Thursday, November 5, 2009

Bakit nauso ang mga LOLA...?

De La Salle University Manila Pictures, Images and Photos


Nope, hindi ko pwede ipagmalaki kahit kelan at lalong di ako proud na 3x high school drop out ako. Hanggang sa wala ng school na gustong tumanggap sakin, at kundi pa umangal na si mader sa nakakataas ay dipa ako tatanggapin... yun, tinanggap nga, pero sa mga tapunan ng mga bugok/sira-ulo/basagulerong na kicked out from different high schools, kaya naman nagkahalo halo na lahat ng tarantado at halang ang mga bituka sa school na yun.

Never akong nagkwento sa harap ng mga bata o kabataan ng mga experience ko nun during my high school days. Ayoko kasing magkaron sila ng idea sa ganun, dahil kahit na nga di ako nakatuntong ng kahit saan University (plan ko this holiday, ang nxt trips ko maglilibot ako sa mga Universities para tuntungan kahit man lang mga handanan) ay buo parin ang aking paniniwala at malaking pagtitiwala sa mataas na uri ng edukasyon.

Lalo namang ayokong malaman yun ng anak ko, nagagalit nga ako pag hindi sya nag aaral at puro games at barkada ang inaatupag, babanat naman ang lola...

"anu na lang, totorturin mo ba yang bata ng puro aral? mas masahol ka pa nga nung araw"

May arrangement kasi kami, kanya ang right mamili ng gusto nyang course, kahit ano pa yan, kahit pa makeup artist, mangungulot, beautician, manikurista basta ako ang mamimili ng school na pwede lang nyang pasukan otherwise wala ng aral at magkunduktor nalang sya ng bus, sabad nanaman ang lola...

"tigilan mo nga ng mga ganyang lenggwahe yang bata, di sanay yan kinakausap ng mga salitang kanto"

Susmio, salitang kalye ba yung sinabi ko? yun po ang aking naunsyaming pangarap sa buhay, ang magkundoktor ng bus. O mag alaga ka ng mga hayop sa baryo pag dika nagtinong bata ka... swerte ng anak ko, my sariling speaker, lola nya...

"ikaw bay pinag alaga ko ng hayop? ikaw bay pinahirapan kong mag hanap buhay sa kalye nung ikay nagluluko?"

Opo, nagsisinungaling po ako sa anak ko (ewan lang kung naniniwala), na palagi kong sinasabing, pag di sya nakapag aral ay wala syang mararating, na pag di sya nakatuntong ng college sa gusto kong school ay di sya makakakuha ng magandang opportunity dyan sa atin, na iyon lang ang chance para di sya maghirap na kagaya ko (etchos). Ang alam kasi nya, hirap na hirap ako sa trabaho ko dito sa abroad (totoo naman diba?) na talagang subsob ang aking ulo ko (sa computer) sa kakatrabaho, at kulang na kulang ang tulog sa gabi (kaka internet) dahil sa wala nga akong aral, at akoy api apihan sa lupang banyaga (charing)...

"akala mo bay tanga yang anak mo na di nalalaman ang mga nangyayari? marurunong ang mga bata ngayon kaya wag mong isiping tanga yang anak mo"

Pero sa mga nakikita ko sa mga kabataan, lalo pa nga yung todo pasa ang mga magulang sa mga pangangailangan nila, ay tila walang pagpapahalaga at pagsusumikap ng makapag aral. Para bang obligasyon talaga ng magulang na ibigay sa kanilang lahat ng naisin nilat may gana pang magtampo pag di naibigay kagad.
Kami ba nung araw? pag may gusto kami, ganito ang approach namin kay mader ...

"Pag po nagka pera kayo, baka po pwede magkaron din kami ng ganito/ganyan"

Pucha, ice drop lang yung pinapabili namin ha? pag humingi kami ng piso shocked pa yun. Pag yung anak ko pa hihingi syo ng pera...

"Ma, penge pong wan tawsan"

"Wan tawsan, aanhin mo naman"

"O e anu bang gamit ng pera" sabad naman nung lola, diko lang masabing sya nga nung araw piso lang, kulang nalang bigyan namin ng CPR.

Kamot nalang ako ng ulo e, sasabihin pa ni mader na "kung hindi mo bibigyan e pangatawanan mong hindi, at kung di mo kayang pangatawanan e wag ka nang magpapetek petek, bigyan mo na lang"....

May tanong ako.... bakit nauso ang lola?






