(photo credit to jim880 & doggy_daycare, from photobucket)
Yung aking sister, dun na nagdalaga, nagkaasawa't nagkaanak sa baryo, di pa rin masanay sa mga taong baryo...
ALING JULING: (humahangos, humihingal na parang hinahabol ng asong ulul) Naku Neng, ako ngay pahiramin mo muna ng sibuyas dyan, at samahan mo na rin ng bawang hane.
SISTER: Dahan dahan ho't baka yang sibuyas na yan pa ikabangas ng mukha nyo't magkalat pa kayo ng dugo dito... e bat nga ba kayo humahangos?
ALING JULING: Dangkasi e napasarap ako ng huntahan sa kabilang ibayo, e padating na nga pala ang Kakang Juan mo, akoy mapapagalitan nanaman kapagka walang inabot na makakain.
Iiling iling patungong kusina para kumuha ng kailangan ni Aling Juling.
ALING JULING: (my pahabol pang bulong) baka naman my sinaing na kayo dyan e samahan mo na rin at gahol na ko para magsaing.
Habang nagsasandok ng kanin si sister, lumabas ang Aling Juling at humiyaw sa katabing bahay...
ALING JULING: Hoooouuuuuy, Teneeeee! huuuuuuu, Teneeeee, nariyan ka ba?
TENY: Narine hoooo!
ALING JULING: Abutan mo nga ako dine ng dahon nyang malunggay mo, at bigyan mo na rin ako nyang talbos ng kamote.
TENY: Kayo na ho't may tangan akong bata, minamadali ko pa itong tinatahi ko.
ALING JULING: Sus, ikaw na at nagmamadali ako, minsan kalang mapag lambingan e, sige nat parating na Kakang Juan mo.
Minsan nga lang makalambing... minsan lang sa isang araw!
SISTER: Ayan na ho yung sibuyas,bawang at kanin.
ALING JULING: Naku Neng, nasabi ko ba sayong ang Kakang Juan mo ang kakain at hindi ibon.
SISTER: (taka) Oho nga, ang alam ko nag hoy tao kakain nyan, yan nga ho e kanin para sana sa asawa ko mamayang pagdating, e anu naman ho kinalaman ng ibon sa kanin?
ALING JULING: Aba e kakapirangot, e di manlang sasayad sa titilaukan ng Kaka mo itong kanin nato (sabay lingon sa likod at sigaw ulit) Teneeeee! wala pa ba yang hinihingi ko?
TENY: Nandyan na ho kamahal mahalang reyna (bubulung bulong).
ALING JULING: Samahan mo na rin ng bahaw hane, at ang mga tao ditoy parang mga ibon magsikain.
SISTER: (nakanganga, tulala pa rin)
MORAL LESSON: Magsasaing din lang kayo e damihan nyo na at ang kakain e hindi ibon.... ha? ibon? bakit my nakasamang ibon?
38 comments:
Base! buhay probinsiya talaga.
Funny Barriotic situation, lol!
kung ako yun eh..bibigyan ko ng Kanin at sa ka Baboy.
in short.. kaning-baboy..ha ha ha
Parang makapal po ang mukha ni Aling Juling, parang yung kapitbahay namin nung bata pa ako sa probinsya rin, tuwing nagluluto yung pinsan ko eh dudungaw sa binatana namin at magpaparinig ng "Ang sarap naman nyan, patikim naman kami mamaya pag luto na..."
@Al, sosyal ang mga baboy sa probinsya namin, di sila kumakain ng kaning baboy, puro lan darap lol,yaan mo next time maipagluto ng darak si aling juling.
@Glen, makapal talaga yun,di marunong mahiya,pasensya nalang talaga,kaya nga nagbalotbalot yung kapatid kot sumunod sa manila e,babalik nalang daw sya ulit dun pag dina nakakalakad si aling juling para mangapitbahay hahaha.
naku maraming
ganyan sa probinsya,pag
naamoy ang niluluto mo,magpaparinig na yun.
ahaha. talgang damang dama ko ang pagbabasa. hahaha. natatawa tuloy ako sa sarili ko. tahimk ko na ngang binabasa may punto pa rin.
ang kulit ni aling juling. walang kakapal kapal.hahaha
Teka ba't nga ba may nakasamang ibon.
Yan ba ang ibong adarna?
Lesson: Halatang nag-comment at hindi man lang nagbabasa.
Solusyon: Mabasa nga.
hehe.. good morning..
