Sunday, November 8, 2009
Tindahan sa Baryo...
(photo credit to venicevan, from photobucket)
Lahat naman ng bagay nakakasanayan at nakakagamayan, gaya na lang nung pagtira sa baryo.Nasanay kasi kami sa manila na walang nakekelam, walang pakealamanan at magkakapitbahay di magkakakilala.
Pag nga naman inabot ka ng kamalasan e kasabay ng pagsulpot ng mga buset sa paligid, at dobleng kamalasan pag sa tapat ng tindahan ng baryo kapa napa landing mapatira.
ALING MAMENG: "abaaaah at my bago pala tayong kapitbahay na galing ng menila."
ALING INGGA: "oo at kapupute ano? nakita mo ba yung ina? Mistisang mistisa, parang anak ng merkano? aba e sige bilangin mo ang edad, malamang na anak yan ng kano nung huling nagdaang gyera, o ano, ano, ano sige at kwentahin mo?"
ALING MAMENG: "e sya nga ano, dyan ako bilib seyo Ingga, pagdating sa kwentahay napapahanga mo akong talaga."
ALING INGGA: "kaw lang e, ala kang bileb, maalam talaga akung kukwenta ng numero,... nga pala, ang haba na ng lista ng utang mo, kelan ka ba magbabayad, ha?"
ALING MAMENG: "kaw naman oo, yaan mot pag sinwerte sa sabong ang kumpare mo e babayadan din kita kagad, maiba tayo, e sinu namang yung isang kasama? parang di yata kamukha? baka iba ang ama?
KAKANG JUAN: "kuuuuuh, dyan kayo magagaleng, ang manipat ng mga bagong dayong tao, kaya kayo'y nagsitanda na di umasenso sa buhay….
ah e Ingga, abutan mo nga muna ko ng isang bilog dyan, memeya na bayad, pag nakabale ko dun sa eekstrahan kong pagawang poso."
MORAL LESSON: magsipagbayad kayo ng mga utang sa tinahan at ng di umabot
sa kabilaang ibayo chismis na mahaba na utang nyo't ma ban kayo sa ibang tindahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
kuhang kuha mo yong scenario sa tindahan ng aking tiya noon.
daanan kasi yong kanilang bahay mula sa pantalan (port. island kasi yon kaya maabot lang ng bangka o lantsa galing sa ibang ibayo.
pero sa kanila, tuba ang inumin.
ako nga nilalasing nila para makatulog kaagad.
hic.
buti hindi ako naging lasingera.
hic.
ganitong ganito ang tanawin sa norte nung napadalaw ako.. mga tyange sa tabing kalsada, tapos me mga nag iinuman na tambay sa kanto..
na miss ko tuloy ang probinsiya sa nakita ko sa picture.
@Mam CAT, buti na nga lang hahaha dipa ko nakatikim ng tuba e.yung itchura nung tindahan pag nadaanan ng lasing tumbahan laman nyan hahaha wala manlang tabing.
@AL, dun samin maraming ganyan, di alng sari sari store, kung anung mauso at panahon, my pakwan, my suka, my chicharon, lalo na mga putok pag malapit ng new year, kaya di na nawalan ng traffic.
hahahah! totoo talaga ung moral lesson. alam lahat ng munting bayan kung sinong may kahabaan ang utang. you are banned! wa-wa naman.
oo nga lakay e, langya yung tindahan dun samin my blackboard ang laki dun nakasulat yung total ng mga taong my utang hahahaha.
yung items dun nakita ko sinusulat sa box na pakete ng yosi kanya kanya kada uutang litsi tapos yung grand total nasa blackboard kahat kita hahahahaha, kaya ayokooooooo mangutang hahaha.
tsk tsk, mahina ang benta ng tindahan sa kanto, alang nabili, bc lahat sa botohan at si lakay darbs nagbago na isip, ayaw na ng gin bilog, tsk tsk!
Haha - wala akong utang kay Lee. Ang mga walang utang daw kay Lee, pwede ng humingi ng maagang Christmas Chinese goods, ngaks...Ano bagong tsismis sa boss mo?
@DFISH, hahaha ang aga ngang xmas nyan ah, ok na ba sayo yung mga tirang releif na di naipamudmod hahaha.
bagong chismax from my boss,masaklap.... walang bonus bwahahahaha.
Kawawa rin ang tindera, ang daming pautang! Aw. Ganun talaga! Minsan sa probinsya, dahil walang mapaglibangan, kwentuhan na lang! Aw. May mangilan ngilan na iba ang kwento, may marami na tsismis.. Pero ang kwento sa isang baryo..
Tungkol kay Darna. Aw.
@AX, hahaha naku totoo ka dyan, kahit saang baryo yata ganyan ang mentality ng mga tao.
Post a Comment