MORAL LESSON: Kung kagaya ko kayo na di marunong sumagot at kumontra sa nanay nyo, pag magsesermon kayo ng anak, ikulong nyo muna yung lola sa CR, at sabihin nyong mag iisprey kayo ng ipis at masama sa kalusugan nya ang makasinghot ng sprey?




Photobucket

36 comments:

darbs said...

base!

darbs said...

ang style naman namin dito sa bahay pag pinangaralan ang bata dapat ung magulang may prior conference/usapan and united ung support sa isat isa.

dapat magkaisa talaga ang isip para totoo ang dating.

kung ang isa hindi convince sa pangaral dapat di na lang makinig sa pangaral.

Lee said...

lakay Darbs, naka base ka ah, lol.

dahil ikaw ay naka base, ikaw ay magkakameron ng mga produkto ng aking mga sponsors...

1 month supply of TIKI-TIKI from Dencios

1 month supply of DIATABS from Alkapon

1 month supply of CHOCNUT from mam CAT

and

1 month supply of DARIGOLD MILK from me

1 month supply of YES COLA from our main sponsor...

o bongga ang mga sponsors diba? dito lang yan.

Lee said...

tsk, oo nga e ayoko namang magmukhang sirang plaka sa anak ko, masisira ang aking image na pagiging cool mom at iba na mga bata ngayon, dina makuha sa kulit lalo lang maaasar iisipin ang angas naman ng nanay nya jejeje.

Lee said...

pero infairnes, diko kakayanin lahat kung wala si mader na syang gumagabay sa amin, at isa syang dakilang ina at lola weeeeeeeee at shut up lang ang inyong lingkod pag yan na ang bumanat, yan lang ang kinasisindakan at pwedeng manindak sakin, si mader.

mtoni said...

kase naman ate nooooon malaki pa halaga ng pera kumpara sa ngaun.
kung sa maayos na paraan naman nya ginagamit ang pera lalo't nakikita mo kung ano binibili eh ok lang.

saken pag nanay ko nagsasalita nakikinig lang ako, hindi un sa dahilan na takot kundi tanda ng ating paggalang di ba?

AL Kapawn said...

Lintek hindi ako naka base...

kagigising ko lang kasi, hindi ako makatulog kagabi.. basahin ko muna..

I luv u bok!

AL Kapawn said...

Katulad sa negosyo rin yan... mas MAHAL ang interest kaysa sa puhunan.

ikaw ang puhunan..at ang APO ay ang interest.

meron din pangyayari na mas spoiled ang mga Apo sa panahon na ito, bagay na hindi nagagawa ng nanay nung tayo'y mga bata pa lamang.

Malaki na rin ang ipinagbago ng takbo ng panahon, kung nung tayo dati ay nag tyatyaga sa piso na baon, at kung chicharon at ice candy lang ang ating nakakayanan noon, ngayon ang mga bata halos hindi na makontento sa mga bagay na ating nakakayanan.

AL Kapawn said...

katulad na rin sa nangyari sa akin, sa sobrang pagmamahal sa akin ng aking LOLO ay ako'y kanyang kinupkop. sa kanya ako lumaki at nagkamulat, iginapang ako sa aking pag-aaral hanggang ako nakatapos bagamat isa lamang siyang barbero. ngunit nung hindi na kinaya ang katawan dala ng katandaan, umuwi na sa probinsiya..
pagkaraan ng ilang taon, nagulat na lamang ako sa pumanaw na siya at nag-iwan ng konti mana para sa akin.
my point is..kakaiba rin pala ang magmamahal ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo. Mas hingit din minsan sa pagmamahal nila sa kanilang anak.

AL Kapawn said...

agree din ako sa sinabi ni Mtoni, kahit anong sabihin ng mga magulang, masakit man o maalumanay, makikinig na lang, hindi dahil sa takot kundi tanda ng paggalang. Dahil yan din ang nais kong mangyari sa aking mga anak.

teka! gusto ko sanang pasyalan ang bahay ni Mtoni kaya lang walang links.

kaway na lang... hi Mtoni..

Lee said...

@Mtoni Ading, tama ka dyan tama ka.


