahay kung gagayahin ko ang mga nakapaskil na kodakan mula sa kodak na sony mo???
paborito ko ang peking duck pero yong balat lang lalo cispy. cholesterol to the max.achecheche.
gusto ko rin yong paa ng manok o adidas lalo na pag niluto ng aking kaibigang abugado, especialty niya yon. kung baga sa expression niya, i wanna kick ass.
wala yatang sinasayang na parte ng hayup ang mga intsik,
meron kayang minatamis na balahibo ng pato? yon na lang kasi ang natitirang wala kang binigay na recipe.
Wuaaaaa...Diko kinaya mommy Lee. Hhhhmmm, kainis, umikot lang ang sikmura ko hahaha. Sorry tlga pero buti pang pakainin mo ako ng puro damo wag lang yan. Naku buti pa nmn dito sa pinas eh pinuputulan pa nmn ng kuko ang adidas, eh jan walang bawasan lolz. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
@Al,sinabi mopa,simple pa yang mga nakodakan kong yan.
@Fatherlyuour, manong mong, ang tigas nga, pag ginamit mo pambato magkakabukol ang tatamaan lol.
@Darbs, alam ko naman na nagda diet ka lakay, oki lang yun, sige daan ka lang wag mo lang tapakan yung pato.
@Taribong, itry mo lang basta suot kalang ng helmet
@MamCAT, yun din ang gusto ko kaso pagkagat dami ng mantikang kolesterol hehe,pero masarap e.
mam, ala talaga silang sinasyang na parte, yung balahibo,eto na suot ko na sa loob palaman ng winter coat lol.
@Basyon, sayang din daw ang kuko, sayang sa timbang,kung dika makakakain neto, sori di tayo sosyal,dun na nga lang tayo sa damo jjejeje
Oh no! Dila ng pabo! Sorry, pero di ako susyal kung yan din ang kakainin ko. Yaan mo ang mga insik kumain nyan lolz. =D
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
@Jules, hahahaha yan ding part na yan ng pato ang nakakakilabot, wala...alang pagasang maging sosi dito hahaha.
lee,
ako ang daming pato ang pinatay para goosedown comforter ko. maganda nga ang lightweight pero nakakabigay ng init pero jusko naman, dry clean ang kailangan kaya di ko dinudumihan para di ko madalas ipadryclean.
ngayon bumili ako ng ordinaryong blanket. ataw ko naman ng electric blanket baka bigla akong magkikisay.
@MamCAT, hahaha.
ako naman e yung gamit ko lag naman sa elect blanket e bago ko matulog,para lang di malamig yung bed paghiga ko, saka takot din skong mangisay habang tulog hahaha.
yung comforter na gamit ko naman e yung sa sheep pero maganda talaga kung yung down feather ang gamit kasi bukod sa mainit na e magaan pa,kahit sa winter jacket yun ang da best.
yaiks! sorry na pero lahat ng nandun sa mga pictures na galing kay Sony camera, e di ko makakain. di ko kaya... lalo yung leeg, di ba yun parang puro buto? may makakain ka pa ba nun?
halos lahat ng parte ng pato me pakinabang jan.
leeg na lang saken kasi kahit sa turkey o manok un una ko kinukuha.
ung mga balahibo naman pinapalaman sa unan, duvet at jacket. ang iba ginagamit ring palamuti, pero kung ibon makakuha sigurado ilalagay sa kanyang pugad.
@Kaye, hahahahahaha ewan ko ba,ganun sila kung alin yung mabuto yun gusto nila.
@Mtoni, ading, walang tapon dito, lahat pagkakaperahan hahaha
Wuaaaa....Let me out of here..este alisin nyo ako sa harap ng PC hahaha. Di ako makakain ng ganyan. Juz ko, pero tuyo nalang pwd?! ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
@Solo, hahaha
Kailangan kong kumain kaya ito maki-isnak na naman.
Ang hindi ko pa kayang gawin kung papaano sasagutin ang mga naiiwang comments doon sa exodians haws.
Walang lumalabas na sagot. parang lahat sinagot na sa comment. wala talaga akong maisip na sagot. blanko ung isip.
sensya na kung tahimik muna.
Salamat na lamang po mam lee sa patuloy at walang sawang pag-leave ng comment.
napadaan ang para umatungal. awoooooo!
@Lakay Darbs, nagugutom ako dun sa bahay mo, ang sarap sarap nung turkey hanggang maglaway nalang ako at mangarap dahil dito sa kinaroroonan ko walang turkey, pato ang madami.
wag ka ng magisip lakay,gumaya ka sakin, walang isip, walang problema.
walastik! hindi mukhang soxal ang mga pagkaing yan. talagang hindi nakikita sa physical appearance ang halaga ng isang bagay *winks*
@Patricia, tama ka dyan.
bok, mah mehn, eto na ang dioniscio mo. muntik na ma dedbols sa workload. kinangna naman! grrrr.
teka babalikan kita at guton na guton na ako kagagaling ko lang kasi s gym e.
i want yu to know na nagbabasa ako ng posts mo di lang nag cocomment kasi mahigpit sa opis namen at nakikita lahat ng IT. nyeta.
muaaaaaaaaaaah
nung bata pa ako, mahilig ako ng pagkain nabibili sa kalye.
barbeque na isaw, dugo, adidas, ulo.. tapos lugaw, goto at saka 1 day old. dun sa recto marami dun, peborit kong tambayan.
@Dencios, bok, wag ka ng magpaliwanag huhuhu tama na hikbi, nasasaktan lang ang masel ko singhot,gimme 5 mehn! oki lang yun,para ka namang aders nyan e.
@Al, bilib ako sa tiyan mo, buti dika nagka hepa at mga alaga sa tyan.
lol. nagmukhang off topic ang comment ko. "dila ng bato".
lol.
"dila ng pato" po yan.
hmmm...makisawsaw nga at exotic yatang blog ito.
pwede bang manghuli ng ahas at bayawak at iexport sa China? Tanong lang
@Fr, kayo nasabi nyo bato yung isa pabo, siguro sa sobrang pagka shock hahaha
@Glampinoy, yung ngang paa ng manok import pa nila galing yata australia kasi since di naman sila mahilig sa manok,yun lang paa ng manok gusto nila.
bayawak at snake, ok din siguro, kaya lang diba bawal satin magexport ng mga yan?
Post a Comment