Wednesday, November 11, 2009

Ako lang ba...?

Check In Pictures, Images and Photos
picture credit to Munichpictures1970,photobucket)



Sa pilahan ng check in counter, going to Manila...



Hoy, pinay ka ba?

(gulat pa ko) Oho, pano nyo nalaman?

Obvious naman e, para kang bumbay!

(???) Anung koneksyon nun?

Kasi dito ka nakapila papuntang Pinas,
at mukha kang bumbay kasi my hikaw ka sa ilong.

Matagal ka na dito?

Oho.

Kelan pa?

Diko na ho maalala sa tagal.(sagot ng inaantok)

Ako matagal na saka jet setter ako e... anu yang
papel na pinamimigay?

Embarkation paper ho tawag dyan.(nakangiti pa rin)

Ha? kelan pa nagkaron nyan?wala naman dati nyan ah?

Matagal na ho yan, kasing tagal na ng mauso eroplano.(naghihikab na ko)

Tsk tsk, tingnan mo nga naman,meron na pala nyan?

Akala ko ho ba jet setter kayo? anu bang ginamit nyo papunta dito, bangka?

Uy hindi ah, every 3mos lumalabas ako ng bansa, diko alam na papunta pala
ng Pinas e kelangan nyan, tagal na kasi ko di nauwi satin e puro Europe ang punta ko.

(umusad ako pasulong,parang my sapi isang to)

Teacher ako dito...

Ah, ok... (tinatamad na sagot ko)


(nag ring ang phone ng ale)


Hilo? hilo? ah yis ser, yis ser, aym hir oredi in irport, yis yis ahihihi si yu liter ser ay am miss yu oredi hihihi, plis til tu mam in da kids witing mi ay kambak fastir.

Di ko na hinintay matapos makipag usap sa tilipunu, lumayas ako sa pila at nagsimula ulit sa likuran.

(my part 2 pa yan)





MORAL LESSON: @%$*@^



Photobucket

33 comments:

dencios said...

moral lesson: magpakasinto sinto ka kasi ulit haha

mtoni said...

yay naunahan ako sa pgbase.
ate lee naka pirs bes ka don ke father.

hanubayan masyado ka ba pansinin at madalas kang makatuwaan. dagdagan lang pasensya pero wag palitan ang name.

Lee said...

@Dencios, bok, hintayin mo dun sa part 2 hahaha.


@Mtoni, hahaha ading,nandun ka pala?

Ax said...

Hm, I assume umuwi ka sa Pinas?! Hm, kung tama, kamusta ang biyahe at ang Pinas? Aw. Parang hindi ako sa Lupang Sinilangan nakatira kung makapagtanong.

Baka mukha ka lang talagang Pinoy.. At teka, bakit ba nila nili-link ang Bumbay image sa mga Pinoy? Hindi naman kamukha ng Pinoy ang mga bumbay ah!

Hehe!

Lee said...

@AX, kaya nga nung sinabing bumbay sabay amoy ko kagad sa kili kili ko eh haha.
matagal na yang experience na yan.
salamat sa dalaw.

AL Kapawn said...

psst! hoy bumabay, pautang ng 5-6, at saka samahan mo na rin ng kaserola, payong, at kaldero.. sa isang buwan na bayad.

AL Kapawn said...

matindi ang amoy ng bumbay, kahit 20 metros ang layo langhap pa rin ang sangsang ng kili-kili.. he he he

bawal yan ke moymoy palaboy.

Lee said...

@AL, langya, sakit nga sa ulo ng amoy e, kaya yung boss ko di tumatanggap ng bumbay na my amoy hahaha pag my amoy, bagsak kagad, kaya walang bombay na mabaho sa company namin hahaha.

ok, padiliber ko, kulambo gusto mo?

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

ahahahahaha. hinimatay ako doon sa teacher!!!! mur! mur juks!

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

lee, inadd na kita sa links ko...

Lee said...

Salamat po Fr.Felmar, totong buhay po yang kwentong yan hahaha

AL Kapawn said...

Ayan lee, mag ingat-ingat ka na ngayon, nakasubaybay na rin sayu si father.. sesermunan ka nyan, ako nga madalas akong paluin sa pwet.. he he he

Lee said...

@AL, behave ba lol
behave naman ako ah?
teka lang ita tuck in ko muna sungay ko.

BlogusVox said...

baka ang ibig nyang sabihin ng "jetsetter" e nakaupo sya sa jitplin!

Okay rin naman na "teacher" yan. Siguro praybit tyutor nung mga anak ng amo. Kawawa naman yung mga bata pag dating sa inglis lison.

Lee said...

@BV, uu nga ih hahahahahahaha

cathy said...

ako rin palaging napagkakamalang bumbay. palagi kasi akong may dalang payong. hindi folding. yong talagang mahaba na pwede ring pangtusok sa mga lasing na makulit sa daan.

dito kasi sa States, pagtag-ulan lang sla nagdadala ng payong. pag may araw, makita mo ang mga ugis na nakabilad sa mga park at nagsasunbathing.

minsan isang ka officemate ko di nakatiis na babae, tanong sa akin, where's the storm lady.

biglang patak ng ulan, hehehe basa siyang umuwi.

beh.

Lee said...