@Kikilabotz, kung taga barrio ka e talagang mkakarelate ka, marami talagang makukulets na tao sa baryo,lol.
@Darbs, ako din nagtataka kung bakit my naligaw na ibon,hala basa lang ng basa.
@Jaypee, gud morning din,salamat sa dalaw.
yan talaga ang barriotic happenings.
meron kami noon kababarrio, hindi naman kapitbahay pero alam niya kung kailang nakahain na. parang may alarm clock siya.
alam mo naman sa atin pag may dumating, inaalik nang kumain.
dito sa states, ang mga puti di nang-aalok. utusan ka na lang kumuha ng pagkain sa ref.
pero may makakapal din na pagdating sa bahay mo diretso sa kitchen at inom ng joice o soda.
@MamCat, alam ko sa state pag dumating ka sa time ng kainan na dika naman imbitado e maghintay kang matapos silang kumain,at dika talaga daw aalukin.
satin naman nakasanyan na kahit na nga pabalat bunga lang,
sory ka kung super kapal nung bisita mo hahaha.
Wahahaha ayos ang kuwento, parang naririnig ko pa si Aling Juling habang papaalis heheheheh
Baka naman sasali lang si Ka Juling sa I LOve Rice contest ni yhen at ng PhilRice hehehehe
MAgandang hapon lee...
dati sa pinas paligid ng bahay mga bungang kahoy at gulay, pati bakod me nagapang ampalaya, bataw, patani, kalabasa at talbos.
ung 2 puno bayabas sa sipag mamunga.. pero meron kapitbahay na kung manghingi eh punuin ba 2 plastic bag nya. ala naman problema sa nanay ko pagbahagi katwiran nya masama maramot.
tungkol sa kanin na yan marami din ako natatandaan at meron din nagsabi saken na 'ineng para namang ibon ang kakain' eh kalahati ng laman ng saingan namen binigay ko.
@Taribong, gandang hapon din, hihingi ka din ng kanin?baka nga sasali kaso e luto yung binitbit lol.
@Mtoni, kala ko agkansyon ka ti bahay kubo,kahit munti lol.
sinabi mo ba,manghihingi e samantalaysing naman
gusto ng ubusin lahat,maaalimpungatan kapa sa gabi dahil gagapangin pa aruuuu.
napigsa lataga mangan iti magbubukid ading,masakit pa nga ngipin pero ubos isang kaldero.
dumawat ak man ti inapoy balasang. han ak pay nga nangan. madik kayat ti kilaban ah. inya ti sida? mmmnnn... naimas.
na-miss ko bigla ang barrio san pedro... :(
@Anjong, ay baro, naimbagkinyam ti kilabban tano lumomeg ka unay,han nga napintas ti napudot nga inapoy.
sida? pakbet ken diningdeng,tsk,namiss ko yuloy pakbet at diningdeng.
hahahaha ilokano ba ang mga naandito?
sige garud, agayab kayo no makaluto aya??? magandang gabi, lee. Hapunan na hehehehhe
@Taribong, my lahi ka ring italian? ganyan talaga mga royal blood kahit san makarating e nagkakaamuyan.... amoy pinakbet lol.
gandang gabi din, walang hapunan, di ako makakain, mukhang madadale pako ng trankaso,sa ginaw dito.
hindi naman masama ang loob mo nyan? hehe.
Naaalala ko, ganyan din samin. Pag hapon na, bili lang ako ng pisbol sa kanto at manghihingi ng bahaw sa kapitbahay, solb na. Hehehehe
At halos lahat nga naman pwedeng hingi na lang.
Pero grabe naman yang si aling juling. Walang kakapal-kapal eh no?
@lababo, yang si aling juling a walang kasing kulit na kapitbahay at di yata nagsasaing lahat hingi lol.
sa probinsya ganyan,pero sa manila, manigas ka sa gutom,anung hingi hingi,pahabol kapa sa aso.
Feeling naman ni aling juling nasa malaking palasyo sya. Sarap sapakin. Sbhin m ke sister mgsaing ng mrmi at lgyn ng pampapurga at lhat ng sinaing n un ay ialay ke aling juling nang madala. Hahaha.
