Friday, November 27, 2009

Turkey... turkey ba yan? turkey ka dyan!

WARNING: Kung kayo po'y may mahinang sikmura, maaari na po kayong mag pass sa post na ito.... at kung kayo naman poy di pa kumakain, hwag muna pong titingin unless mga pasaway kayong talaga... dont tell me diko kayo winarningan ha?


Dalawa ang nararamdaman ko, NAGUGUTOM at NAIINIS.


Sawang sawa na ko kakakain (charing) sawang sawa na rin ako kakaisip kung anung kakainin (etchos). Sa araw araw na ginawa ng pineapple juice, yun nalang ang parating tanong "what to eat today?"

Sa totoo lang ilang araw na kong naglalaway sa turkey, sinimulan ni mam CAT yang post ng kodak ng buhay na turkey, tapos babanatan ng kodak ng post ni lakay DARBS ng luto ng turkey, puro turkey, puro turkey, puro turkey ang laman ng utak ko.

Ayoko naman ng pumunta ng KFC at PIZZAHUT para kumain ng kahit na manok, dahil makita ko palang yung pangalan e naduduwal nako sa pagka hinawa...



Julaylay: madam, der is new restoran awt der, yu can try.

Melaylay: hmmm, any chicken? (obyus bang adik ako sa chicken) roast chicken?

Julaylay: Let see...

Takbo kami ni Julaylay na parang mga patay gutom sa kagutuman.
Wow, ganda naman ng bagong hotel, mura lang daw dito kaya bago pa lang ay pulpak na ng tao.
Hala, ayun my mga kodak yung bawat order, so kita mo kagad kung anung klase yung oorderin mo sa kodak pa lang.

Julaylay: wat the order madam?

Melaylay: Only chicken, chickheeeen (nangangatog pa)

Waitress: hada! (sabay turo ng manok)

Melaylay: EEEeeeeekkkkkkKKKKK!
(konsensyako: arte naman neto my patili tili pa)

Photobucket

Melaylay: Sabihin mo manok pero hindi balbas saradong manok na nagsi swimming, sige na nga kahit dina manok, basta yung di mamantika at ang ubo ko lalala!

Julaylay and waitres: blah blah blah blah

Julaylay: Ok madam, she recommend very good and no oil and very good for your health.

Melaylay: EEEEEEeeeeekkkkkkKKKK!
(konsensya ko: anu nanaman yan, napakaarte naman parang ngayon lang nakakita nun)

Photobucket

Melaylay: de puger, di pa ako ganyan ka gutom, sabihin mong dipa uso samin kumain ng linta mga litsi, hala karne nalang, yung di mamantika, litsi nawawalan nako ng ganang kumain!
(konsensya ko: asuuus, napakaarte naman, pag wala ka ng makakain at mamamatay kana, tingnan ko kung hindi kayo maghabulan nyan para kainin)

Julaylay and waitres: Blah blah blah blaaaaah!

Julaylay: Ok, she say this is very good, no oil, very hot in body, good for sick people for healthy feeling so well.

Melaylay: ok ok, where...

Julaylay: beside you...

Melaylay: EEEEEeeeeekkkkKKKK!
(konsensyako: sisipain ko na to eh, kanina pa to tili ng tili napipika na ko talaga sa arte)

Photobucket


Melaylay: Mga de puger, di pa ko nakarecover sa pagkamatay nung poodle ko etot papakainin nyo ko ng aso?
(konsensyako: pa pudel pudel ka dyan, e askal naman yang ipapakain sayo di naman pudel)

Julayjay: she want to recommend another ......

Melaylay: Stooooop, we go bak to da opis, you just buy nodols, noooow!
(konsensya ko: nyahahaha, ang arte kasi, may pa turkey turkey pa kasi, uubra naman pala nodols lang hmp!)



(lahat po ng mga kodak na nakapaskil ay kinodakan ng kodak ng nokia celphone)


Photobucket

24 comments:

AL Kapawn said...

base!

anu yan? yuuuk...

hindi na baleng magutom ng bongang bonga kesa kumain ng mga ganyang menu.. ha ha ha ha

ayoko.. ayoko..ayoko..

The Ca t said...

mahilig ako sa manok pero gusto ko naman yong nagpabarberya muna para ahitan at gupit. Gusto rin yong nakatihaya o nakaupo hindi yong nakalutang sa sabaw.

tamang-tamang nanonood ako kay andrew zimmers. kumakain siya windpipe ng baboy.sabi niya lasang plastic o better christmas decor na nilagyan lang ng masarap na sauce. subtle na pintas lalo nang sabihing kahit kumuha lang spare part ng kotse at ilubog sa sauce pipwede na.
ahoy.

gobble, gobble.

Lee said...