@Mam CAT, ahahaha yan ang matindi hahahahamga pinoy naman kahit maganda panahon my bitbit na payong, incase.
tamad kasi ko magbitbit ng payong,si mader ko pang amba daw sa asong gala kung sakali mat di umulan.

AL Kapawn said...

lukaret, hindi ako si lio loco.. ngayon ko lang nakita site nun dahil ke ax.. puntahan mo rin, marami ring kalokohan yun.. nandun din si dencio na nambubulabog.. ha ha ha

Lee said...

@Al, sus, hindi yun,diko pa nga napuntahan yun... saka di yun yung sinasabi ko.

taribong said...

Hi, lee. Parang sumakit din ulo ko sa kausap mo, hayst hehehehe

Ganda ng blog-hay mo, ah. Pabalik-balik na ako dito ha?

Pakisulat na part 2 pls... heheheh

taribong said...

wahahahaha, natawa at natuwa naman akong mapabilang sa "MGA ADIK"

Nakupo, napabilang ako sa mga emperors ng blogosphere. pero sige na nga, dahil adik ako wahahahaha

Lee said...

@Taribong, ganda ng username mo, parang kanta, parang ka sound ng tong tong pakitong kitong lol.

you are most welcome anyday, anytime of the day to visit.

salamat sa bisita,next time dala ka ng sarili mong kape lol.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

hahahaha natuwa naman ako doon sa kwento ni cathy! pati sa roma, madaling madetect ang mga pinoy kasi gumagamit ng payong pag mainit ang panahon. lol.

Lee said...

@Fr, naku totoo ka po dyan, ganyan ang mga pinoy kahit saan, kaya nga madalas kaming mapagalitan ni mader kasi pag pinagdadala kami ng payong, takbuhan na kami, walang gustong magbitbit hahaha.
Pads, masaya ka blogkada yang si mam Cat, sobrang komikera, simple pero rock hahaha.

cathy said...

lee, father,
may reason din ako pagdala ng payong sa San Francisco. Malakas kasi ang hangin doon pag may storm. yong tipong mabubuhat ka at ibabagsak ka sa Streets of San Francisco, so either maglagay ka ng bato sa bulsa mo o magdala ka ng tali at itali mo sarili mo sa poste.

Ako kasi stemmed umbrella na mas maliit lang sa umbrella ng pulis ay kawit ang dulo para pag ako dinala ng hangin, isinasabit ko sa poste yong kawit habang ako ay nakalmabitin. hindi ako nagbibiro. promise.

hic. ooops.

Lee said...

@MamCat, hahaha natawa ko dun ah parang joke hahaha.

e pagka naman ganyan kalaki payong mo mam pwede na rin palang parachute lol.

cathy said...

hindi joke yan lee, totoo yan.

ang hangin kasi sa SF nanggaling sa Bay. Di ca city by the bay kami. kaya ang tawag sa SF at mga suburbs ay Bay Area. lugar ng mga Bisaya. hahaha

maraming uses sa akin ang payong. pag sumasakay ako sa BART (parang LRT sa atin kaya lang dumadaan sa ilalim ng tubig at sa subway, gamit ko yon pagstanding room only. Kasi hindi ko abot yong handle bar sa itaas ng tren (designed siyempre nila para sa mga matataas na tao, alam mo naman ako vertically challenged aka bansot) yon ang kinakawit ko sa bar para hindi ako matumba pagtakbo ng tren. kulang na lang na bigyan ako ng saging at ako ay mukhang unggoy na nakasabit.

sa opis naman, pang-abot ko ng mga
bagay na matataas sa shelf. Ewan ko ba bakit ang tataas ng pagkainstall sa kanila. kaya minsang nagpalagay din ako ng hanging shelf, yong abot ko. panay naman untog yong kaoffice mate kung puti na madalas nakatayo sa likod ko at nang iispy kung ako ay nagiinternet. Tseh niya.

Anonymous said...

haha.

taray ng ale..jetsetter pero hindi alam ang embarkation card.

punta na ko sa part 2..

Lee said...

@MamCat, hahahahaha natawa ko ng husto dun ah.
wala akong problema sa abutan ng matataas, kasi palagi akong naka flatform atleast 4" hahaha.
nag iispy pa loko
feeling KGB/CIA hahaha



@Rye, Europe nga raw sya jetset e.
sabi nga ni BV, jit sitter, nakaupo lang sa jet hahaha.

darbs said...

Ung Europa ang palaging nililiparan ng Jetlog in a sense parang nagmamayabang na un ah! tama ba? kung mali di Jetsetter na nga na baguhan lang sa tinatawag na, Embarkation paper as old as the old the song. maswete't kinausap mo pa. pero sa part 2 parang wala na atang balikan. baka hinahanap ka pa ang lola hanggang ngayon.

Lee said...

@Lakay Darbs, buti nalang tinuruan ako ng aking ina na gumalang sa matatanda,kung hindi baka kinulong ko nalng sya dun sa CR pagpasok nya para sure na dina nya ko balikan lol.

taga-bundok said...

hmmnn... nag-comment na ako dito ah. asan na yun...

Lee said...

@Anjong, hmmmm, parang wala...tara tulungan kita hanapin,baka nagyoyosi lang sa my basurahan.