@Patricia, nyahahahaha kung ikaw pala naging kapitbahay ni aling juling dina lalabas yun para mangapitbahay hahahaha.
na stress ka tuloy, yung sister ko e stress dyan ke aling juling e hahaha
Masama ugali mo pareng alkapon..hahaha.kaning baboy talaga..sagmaw yon.hahaha
Likas na sa ating mga Pilipino ang magbigayan ng ulam, ng mga gamit o papahiram pero dapat marunong ding magbalik ng ikinukusa di ba Lee?
Oo, laking probinsya ako..kulang na lang hiramin bahay, pati asawa pwedeng hiram...ay ano ba yan.
Salamas sa pagdalaw sa bahay kubo ko.
ano hihiramin mo?
Haha. I enjoy reading the story of your sister. Thanks for sharing po.
Sabi nga nila mas madali raw ang buhay ng mahirap sa baryo kasi mas madaling humingi ng tulong. :)
Bigyan mo kaya sister mo ng post-it notes? Para sa susunod na bibigyan nya ng kanin si Aling Juling, lagyan nya ng note na "Para po talaga ito sa alagan nyong ibon." hehe :)
Naku, next time magluto ka na rin ng sobra. Mahirap na!
Uso ang rice ngayon ah! Napupuntahan mo ba yung ibang blog na ang post eh tungkol sa bigas? Rice Awareness Month kase ang November. Aw. Baka alam mo naman yun! hehe.
Masarap mamuhay sa probinsya! Simple lang. Nakakatuwa rin yung ibang tao. Pagbigyan mo na, isang araw lang naman. Pag bukas, bumalik sa sister mo si Aling Juling.. Ay, ibang usapan na yan. Baka gusto na rin nila matulog sa bahay ng kapatid mo! Hehe.
Ahahaha. Ayus si Aling Juling ah, pwd nang di magluto para sa tanghalian lol. Naku marami ngang ganyan sa province. Naalala ko tuloy nung napnta kmi ni mama sa kakambal nya sa baryo, ayun at di tlga tumitigil ang lutuang kalan na umusok, para daw di halatang walang malutong pagkain hahaha.
Maraming salamat nga pala sa dalaw. At oo nga pala mommy Lee, salamat at may concern ka bout dun sa work. Tapusin ko muna ang mga aberya dito sa pinas bago na daw ako mag-abroad hehehe.
Salamat ulit. ;D
Lesson: Wag magluto pag dipa nakakaluto si Aling Juling hahaha.
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
@Kulisap, ok lang naman sana kundi ginawang bisyo,kaso yung araw arawin naman e dina maganda.
oo,hiiram sana ko sa yo ng laptop,saka webcam na rin.
@Rocky, salamat sa visit, naku maraming kwento yang sister ko,kaya nga nagalsa balutan at lumuwas ng manila bago daw maubos ang dugo nya sa kunsumisyon.
@Kikit, naku sinabi mo,ok naman sana sa baryo at madaling lapitan ang mga tao pag nangailangan ka ng tulog,pero meron talagang super kulit lol.
@Ax, naku,buti nga kung minsan lang,kaso yan talaga ang bisyo nyang si nana juling,grabe pa kulit nyan lol,sana nga pala nasabi ko my pa contest nga pala ng kodakan ng rice sa kabilang ibayo,sana manalo ka.
@Basyon, yan an magandang moral lesson, sabihin ko sa sister ko abangan mnan makaluto si aling juling bago sya magluto hahaha.
Naalala ko tuloy yung yumao kong angkel. Nag tanim ng lanzones at rambutan sa lupain nya sa barrio. Ang mga taga roon naman natatawa at bakit daw puro yun ang tinatanim at sa bundok pa. Nang mag bunga, galit pa sa angkel ko't madamot daw at ayaw mamigay ng prutas. Sino naman ang hindi magagalit? Bukod kasi sa negosyo nya yung lanzonesan at rambutan, nasanay pa kasi ang mga taga-roon na namimitas ng kung ano-ano na hindi nag papa-alam sa may-ari.