@Alkapon, labshu2 (kilig)
gumaganti ka sa post ha lol.
laki ako sa lola ko, korek ka dyan sa sinabi mong mas mahal ang apo kasi yun na yung tubo nila sa puhunan.
laking lola din ako kaya nung mamatay ang lola ko muntik na rin ako sumama sa hukay, kaso takot ako sa bulate.

pag sinabi ko kay mader, "bakit kami nung mga bata?" sasagot nya "bakit apo ko ba kayo"?

sabi nya pa, obligasyon namin bilang magulang ang dumisiplina ng mga anak at di nya obligasyon, sila daw ii-enjoy nila ang kanilang mga apo, at sila ang taga balanse kagaya din nung pagdisiplina nya samin habang ang lola namin ang taga balanse.

gaganti ako pag lola nako weeeee.

Lee said...

napansin nyo ba? yung post ko masyadong complicated? bakit kanyo, iba yung main topic sa pamagat at dun sa piktchur na nakalagay hahaha.
di ako laseng ha.

April said...

Hahaha. Ayan ang papel ng mga lola. Kaya nga ako pag pagsasabihan ang anak koh pati mama ko nilalakihan ko na ng mata bago pa maka-react haha. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

April said...

Pero bati kmi ni mader ha. hehe Ayaw ko lang na maxadong lumaki ang ulo ng anak ko kakakunsinti ng mapagmahal na lola nya haha. Pero totoong mas mahal na nila ang mga apo kesa sa anak huhuhu.

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

BlogusVox said...

Kung minsan may dis-advantage din yung nakikipisan sa magulang or in-laws.

Nakita ko yan sa auntie ko at sa kapatid ko. Yung pinsan ko lumaking spoiled sa lola namin (ang sarap batukan)! At yung pamangkin ko lumaking barumbado dahil sa palaging kinakampihan ng ermat ko!

Lee said...

@Basyon, bati din kami ni mader ko lol, uber love kami ng mader ko kaya nga sa sobrang pagmamahal nya samin dina nagasawa ulit kahit na 25yo lang sya nung mabyuda, kaya yun kinokondider namin yun ng husto.


@BV,sinabi mo pa, yung byenan nung brother ko yun ang grabe mag spoiled ng mga bata, masama na pag spoiled masyado kasi nagmumukhang abnoy naman na yung bata.
yung mga bata sa bahay,di mga spoiled pero ayaw na ayaw nung lola ng sinisigawan o pinapagalitan yung mga apo nya, gusto nya palaging malumanay ang pagkausap kahit na nga galit kana pigilin mo.

dencios said...

waaaaaaaa.. di ko makita bok ang piktyur. balikan ko to sa bahay. hekhek

AL Kapawn said...

Parang In love yata sau si dencio ah.. mmmmm..


medyo nakakahalata na ako.. he he he

cathy said...

ang tanong eh, sinong nag-imbento ng lola. sina adan at eba, wala eh. mwahahah

Lee said...

mam CAT, natumbok mo hahaha

Allen said...

NYahahahahahaha! di ko mapigilang di matawa habang nagbabasa. haha!

Nanay ko naman lagi sinasabi,

"ayaw ko maranasan nyo yung mga naranasan namin sa lolo't lola nyo dati kaya binibigay ko yung mga kelangan nyo!"

tapos pag hihingi ka ng pera,

"gusto mo bang iparanas ko sayo yung mga naranasan namin sa lolo't lola mo???"

sick! =))

Lee said...

@Allen, hahahahaha ang khulet hahahahaha pagka ganyan e dimo na gugustuhing humingi p ng kahit ano, kung may choice ngalang ba noh.

uy, salamat sa pagdalaw mo ha

dFish said...

23rd Floor (hindi base sa akin)! Hahaha - ang lutong ng trip mo mader sa mga unibersidad, kahit hagdanan. Uy, lam mo noon, may balak din - makabili man lang ng PE t-shirt ng mga sikat na iskul sa maynila.

Heto, pang graduation speech at talaga:

"Ang alam kasi nya, hirap na hirap ako sa trabaho ko dito sa abroad (totoo naman diba?) na talagang subsob ang aking ulo ko (sa computer) sa kakatrabaho, at kulang na kulang ang tulog sa gabi (kaka internet) dahil sa wala nga akong aral, at akoy api apihan sa lupang banyaga (charing)..."

Da bes talaga Lee...Word verification ko para ma-post tong comment ko at walang kinalaman kay lola: fliti hahaha...

jesusoaez74 said...

mahirap maging magulang dahil minsan eh hindi mo alam wwhen to stop. nung generation noon ay masyadong strict ang parents at matipid. sabi ng mga anak nila pag sila ang naging magulang ay iba sila at gagawin nilang bff ang mga anak at ibibigay lahat ng kailangan. ngayon naman ay na-spoiled ang kabataan puro magastos at walang galng. somehow u have to find the balance...
btw, ang mga lola eh taga-spoil lang ng mga apo. trabahi nila yun kaya ganun na lang...