@Al, kaya mo yan, sige, tigasan mo pa... lakasan mo pa sikmura mo sige kaya mo yan hahahahahahahahaha



@MamCAT, nakakatawa naman yun hahaha.
yan nga ang nakakainis e, malalaman din naman na manok kahit di ganyanin, so far tinatry ko sana kayanin atleast achievement, pero diko talaga kaya e hahahahahaha.

mtoni said...

kakain ako ng bunga ng ligaw na ampalaya kahit iihaw lang at isawsaw sa patis o kaya ung maliliit na parang damo tumutubo sa mga gulayan na bilugan ang dahon at mapait na kailangan lang banlian ng mainit na tubig tas hiwaan ng sibuyas at kamatis bago lagyan ng patis..wag lang yang mga nikodakan mo ate lee.
nakakatakot ung manok na tila naligo muna sa sabaw bago niluto.

darbs said...

hahahah! intro lang yan, without explanation bat tumawa. I know, hindi katatawanan ung nag-iisip kung ano ang kakainin.

Pero sa tingin ko naman doon sa mga nakalatag na mga pagkain, medyo gross tingnan pero gusto kung tikman lalo ng ung sinabawang manok.

Steps kung paano ko kainin ung sinbawang manok.

1. Higop ng sabaw

2. Kagatin ang korona nang manok

3. Kagatin ang bungo ng manok and/or sisipsipin muna ung mata.

4. Of course ung utak ang i-slurp.

5. Higop ng sabaw.

May vegetable ba ang sinabawang manok?

Kung meron ung na ang neks na ngasab ngasabin.

sabay...

burp!

darbs said...

sana pueding e-mail ang roasted turkey from the thanksgivng day ano? ipainit mo na lang sana.

Lee said...

@Mtoni, hahahahaha sarap nga sa bagoong pero diko alam yung mga sinabi mong gulay hahaha okra kahit na talong isapaw sa kanin sawsaw sa bagoong solve nako.


@LakayDARBS, langya yung post mo e ginutuman ako ng husto sa turkey, yan tuloy napala ko hahaha.
ngee pati ba naman mata at ulo ng manok hahaha.

yiN said...

walanghiya kahit sa gutom maninindak yung manok nayun eh! naligaw, nagbasa, naaliw, sumigaw, umalis,babalik.

yiN said...

gustoko lang magkomento ulet,sabi nung word verification kasi: atingab. hahaha.

Lee said...

@Yin, uso dito yan sindakan, pati mga tao dito galing manindak, pati naman mga animal na tepok na ngat ihahain nalang e nagagawa pang manindak.
atingab lol.

Rocky Garcia said...

Haha! Galing naman ng mga pics!

Lee said...

@Rocky, lalo pa pag personal na magugulat ka pa hahaha

AL Kapawn said...

Yung Pic # 2, yan yata yung LInta,, me nakita na akong ganyan sa binondo.. ewan ko kung papaano nasisikmura ng mga intsik ang ganyang klaseng pagkain.

Lee said...

@Al, eversince sanay sila kumain ng mga ganyan, siguro sa sobrang hirap na rin ng buhay nung araw na wala sila talaga makain, kaya lahat ng klaseng gumagalaw basta di nagsasalita kinakain nila, kaya nga ako palaging nagsasalita e.

J.Kulisap said...

Halo Lee,

Pasintabi lamang ano..totoo bang ang fetus ay tinitira din diyan..ginagawang bogchi.

Lee said...

@Kulisap, wala pa naman akong nakikita, pero pag tinatanong ko sila tungkol dun e naglalakihan yung mga singkit na mata nila, kala nila nagjo joke lang ako ng bad joke.
baka sa mga remoter areas, am not sure pero nakita ko na nga yan sa ibang news.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

hehehe nakakaawa ung manok...

Lee said...

@Fr, nakakaawa talaga, dipa nakaahit pinag swimming na hehe

Mr. Nonsense said...

buti na lang ay hindi aso ang in-order...

dencios said...

ok lang basta lasang turkey pa di n o chicken hahahaha

sakit ng tyan ko kakatawa.
lol!

:D

how is yu bok?

muaaah

Admin said...

HahaHah!


EEWWWwwww!


Kakaduling naman ang food na yan!

Lee said...

@Mr.Nonsense, kahit pa nga sabi nilang masarap at maganda sa katawan ang aso, diko yata kayang kainin.


@Bok, langya bok e pagka ganyan ang ihahain sayo e kahit patay na patay ka na sa gutom e dimo makakain maliban nalang siguro kung langong lango nakot nakapikit habang nakain, kaso di naman ako nakain pag lango e waaaa.
oks lang ako bok.


@Mangyan, di lang nakakaduling, nakakabulag pa hahaha kasi pipikit ka nalang para dimo makita.

Ax said...

ayos yung chicken.. parang may stiff neck lang!

dati, may kinakain silang linta (mga tito ko) na galing sa puno ng niyog. masarap daw, di ako nakakain pero okay sa akin para matry ko naman. oha!

aw, pero nasasarapan ako sa aso. yun nga lang, parang ang sama pumatay ng aso. kase man's bestfriend yun..

pero kapag gutom ka, walang bestfriend bestfriend. hehe.

Lee said...

@Ax, my nabalitaan nga ako kumain ng aso namatay sa rabis, kaya nga nakakatakot at saka aso ng apag namatay iiyakan mo talaga e pano mo kakainin?
pero yung isang tiyuhin ko mahilig sa inom palagi sila nagpapatay ng aso.