@BV,nakupu sinabi mo pa, yung kapitbahay naming nagtayo ng palaisdaan,isip yta nung mga taga roon e itinayo yun para sa kanila,wala ng ginawa kundi manghingi dipa man lumalaki yung mga tilapia,at pag di namigay e madamot daw at kung anu anung mga pinag gagagawa,ayun,napilitang tumigil yung may ari.
lee,
di ba sa amin ganiyan din. naglagay ng tilapia sa bakuran ng aming bahay. Hindi naman para ipagbili pero hindi naman para ipamigay anoh.
kalabas-labas, pati pusa mg kapitbahay, nakikipangisda rin. noong nahuli tinuro yong amo. mwehehehe salbaheng pusa. traidor.
nagtanim naman ng upo anf mader ko. gumapang sa kabilang bakod. lahat ng bunga nandoon. bwisit na kapitbahay, inangkin lahat.
pinagdasal naming mapurga sana ng upo.
o kaya hindi na makatayo at palagi na lang nakaupo.
sunod naman naming tinanim ay pakwan. mahilig kami sa gumagapang. lahi kami ng mga gumagapang. ahek.
hintay nahintay si kapitbahay. namunga nga. ang laki. kasi doon sa bakuran namin, nag-iisa. eh ako ba naman nagtanim na hindi kagayang mother ko na may green thumb. sa alin purple. patay ang tanim o kung mamunga man bansot.
sunod na itinanim namin grapes. pero may trellis kami at hindi pwedeng magvacuate sa kabilang bakod. kaya lang nakatanim sa may garahe namin at puwedeng sungkitin ang bunga.
hindi nila alam kahit na tinutugtugan ng mother ko ng Chopin at ng
Mozart at kinakausap niya araw-araw, hindi rin nagbunga. kaya nilagyan niya ng plastic na grapes baka raw mainggit o mamunga.
ala si kapitbahay, nakita namin sinusungkit.
pimabayaan ni mother at kandahulog sa silya katatawa.
bago ako manood ng dancing with the stars, isang hirit pa.
sinulat ko ito doon sa pinay. ishare ko lang dito.
pag may handaan sa pinas ang daming kapitbahay na tumutulong lalo sa pagnagpatay ng baka at baboy.
huwag ka kilo-kilo naman ang pinauuwi sa bahay nila kaya ang pobreng naghahanda kunti ang natitirang karne.
hindi lang yon, pati luto na panay balot pa.
kaya noong minsang wala namang makain sa bahay pagkatapos ng handaan, nakikain kami sa kapitbahay noong hansa namin.
nagkataon, maraming bisitang galing sa ibang barrio kaya kailangang pakainin sila. nagluto ng isang latang sardinas, nilagyan ng isang baldeng tubig para sa sabaw. Sa dami ng tubig, [arang libag na lang yong sardinas. mwehehe at pwede ka pang maligo sa sabaw.
totoong istorya ito. pramis, matapilok man si aling juling.
@MamCAT, hahahahahaha lalo akong nagkandaubo ubo dito kakatawa dun sa plastic na grapes hahahahahaha gawin ko kaya yun sa bakuran namin hahahaha
nung kinasal ako mam, baryo style, enggrande, diba naichika ko na rin sayo?3 araw na handaan buong baryo open para makaattend,bataris sa lutuan pero buong angkan dun ang kain,1 week after nung kasal,baon kami sa utang,sardinas na lang ulam namin,pero maaamoy mo pa yung
mga kapitbahay na panay init nung handa namin sa kasal e 1 week na nakakaraan hahahahaha.
@MamCAT, yan nga ang problema ko e,pano ba pag nagretired nat ayoko ng magabroad?gustuhin ko mang magtanim,maglagay ng maliit na fishpond sa bakuran e kung pepestehen ka lang ng kapitbahay kakahingi e wala din,
mga walang isip pa naman,di
nalang inisip na
kaya mo yun ginawa e para sa inyo na makatipid naman kayo,
at ang masaklap aaraw arawin ka ng hingi,at pag dimo napagbigyan ng minsan e napakasama mo na sa buong baryo,kaya nga
yung sister ko e sumama ang ugali,palaging nagkukulong hahahaha.
OMG!
i don't know what kind of patience i would practice if I were in your sister's shoes. di pa naman ako kilala sa pagiging mabait at mapagpasensiya. hahaha! kaya siguro hindi ako sa barrio nakatira. malamang natarayan ko na yang aling juling na yan na tipikal na chismosa.
di naman sa maramot ako. kaya lang yang mga ganyan gaguhan na eh. kunwari naglalambing, e parang ipaghahanapbuhay ko na ang kakainin nilang mag-asawa niyan eh. sus.
ayan nagalit ako imbes na matawa. hahahaha! pero sana ok lang ang kapatid mo, sis.
@Kaye, hahaha bigla ka tuloy naistress hahaha.
suplada ang kapatid ko, sumobra nalang talaga kakapalan ng mukha ng kapitbahay nyang yan hahaha.
Post a Comment