Lee said...

@Dfish, hahaha iba rin ang trip mo, makabili ng mga tshirt nila, iba ang trip ko, makabili ng college ring nila kaso naisip ko unfair naman, makikita ng tao suot ko yung singsing nung unibersidad tapos aanga anga ako mag inggles kawawa naman yung unibersidad, masisira ang pangalan hahaha.


@Jesus, magkahawig pa kayo ng name ng aking yumaong ama, Jesus Suarez, na pagkakaiba nga lang you are still alive and kicking.
tama yang sinabi mo, kaya nga sabi ni mader, kami ang my obligasyon, sila naman daw ang mageenjoy sa apo, amen!
salamat sa pagdaan mo, sana maligaw ka ulit lol.

Silver said...

Fuschia parekoy!

Eto na pala ang bagong bahay mo! Hahhaha....o heto na ako, nagpaparamdam ng pagmamahal sa iyo. Haymishue parekoy! Hhahhah...mwah!

Random Student said...

i-level talaga sa uso ha-ha! kakatakot 'pag nawala na sila sa uso. magiging trend eh tito naman.

AL Kapawn said...

Lee, happy weekend..

Just enjoy your week end... abangan ko na lang ang sunod mong post.


luv u bok.. he he he

Monique said...

Naku nakikinikinita ko na na parang ganyan ang kahihinatnan ng anak ko... at ng nanay ko! anak ng... banat ng lola (2 y.o. pa lang anak ko eh), "nique, gusto daw kumain ng jollibee anak mo..." mommy: ma, kakapasyal niyo lang last week... lola: eh gusto ng anak mo eh.
mommy: walang nagawa, lola ang pinag-alaga ng anak eh! hahaha!

taga-bundok said...

makikiraan... patambay. pabasa muna pala. haha.. nauna na comment ko.

DRAKE said...

hehheeh, tiga bulacan ka rin pala! San ka sa bulacan bro.

Salamat nga pala sa bati at sa pagdalaw sa aking kwarto

ingat lagi

Lee said...

@Silver, parekoy, alamat sa paramdam, walang hilahan ng paa ha?



@Random student, kanya kanyang panahon, kanya kanyang uso lol.


@Alkapon, happy weekend din seyo.



@Monique, pag tayo naman naging lola, tayo naman magenjot sa mga apo hahaha.


@Taga-bundok, salamat naman at nakababa ka ng bundok para makadaan dito, tsaa ka muna ng pito-pito.


@Drake, taga Poblacion Sta Maria bro, sa tagiliran lang ng simbahan, mga 50 hakbang pag lumampas ka pa ng 1 hakbang imburnal kana.salamat sa dalaw.

PB Woot Woot said...

hindi po ba pwedeng kausapin nalang si grandmother dear na huwag nang sasabat kapag pinagsasabihan ang anak dahil silang mga lola rin naman ang mahihirapan kapag dumating ang araw na tuluyan nang masira ang bata bukod sa parents?

talagang nakakaasar ang mga taong hindi pinapahalagahan ang meron sila. hindi nila nalalaman na maraming nagsasakripisyo para makuha nila ang meron sila ngayon. mahirap mag-aral, pero mas mahirap ang walang pinag-aralan at mas masakit sa loob at sa ego na gusto mong mag-aral pero huli na ang lahat.

salamat nga po pala sa comment u sa post ko! ^_^

Lee said...

tama ka dyan patricia,kung sinu yung malaki ang chance at my pampaaral yun pang walang plano sa buhay, sigh!sakin, gustuhin ko man magaral, huli na ang lahat hahahahahahaha.

naku, pag tinawag ko yung anak palaging nakabuntot ang lola na parang kakainin yung apo nya hehe.
kaya ang gagawin ko ayain ko magdate kaming magina, dun ko sa sa date namin sesermunan hahahahaha.
salamat din sayo ha

reyna elena said...

natuyo na naman ako hehehe nakalimutan ko tuly sasabihin ko kasi me na-alala lang ako nung high shcool ako hehehe

Lee said...

@Reynz, salamat sa dalaw kamahalan, ganyan talaga pag medyo matured na ng konti, nagkakalimutan hahahaha